CHAPTER 75

4.1K 109 2
                                    

First day ng pagbabalik ko sa school. Galing kami sa Batangas Hospital na pinagconfine'nan ko nun para ipatanggal yung semento sa kamay at paa ko. Ok na yung paa at kamay ko dahil nagheal nadaw yung ilang fractures, buong araw din kahapon na nagpractice ako maglakad para hindi ako iika-ika. Ngayon, I'm officially going to school today.

Positive vibes, positive vibes, gusto kong ibalik yung dating masayahing Charlotte noon na puro daydream lang ang inaatupag. Hindi yung ganito na puro Yuji, Maxine and their baby ang nasa utak ko. Sila yun eh, pamilya nila yun. Bakit ko sila iisipin e hindi naman ako miyembro ng pamilya nila. Echepwera lang ako sakanila, and I hate it.  May buhay ako, may sariling buhay akong pinapatakbo. I still have my friends na handang pasayahin ako, so why stress myself out? Go KARLOTA! Iwagayway ang bandila ng mga taong tumatakas sa sermon ng nanay nila.

Wait what?

*BLAG!*

"Ouch, ouch, ouch!" Hawak hawak ko yung tuhod ko dahil tinalon ko na naman yung puno.

"KARLOOOTA!"

Damn. Ika ika akong tumakbo palabas ng gate namin hanggang sa makarating ako ng kabilang kanto. Yes, sa bintana na naman ako dumaan. When I said first day of school, ako lang nagtalaga nun. Hindi payag si Mama, pinagtalunan namin yun kagabi actually pero kasi NEXT WEEK? Next week pa nya ko papapasukin e ok naman na ako. Nakakalakad na ko, sawa na ko sa bahay. Ngayong araw ko gustong pumasok. My rules, my way!

Pagdating ko ng school, lahat nakatingin sakin. HAYY namiss ko sila. Yung mga chismoso, chismosa, mga usyoso, usyosa. Hala sige pagtinginan at pagbulungan nyo na naman ako, kaya mahal na mahal ko kayo eh. Masyado nyong kong iniidolo pati hindi magkaparehas na medyas ko pinapansin nyo.

Oo hindi magkaparehas yung medyas ko. Sa pagmamadali kong makatakas kay Mama kanina, wala na kong time hanapin yung kaparehas eh. Tsaka bago 'to, papausuhin ko 'to. New trend kumbaga.

Tumakbo ako paakyat ng room, pati railings ng hagdan miss na miss ko, yung mga bulletin board namiss ko rin sila, grabe nga kung wala lang sigurong nakatingin pinaghahalikan ko na lahat ng namiss ko sa campus nato. Tagal ko ring nawala ano.

"CHAR!!!" Si Penny unang sumalubong sakin ng makita nya palang ako sa pinto.

Nagsilapitan narin mga kaklase ko para batiin ako. At syempre pinagtawanan nila ko ng dahil sa medyas ko. Pink at black ba naman, imbes na mahiya at mawalan ng confidence, lalo akong nasiyahan. Ewan ko ba, ang weird ko ngayon para wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba basta  papasok ako, magiging active ako today, at lalayuan muna si Yuji.

Seriously, hindi ko sya kayang harapin ngayon. Huling huli na ko sa mga previous lessons, projects, quizzes, thesis, pati mga reports. Huling huli na ko sa lahat kaya No. I won't allow any distractions today. Siguro papansinin ko naman si Yuji pero as her student. Seryoso nagiging magulo pag ang tingin ko sakanya is boyfriend ko at hindi Prof ko.

"So, kamusta nemern?" Tanong ko kay Penny. Sa tabi nya ko umupo.

"Wow, ang blooming mo ngayon. Busog na busog ka sa pagmamahal ni Sir. Yuji no? Hahaha!"

I glared at her. Really? Ang saya ko na e, naguumapaw na yung energy ko tapos babanggitin nya yung pangalan na nakakapagpanamlay sakin.

"Please, wala munang Yuji ngayong araw. I'm asking about you and Travis, spill!!! Kamusta relasyon nyo?" Para akong bata na nagaantay ng sagot habang nakangiti ako ng malaki sakanya.

"You look weird Char. May problema kaba?"

Am I that obvious? Gusto ko lang naman ibalik yung dati ako, yung KARLOTA na pumapasok ng walang problema. Ganun ba kahirap ibalik yun at pati konting kilos ko ikinababahala ng iba?

"Penny Alavod Ca. Karlota's back! Hindi kaba masaya?"

"M-masaya pero kasi ang weird mo. Yang ngiti mo nakakatakot, mukha kang killer na payaso."

*TIK!*

"Char!"

Pinitik ko sya sa noo. Ang kuleet! Sinabi ng sagutin nalang yung tanong ko.

Hindi na natuloy yung usapan namin ng may pumasok ng prof sa room. Parang nabura naman agad yung ngiti ko, at kinain ng buo ng pride ko yung positive vibes ko kanina.

"Good morning Class. And Ms. Briones, it's nice to have you back. Are you feeling ok? You sure you can back to this stressful room? I can let you stay in the clinic if you wanted to rest, ESPECIALLY YOUR FOOT."

Tiningnan nya 'ko mula ulo hanggang paa Malamang sa malamang, tinext sya ni Mama at sinabing tinakasan ko na naman sila. Ngapala, may tauhan si Mama dito para bantayan ako.

"Thankyou but I'm fine." Maikling sagot ko.

"Good, I could tell that just looking at your socks. I didn't know you're a trendsetter Ms. Briones."

Nagsitawanan yung mga kaklase ko sa sinabi nya.

Yuji, inaasar mo ba 'ko?

HA HA HA! Nakakatawa. Hindi ko nalang sya sinagot at inirapan nalang sya. Nakita ko pa syang ngumisi halatang nageenjoy sya sa ginagawa nya.

Nagsimula syang maglecture at todo kinig naman ako. Everytime na may tanong sya, nagtataas agad ako ng kamay. Sila Travis at Jess late na dumating, hindi naman sila pinagalitan ni Yuji.

Tests, pop quizzes lahat ginawa namin ngayon. Lahat ng kaklase ko halatang stress na stress na sa kakasolve pero ako, game na game ako. Punong puno ng iba't ibang libro yung desk ko at kalat kalat yung mga scratch paper ko kung san nandun lahat ng solutions ko. I don't mind everytime na may nalalaglag mula sa desk ko. Pupulutin yun ng kaklase ko at sya magbabalik nun sa desk ko. Malalaglag ulit, tapos pupulutin nya ulit. Malalaglag, pupulutin nya ulit. Hindi sya napapagod sa kakapulot at balik pramis.

"Ms. Briones, your desk is such a mess." Sita sakin ni Yuji.

Oh? Bakit malaking problema na ba yun sa subject nya? Sa dami ng equations, formulas at properties ang pinapagawa nya, hindi na dapat sya magulat kung iba't ibang libro na tinitingnan ko mahanap lang sagot sa tanong nya.

"I won't mind, Sir."

"But as your Professor, I mind Ms. Briones. You're a girl, look at your classmate's desk. Malinis, maayos at hindi nakakalat ang mga papel."

Nakatingin lang ako sakanya at inaantay syang matapos. Tumigil sya sa kakasalita, ang sarap nyang sagutin na "Ano tapos kana magsalita?" pero syempre ginagalang ko padin sya.

"Sir, oo nga malinis, maayos at hindi nakakalat mga papel sa desk nila. Pero ganun din mga answer sheet nila, malinis, maayos at wala silang mga sagot ni isa."

Tumayo ako at nilapag sa desk nya yung answer sheet ko na puno ng sagot.

"I'm done answering Sir." Magkatitigan kami habang parehas kaming nakatayo. Eye to eye.

*RINGG!*

Bigla naman nagbell hudyat ng lunchbreak. Nagsitayuan mga kaklase namin at pinagpapasa yung mga papel nila na isa o dalawa lang yung may sagot. Magkatitigan padin kami ni Yuji ng makalabas na lahat ng kaklase ko at tanging si Travis, Jess at Penny nalang natira pati kaming dalawa sa classroom.

Tahimik, walang galawan, parang tumigil yung oras. Nagsimula akong bumitiw sa mga titig nya at lumabas na ng room pero bigla nyang hinawakan yung kamay ko.

"Charlotte, anong problema m--"

"IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO!"

Nagulat sya sa mga sagot ko. Kahit sila Travis, Jess at Penny hindi makagalaw sa kinatatayuan nila ng bigla akong sumigaw. Tinititigan lang ako ni Yuji, lumawag yung pagkakahawak nya sa kamay ko kaya sinamantala ko yun para bumitiw sakanya.

Tumalikod ako dire diretsing lumabas ng room. Hinabol ako nila Travis, Jess at Penny palabas ng room at naiwang magisa si Yuji sa loob.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon