[W.O.F] CHAPTER 2: THE GAME'S NEW FEATURE

2.8K 117 2
                                    

K I R O

Maghahating-gabi na nang makabalik kami sa bahay na tinutuluyan namin. Tulog agad sila Zeth, Silver at Clyde pagdating namin dito. Pumasok na ako sa kwarto ko. Tinanggal ko muna ang coat ko at ibinagsak ang katawan sa kama.

Tumingin ako sa bintana. Kitang-kita ko mula dito ang mga bituin.

Ang tahimik naman sa lugar na 'to. Hindi rin magtatagal magkakagulo na dito. Ganyan naman ang larong 'to eh. Sa umpisa payapa pero kapag tumagal-tagal, ayan na magsisimula na ang kaguluhan.

*sigh*

Itinaas ko ang kamay ko at tumingin ako sa singsing. Kulay itim ito na may highlight na silver. Hindi ko ma-imagine na nasa loob ng singsing na 'to si Yuri. Ano nanaman kayang pakulo 'to?

Ngayon ko lang naramdaman ng totoo ang hirap ng pagiging mag-isa. Nasanay na kasi ako sa company ng iba. Nasanay na ako nang may mga kasama.

Sana kahit si Yuri man lang, nandito sa tabi ko. Ang hirap kapag dadating ang gabi. Wala kang makausap.

"I heard your mind. Ang ingay." biglang sabi niya. "Kiro, kahit wala man ako diyan sa tabi mo physically, nandito parin naman ako. Nakaka-usap mo." dagdag niya.

"Alam ko naman 'yun. Nasanay na kasi akong lagi kang kasama, physically." sabi ko sa kanya.

Hindi na siya sumagot. Alam niyo, kung ano talaga ang ugali ko, ganun din ang ugali niya. Nakakatuwa lang isipin.

Inilapag ko na ang kamay ko dahil nangangalay na ito. Tumayo muna ako at sumilip sa bintana. Binuksan ko ito at umihip ng malakas ang hangin. Dinama ko ito at pumikit.

"I feel like I'm in the real world." sambit ko.

Kamusta na kaya sa totoong mundo ngayon? Marami na kayang nagbago? Gusto ko nang makabalik sa dati kong buhay. Nakakapagod na dito.

Maya-maya, pumasok sa isip ko 'yung pinagusapan namin ni Yuri kanina. 'Yung nilalang na na-sense niya kanina. Alam niyang kilala daw namin siya. Pero hindi ko talaga maisip kung sino 'yun. Ni wala nga akong idea.

*sigh*

Sinara ko na ang bintana at natulog na.


*****


*loud knocking sfx*

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang malakas na pagkatok. Napatakip ako sa mga mata ko nang tumama ang sinag ng araw dito.

*yawn*

Umaga na pala. Tumayo na ako at binuksan ang pinto. Tumambad sa harap ko 'yung tatlo.

"Hey there, sleepy head." sabi ni Silver.

"Yo." sabi naman ni Clyde.

"Goodmorning Kiro!" bati ni Zeth.

"Goodmorning." sabi ko naman. "Para saan naman 'yung malakas na pagkatok? At bakit ang aga niyo? Anong meron?" tanong ko.

"We're going to explore." masayang sabi ni Zeth.

"Explore what?" taka kong tanong.

"Explore this world! Ano ka ba naman Kiro, ang ganda-ganda kaya dito. Sasayangin mo lang oras mo sa pagtulog? Sayang naman kung hindi natin malilibot ang WOF bago pa magkanda-sira ang lahat. Marami tayong pwedeng madiscover dito. Tsaka kailangan din nating paghandaan ang ang nalalapit na labanan. Ibig sabihin lang nun..." huminto muna siya at nagtaas-baba ang kilay niya.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon