Kabanata 9

2.1K 55 0
                                    

C-9








KANINA pa siya ikot ng ikot sa kamang kinahihigaan niya. Hindi kasi siya makapaniwala na pumayag siya sa inaalok ng binatang si fer sa kaniya. Mariin siyang napapikit. Ano na lamang kaya ang masasabi at magiging reaksiyon ng kapatid nito kapag dumating ang araw na malaman nitong si fer ang siyang may pakana ng lahat.




Nadagdagan ang kabang lumulukob sa kaniya ng malaman pa niyang magtatagal ang pamamalagi ng kapatid nito sa bahay. Kanina niya lamang kasi iyon nalaman dahil sa sinabi iyon ni fer sa kaniya. May misyon daw kasing naiatang sa kapatid kung kaya't binigyan ito ng pagkakataong magpahinga muna at doon isasagawa ang pinapagawa sa kaniyang misyon.





Natigil ang kaniyang pag-iisip ng kung ano ano nang marinig niyang mayroong kumatok sa pintuan ng kaniyang kwarto. Dali-dali siyang bumangon mula sa kama at binuksan ang pintuan. Bumungad sa kaniya ang kapatid nito na mariing nakatitig sa kaniya.






Natigilan siya sandal roon, hindi niya alam kung anong sasabihin. Hindi niya alam kung siya ba ang iiwas ng tingin at aalis na lamang sa harapan niya? Hindi niya alam lalo na ngayon na naalala nanaman niya ang pinapatrabaho sa kaniya ng kapatid nitong si fer.







"A-ano 'yon?" utal niyang tanong rito. Nakakaintimidate kasi ang pagtitig nito sa kaniya, na para bang may nagawa itong kasalanan sa kaniya. Napalunok siya ng wala sa oras, kasabay ng pagpikit niya.






"Lunch is ready downstairs" sagot nito at wala na siyang ibang narinig mula rito kundi ang papaalis niyang presensiya. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at tanging matipunong likod na lamang niya ang kaniyang nakita.






Bumalik siya sa kaniyang kwarto at inayos saglit ang kaniyang sarili. Kanina pa kasi niya iniisip kung kaya ba niya ang ipapagawa sa kaniya ni fer. At paano kapag pumalpak siya? Panigurado'y wala siyang mukhang maihaharap sa dalawa.




Naabutan niya ang dalawa sa kusina matapos niyang ayusin ang kaniyang sarili. Nakakahiya naman kung magpapakita siya sa mga ito na gulo-gulo ang buhok at hindi maayos ang damit hindi ba?. Halatang abala ang dalawa sa pag-aayos ng kusina at hindi napapansin ang kaniyang presensiya.




Tumikhim siya at dito'y nabaling ang pansin ng dalawang binata sa kaniya.






"Oh you'r here! Akala ko hindi kana bababa" fer playfully said to her. She just smiled to him even though she started to feel the awkwardness for the three of them. Hindi niya maiwasang hind mahiya dahil dapat ay siya ang gumagawa ng mga bagay na ngayon ay ginagawa ng dalawang lalaki.




Ipinaghila siya ng upuan ni fer. Tipid lamang siyang ngumiti rito at saka tuluyan nang umupo. Ang kapatid naman nito ay naglagay na ng kani-kanilang mga plato. Pinanood niya munang kumuha ng kanin si vhin, ang kapatid ni fer drake at pagkatapos nu'n ay saka naman sumunod si drake na naghain ng kaniyang kanin sa plato.





"What are you still waiting for? Get your food. You have your own hands to used." Iritang sabi sa kaniya ni vhin. Dali-dali naman siyang kumuha ng kaniyang pagkain na nakahain sa lamesa. Kaldereta, adobo at menudo ang nakahain sa kanilang lamesa.



Gusto niyang tikman ang lahat ng iyon ngunit naunahan siya ng kaniyang hiya, kung kaya't adobo na lamang ang siyang kinuha niyang ulam. Puno ng katahimikan ang siyang nakapaligid sa kaniyang tatlo ngayon. Tanging ang kanilang mga kutsara't tinidor lamang ang siyang lumilikha ng ingay.




"I'm done" maski siya ay napatigil sa pagsubo ng kaniyang pagkain nang marinig niyang nagsalita ang binatang si vhin. Napunta ang tingin niya sa katabi niyang si drake na umiiling na lamang habang patuloy ang pagkain nito.





Celine✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon