Chapter 42

138K 4.9K 1.8K
                                    

Nabuksan na ni Axel ang lagusan at pumasok na kami, pagka pasok na pagka pasok ay sinalubong kaagad kami ng malakas na enerhiya na tumutulak sa akin palabas. Ano yun?

"Yun na ba yung bomba?"-johanne
"Ang lakas naman" reklamo ni Chill na humawak kay Sky

Iniharang ko ang braso ko sa mga mata ko dahil nakakapuwing ang lakas ng hangin. Gumawa naman ng parang barrier si Sky para hindi kami tablan ng lakas ng hangin.

"B-bomba ba yan?" Nabigkas ko ng makita ang sinasabi nilang bomba

Ang akala ko sa bomba ay yung pangkaraniwan lang na may mga wires at timer pero nakalimutan ko na nasa ibang mundo nga pala ako. Nasa harap namin ngayon ang isang ... errr. Paano ko ba idedescribe?

Isa yung malaking bola ng kapangyarihan, parang araw kung titingnan pero kulay itim sya kaya di nakakasilaw.

"Sphere of Power" bulalas ni Sky

Sphere of Power?

"Kaya pala mahina si Dark kanina at di nya nagagamit ng maayos ang kapangyarihan nya, gumawa pala sya nito"-axel
"Nakakapagtaka, paano sya nakapasok dito?"-trixie
"Malamang ay may nagpapasok sa kanya, sa higpit ng seguridad ng Academy ay di sya basta basta makakapasok"-johanne

"Next time na natin isipin kung paano sya nakapasok. For now isipin muna natin kung paano yan mapapatigil"-charm
"Paano nga ba?"-jeanne

Natahimik kaming lahat na parang nagiisip. Kung ako, hindi ko talaga alam dahil hindi naman ako ganoon kapamilyar sa Sphere of Power. Ang alam ko lang ay nagagawa ito sa pamamagitan ng purong itim na kapangyarihan, once na sumabog ay tiyak na malaki ang maidudulot na pinsala. May nakatakdang oras ang pagsabog nito, hindi ko lang alam kung kailan.
Pero sandali, nagagawa ito sa pamamagitan ng purong itim na kapangyarihan? Hindi kaya...

"Hindi ba't gawa ito sa itim na kapangyarihan? Hindi kaya matatalo yan ng Light power?" Suhestyon ko

Napatingin naman silang lahat sa akin na para bang pinagiisipan ang sinabi ko.

"May punto ka, pero paano? Patatamaan ba natin yan ng Light magic?"-johanne
"Maaari yan kung kasing laki ng dark magic ang pakakawalan nating light, pero dapat ay sapat ito kung hindi ay mawawalan din ng silbi"-frost

"Then let's do it!"-charm
"Pero sandali" putol ni Sky "Wala namang light magic user sa atin" tuloy nya

Natahimik nanaman kami at di nakapagsalita. Tsk! Wala ngang light magic user sa amin, paano na?

"Si kuya Reev!" Biglaang sigaw ni Chill
"Si Reev?"-jeanne

(A/n: Tanda nyo pa si Reev? Yung taga Edulas na kaibigan ni Chill.)

"Opo! Light magic user po sya, but I doubt na magagawa nya po yung ganyan kalaki"-chill
"Call him Flame, gagawa tayo ng paraan"-frost

I immediately reached Reev's mind at kinausap sya, itinanong ko kung anong exact location nya at agad nya namang sinabi kahit na naguguluhan pa sya. Si Sky naman ang sumundo kay Reev para mas mapabilis, pagdating nya ay hindi lang si Reev ang dala nya kundi pati sina Hunter at Vyra.

"What? Sumama sila eh" sabi ni Sky ng samaan sya ng tingin ni Jeanne

Kapag kasi mas marami kami dito ay baka mas marami rin ang mapahamak. Wala naman kasing kasiguraduhan ang gagawin namin.

"Bakit nyo kami pinapunta?"-reev
"We need your help"-jeanne

Inexplain namin sa kanila ang buong pangyayari na agad naman nilang naintindihan.

"Kaya lang hindi ko kaya, masyadong malaki yang Sphere"-reev

Paano nga ba?

"Bibigyan ka namin ng kapangyarihan" maya maya'y sabi ni Hunter "Tanda mo nung mga bata pa tayo? Hindi ba't nagawa mong kumuha ng kapangyatihan sa amin ni Vyra at nagawa mo itong kasing puro ng kapangyarihan mo?"

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon