[W.O.F] CHAPTER 3: UNKNOWN CIRCUMSTANCES

2.8K 113 5
                                    

K I R O

"Grabe ang sakit ng katawan ko." sabi ni Zeth habang hinihimas-himas niya ang likod niya.

"Paanong hindi sasakit ang katawan mo eh bagsak ka ng bagsak kanina?" sabi ni Clyde sa kanya.

"Ang dali-dali lang nun hindi mo magawa." sabi naman ni Silver.

"Nagsalita. Ikaw nga diyan e--" hindi na niya naituloy dahil biglang nagsalita si Silver.

"Hoy, sa umpisa lang no. Pero hindi naman masaklap ang pagkabagsak ko. Na-balance ko parin naman ang katawan ko." sagot niya.

Nag-aaway na po sila. Actually, kanina pa.

"Hayaan mo na sila Kiro." sabi sa'kin ni Clyde. Nauna na kaming maglakad sa dalawa dahil nag-aaway parin. Walang nagpapatalo.

"Alam mo bang..." sabi ni Clyde at huminto siya. Hinihintay ko pa siyang magsalita pero hindi na niya tinuloy.

"Ang ano?" tanong ko.

"Nevermind. Nothing important. Wag mo ng intindihin 'yun." sabi niya at tumawa siya.

Ano kaya 'yung gusto niyang sabihin? Nakaka-intrigue ah.


*****


*burp*

"Grabe, takpan mo naman 'yang bibig mo." sabi ni Silver dahil napadighay ng malakas si Zeth.

"You don't care. Akala ko naman mabait ka. Pala-asar ka pala." nakangusong sabi niya.

"Concern lang naman kasi ako." sabi ni Silver at ngumisi. Napatingin kami ni Clyde kay Zeth dahil bigla siyang nanahimik. "Concern lang ako sa ibang tao." dugtong ni Silver. Pagkasabi niya nun, napatawa kaming dalawa ni Clyde.

"Haha! Wag kang assuming na sa'yo ako may concern." sabi niya kay Zeth. Ang kukulit nila. 'Yang si Silver, ganyan talaga 'yan. Napaka mapang-asar.

"Sige tawa pa." sabi ni Zeth at hindi na kami pinansin. Kumain nalang siya. Damay-damay na 'to Silver ah. Baka pati sa amin magalit din si Zeth.

"Ito naman, I'm just kidding." sabi ni Silver.

"Kidding mo mukha mo." sabi sa kanya ni Zeth at pumunta siya sa counter. Pagbalik niya dito, may dala na siyang ice cream.

"Ang takaw mo talaga." sabi sa kanya ni Silver.

"Thanks." sagot sa kanya ni Zeth at hindi na siya pinansin. Pasimple akong tumingin kay Silver at nahuli ko siyang nakangiti. Nakahanap siya ng katapat niya.

Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami sa training field.


*****


Nakapabilog kami. Tahimik at walang nagsasalita sa amin.

"Nga pala, wala ba kayong napapansin?" pagbabasag sa katahimikan ni Clyde.

"Napansin ko na rin 'yun. Pangalawang araw na natin dito pero wala pa ring nangyayari. Napakatahimik." sabi ko.

"Oo nga." sagot naman Zeth. Napatingin ako kay Silver dahil ang tahimik niya.

"Silver, ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo ayos lang. Naalala ko lang ang kapatid ko." sabi niya.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon