Chapter 42.

11.7K 437 105
                                    

Chapter 42.


Pagdating 'ko sa condo ay nandun na siya. Ang lalaking ito! Taas ng pride! Talagang iniwan ako 'don sa office niya! Hmp. Pero okay lang, nakakainis naman kaso talaga yung ginawa 'ko.




Nakahiga siya sa sa kama at nakatalikod mula sa akin. Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya. Gosh. Bigla akong naawa sakanya. Alam 'kong sobrang naiistress siya sa trabaho. Minsan kapag madaling araw, nakikita 'kong may binabasa siyang libro, o kaya may ginagawa sa laptop niya na related sa trabaho niya.




"Sorry Clarence.. Sorry talaga. Hindi 'ko naman intensyon iyon, e. Promise. At wag mong isipin na mas okay si Bruce kesa sa'yo.. Kasi kung mas okay siya, wala ako ngayon sa tabi mo. At ikaw ang mahal ko babe, kaya wag na wag mong iisipin na—"



Napatigil ako nang humarap siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. I caressed his back at tinahan siya. I think he's crying.



"Marga naiiyak na lang ako dahil sa sobrang stress.." He whimpered.



"Shh. That's okay, Clar. Iiyak mo lang. Makikinig ako."



Tumahan na siya sa pagiyak at nanatiling tahimik. Mas lalong humigpit ang yakap niya habang marahan na hinahalikan ang braso 'ko.



"Kanina, muntik ko ng maidecline lahat ng proposals na na-email sakin kaya I called Walter for some help." Aniya. "Nalito ako sa programming. Pakiramdam 'ko kulang pa yung knowledge 'ko para sa trabaho—"



"No, babe. Kinakapa mo pa lang 'yang trabaho mo, ano ka ba? Bago ka palang. Wag mo ngang sabihin 'yan para kang sira." I tried to lighten his mood up. Ngumiti siya pero halatang peke.



"Yeah, maybe." Hinalikan niya ako. "Sorry for how I treated you earlier. Hindi 'ko dapat 'yon ginawa.."



"It's okay. Sorry din ha? Promise 'di na mauulit 'yun." I smiled.



He smiled and gently kissed my lips, "Aral tayo babe."



Tumango ako nilabas ang mga syllabus 'ko. Siya naman, busy sa laptop niya at kakareply sa mga email sakanya. Sinusulyapan ko ang ine-encode niya. I think nasa ika-100th page na siya, shocks. Nakakastress at nakakapagod nga ang trabaho niya!




Kinabukasan ay maaga akong nagising. Namataan ko si Clarence na nagbibihis na at basa pa ang buhok. Wow! Ang aga! Changed man na talaga ang bebe ko!




"What time ka natulog?" I asked.



"I didn't." He smiled. Tumayo ako at ako ang nag-tie sa neck tie niya.




"Bakit hindi ka natulog? Baliw ka talaga! Wag mo namang pabayaan ang sarili mo!" Sermon 'ko.



"Well, the kapeng barako I drank last night kept me awake." Hinalikan niya ano noo 'ko. "I made you a breakfast. Let's eat?"



Napatitig akong sakanya habang naglalakad kami papunta sa dining area. Sinulyapan 'ko ang american breakfast na ginawa niya. Shocks, Clarence! You never fail to complete my day!



Pinaghilaan niya pa ako ng upuan kaya tumawa ako ng kaunti at ganon din siya. Hindi ko keri ang kanyang effort! My gosh!



"My gosh, babe. Ang effort mo naman nakakakilig." I said at tumawa.




"Syempre, mahirap na. Baka maghanap ka ng atensyon sa ibang lalaki." He said.




Alluring I: Alluring the beautiful geekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon