CHAPTER 79

4.1K 112 2
                                    


Hinatid ako ni Yuji sa bahay pero dahil takot ako sa bunganga ni Mama, sa puno ako ulit dumaan at sa bintana ko ako dumaan papasok ng kwarto ko. Nasa baba sila Mama nagluluto ng breakfast kaya ang alam nya tulog pa ko. Good thing, I locked my door when I left last night. Hindi sila nakapasok ng kwarto ko. Naligo ako agad, nagbihis ng uniform nagayos, lahat minadali ko dahil anong oras nadin.

Bago ako bumaba natigilan ako sa singsing na suot suot ko. Ang laki, ang kinang, nakakailang. Hindi naman siguro magagalit si Yuji kung huhubarin ko muna hindi ba? Tinanggal ko yun sa daliri ko at sinuot yun sa kwintas na bigay din sakin ni Yuji. Yung may crown? Ginawa ko syang pendant so, dalawa na silang nasa kwintas ko.

Pagbaba ko kumuha lang ako ng toasted bread sa lamesa at nagpaalam na kila Mama.

"Karlota, hindi ka kakain?" Tanong ni Mama.

"Hindi na Ma, nagmamadali ako e. Bye!" Nagwave ako sakanya at nagmadali na kong bumaba.

Ang totoo kaya ko nagmamadali ay dahil nasa kabilang kanto na si Yuji at nagaantay sa akin. Binilisan ko maglakad papunta sa kotse nya at halos hingalin ako sa kakamadali. He opened the door for me as I knocked.

"You look tense." Aniya.

"Nagmadali kasi ako." Inaayos ko yung bag ko sa likod ko ng mapansin nyang wala sa daliri ko yung singsing.

"Where's the ring?"

"Hinubad ko muna, I hope you don't mind. Hindi pa kasi alam nila Mama."

"At wala kang balak sabihin sakanila?"

Sabihin na ano? Engaged na ko? Malilintikan ako dun.

"Masyado pang maaga para sabihin sakanila."

"Right, then where did you keep it?"

Pinakita ko sakanya yung kwintas sa leeg ko at nakita nya yung singsing na ginawa kong pendant.

Ngumiti sya sakin at hinawakan yung kamay ko bago sya magmaneho. Hanggang ngayon hindi ko akalain na engaged na kami, parang hindi totoo na ayaw kong maniwala dahil syempre nga nagaaral pa ko. Ilang taon pa ko sa pagkokolehiyo, tapos manganganak din si Maxine at iluluwal yung anak nila. Parang ang dami pang mangyayari bago kami makarating sa point na ikakasal kami, nakakatakot lang dahil yung pagpopropose nya sakin, parang sa madaling salita tinanggap ko lahat ng responsibility na hindi ako pwedeng umatras o umayaw sa kahit na anong bagay na kumokonekta sa buhay nya. Like his child, tanggapin ko. Si Maxine? Wala rin akong choice but to accept her a part of our lives.

"Charlotte?"

Bumalik ako sa wisyo ko at napalingon sakanya.

"Gusto mo bang madaliin yung pagaaral mo? Ako kasi I took a test when I was a first year college. Bata pa ko nun, kagagaling ko lang ng highschool but I took that test dahil once na naipasa mo yun, accelerated ka at diretso graduation kana. It was a hard test but it's all worth it if you pass it."

Nagdadalawang isip ako. Accelerated? Akala ko sa mga highschool lang yun at elementary.

"Uh sure. I'll do that, pwede ko bang isama sila Travis at Jess? I'm sure game sila dyan para graduate agad." Nakangiti ako sakanya habang nagsasalita, making him convince that I am happy.

"Sure. Ako na magrerequest ng test niyo para sabay sabay na kayong magtake ng test okay?"

I nod at him as a respond. Napepressure ako actually.

Pagdating namin sa campus, inunahan ko sya bumaba ng sasakyan, nagpaalam ako agad sakanya at dire diretsong umakyat papunta sa room.

"SHACHA!" Bati sakin nila Travis at Jess pagkapasok ko sa room.

Tumabi ako agad sa pagitan nila atsaka lang ako nakahinga ng malalim.

"O-kay." --Travis

"What?" Tanong ko.

"Cha, you're freaking out. What is it?" --Jess

Kinuha ko kay Travis yung kinakain nyang Mr. Chips at sumubo ako ng marami.

"I'm not freaking out. I-I'm fine, who-who's freaking out??" *Subo ulit*

Nakatingin padin sila sakin habang nguya ako ng nguya ng Mr. Chips.

"Sha, mukha kang ube. Anong nangyari sayo?" Hinahawakan pa ni Travis yung mukha ko pero nguya padin ako ng nguya.

"Pag hindi mo sinabi samin, si Sir. Yuji mismo tatanungin nami--"

"I'm engaged."

Natigilan silang dalawa sa sinabi ko. Nagkatitigan sila tapos biglang..

"HAHAHAHA!"

Nagapiran pa sila habang nagtatawanan. Nagpapatawa ba ko dito para tumawa sila? Seryoso ako! And I'm sure as hell that I am freaking out right now!

"Hahaha Sha, alam ko inlove na inlove ka kay Sir. Yuji pero engaged? Hahaha!"

"Hahaha! Ok, joke's over Cha. Sige kung engaged ka nasaan yung singsing m--"

Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Jess at halos malaglag yung panga nila nung pinakita ko sakanila yung singsing na nasa kwintas ko.

"See? Nakikita nyo ba yung diamond? Kumikinang! Kumikinang sya! At bakit sya nasa kwintas ko? Kase hindi ko sya kayang suotin sa bahay o dito sa school! I'm engaged ok? Hindi pa alam ni Mama, hindi pa alam ni Papa, tapos ngayon kinausap ako ni Yuji tungkol sa acceleration test na pag napasa ko diretso graduate na ako. And if that happens, next year na next year ikakasal na ako. Naririnig nyo ba yung sinasabi ko? Ikakasal na ko!"

Yep. Nagpapanic na ko.

Lumapit si Jess sakin at hinahagod yung likod ko, si Travis naman pinapainom ako ng tubig.

"Edi go, magpakasal ka. Walang problema dun Sha, masaya kami para sayo."

*PAK!* Binatukan ni Jess si Travis.

"Sira kaba? Masyadong maaga para magpakasal si Cha sakanya. Tsaka masaya ang college life Charlotte, sigurado kabang gusto mong itake yang exam na yan at makagraduate ka agad?"

"Actually, tayong tatlo ang magtatake ng test na yun. Samahan nyo ko, ayoko gumraduate magisa kaagad no." Sabi ko.

"Sure! I'm in!" Tuwang tuwang sabi ni Travis.

Si Jess parang ayaw pa makijoin sa gagawin namin ni Travis, ayaw ba nya makagraduate agad? Tsaka balak namin maging Professor sa campus nato.

"Jess, please? We are the three musketeers, magpapaiwan kaba samin ni Travis?" Nagpapuppy eyes na ko sakanya pero mukhang ayaw nya pakumbunsi.

"Sige ka pre, pag kami ni Sha nakagraduate agad, kaming dalawa magiging Prof mo."

Pagkasabi nun ni Travis, parang natakot ata si Jess na sakaling mapasa namin yung test at makagraduate agad, kami ang magiging Prof nya. Magkakaibigan kami at alam nyang pagtitripan namin sya ni Travis pag naging estudyante namin sya.

"I'M IN!!" Taas kamay ni Jess.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon