Chapter 51 (September 26, 2011)

886K 10.6K 1.1K
                                    

DATE POSTED: September 26, 2011


Chapter 51

"Alam mo ganito kasi yan... Maganda ang sorority namin! Hindi lang ang mga members. Sa katunayan nga may counterpart kaming fraternity eh!"

"Oo Phoebe! Sa orientation malalaman mo at makikilala ang magagandang sisses namin!"

Napapaligiran si Phoebe ng mga miyembro ng sorority. Tango lang siya ng tango sa mga sinasabi ng mga ito. Pero ang totoo ay naiilang siya.

"Alam mo ba Phoebe sobrang sikat ka! Sa katunayan nga naiinggit kami sayo dahil nabingwit mo ang isang tulad ni Kent F. eh!" sabi ni Dominique

Napataas ang kilay ni Phoebe.

Nabingwit talaga ang term? Parang ginayuma ko naman si Kent nuh? Naisip niya pero pinipilit niyang ngumiti. Naglalakad pa rin kasi sila at halos lahat lumilingon sa gawi niya.

"Tska si Harley din diba? Iba ang appeal natin! Mas maganda talaga kung sister ka namin!" sabi nung isang naka-contact lenses na violet na hindi naman kilala ni Phoebe. "Sali naming kayo ni Eli---!"

"Pshh!" sabat ni Dominique sabay ngiti kay Phoebe. "Kamusta na nga pala si Kent F. sa Paris?"

Huh??Hala! Lalo ko namang na-miss si Kent.

Papaakyat na sila ng South building ng magvibrate ang cellphone ni Phoebe mula sa bag.

Baka si Kent!!!

Natatarantang tumigil si Phoebe at hinagilap ang cp sa loob ng bag. Napatigil na rin ang mga kasabay niyang maglakad dahil sa kanya.

Nasaan na nasaan na!!! Hindi niya kasi lalo makita dahil nagpa-panic siya.

Pagtingin niya... Number lang...

Si Kent na ba ito?Hindi niya ba gamit yung roaming sim niya?

Sinagot niya pa din ang tawag.

"Hello?"

"Phoebe!!" malakas ang boses ng nasa kabilang linya.

"Ha? Sino toh?" sabi niya sabay tingin sa mga sorority girls. Umurong siya ng kaunti dahil nakikinig naman ang lahat ng ito. Mga usisera.

"Ahh... Saglit ah!" sabi niya particular na kay Dominique.

Ngumiti ito nang pagkatamis-tamis. Tska siya lumayo.

"Sino nga ulit ito?" Tumingin muna siya sa mga soro people bago siya tumalikod sa mga ito.

"Si Alex!!! Si Alex from Italy? Yung nakita mo sa may nagtitinda ng masarap na palamig?"

Hala si Alex! Magagalit si Kent pag kinausap ko pa toh! Kaya lang ang harsh naman kung bababaan ko na lang.

"Ahh.. Hello!!" tinry niyang maging lively.

"Musta ka na??? Miss mo na ba ako?"

Lokong ito!

"Baliw! Hahaha! Medyo busy ako Alex eh! Tska a-attend pa ako ng orientation ng sorority next time na lang ang ha AY!!! Nagulat siya ng may umagaw ng cellphone niya.

Akala niya isa sa mga miyembro ng sorority ni Dominique ang umagaw ng cellphone niya... Pero isang seryosong  Harley ang tumambad sa harap niya.

Hay jusmiyo! Parang si Kent din toh kung makapanggulat

"Hoy... ibalik mo may kausap ako dyan!"

Tinapat ni Harley sa tenga niya ang cellphone ni Phoebe. Sabay kumunot.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon