CHAPTER 143 : Deib Lohr Enrile's Birthday Bash

2.8M 65.4K 180K
                                    

NAIH'S POV

Eksaktong alas kwatro ng madaling-araw ay nagsara kami ng TB..

"Pakinengsheeeet! Bakit ba andaming mapepera sa mundo?! Kung sino pa yung mapepera sila pa yung lasinggero! Stop me!" sigaw ko at saka ikinbait ang padlock.

Nanlaki ang mga mata ko nung makita ko si Max na nakasandal sa motor nya---NANINIGARILYO at TUMUTUNGGA NG BEER!!!!

"M-Max!!!" sigaw ko at saka mabilis na lumapit sa kanya at inagaw ang bote ng beer! "A-Ano bang nangyayari sayo?!" gulat pang tanong ko!

"Uuwi na ba tayo?" walang emosyong tanong nya.

"M-May problema ba??" nag-aalalang tanong ko at napayuko naman sya.

"Max.. Are you okay??" nag-aalalang tanong ni Jep.

Bumuntong-hininga si Max at saka tumingin sa kawalan.

"S-Sana bukas.. okay na.." malungkot na sagot nya kaya naman nakaramdam ako bigla ng awa sa kanya!

Niyakap ko sya..

"M-Magiging okay rin kayo.. tiwala lang.." bulong ko pa.

"Salamat.." tugon nya at saka kusang umalis sa pagkakayakap ko at saka tumayo. "Tara.." yaya nya pa.

"S-Sige, magtataxi na lang ang mga bakla.." mahinang sabat pa ni Beka at saka tumingin sakin. "Ingat.."

"Ingat rin.." sabi ko pa.

"Max.. Please be strong.." mahinang sabi pa ni Barb sa kanya at saka niyakap rin sya at nagbesobeso.

"Mag-ingat sa pagdadrive.." si Jep at nakipagbesobeso rin kay Max.

Nagpaalam naman ako sa kanila at saka sumakay sa motor ni Max..

"Kaya mo bang magdrive??" tanong ko pa.

"Oh.." sabi nya lang sabay abot sakin ng helmet ko. "Kumapit ka.."

Sumakay naman ako kahit medyo kinakabahan ako sa kanya.. In-start nya ang motor..

"M-Max.. o-okay ka lang ba?? Sure kang okay ka lang??"

"Hindi.."

"S-Sya ako na ang magdadrive---"

"Kaya ko namang magdrive, wag kang mag-alala.. hindi kita ibabangga.." nakangisi pa kunwaring sagot nya kaya naman kumapit nalang ako!

Malapit lang naman e.. Please take care of us..

Sinimulan nyang paandarin ang motor nya at nabigla naman ako sa sobrang bagal!

As in SOOOOO...BBBBB....RRRRAAAAAAANNNNGGG....

BAAAAAA...GGGAAAAAAALLL...

"A-Ahh h-hehehehe.. H-Hindi naman de-uleng ang motor naten, Max no??? H-Hehehehehehe.. N-Natatae na kasi a-ako.. konting bilis naman--------"

~BRRRRRRRROOOOOOOOOOOOMMMM!!!!!!!!!!!!~

"Waaaaaaaaaaaa!!!" napasigaw pa ako nung sa isang mabilis ay nagpark sya!!!!!!!!!

"Hoooo! Hooooo! Hoooo!!!" habol habol ang hininga at napakapit pa ako sa dibdib ko! "Umurong yata yung tae ko! A-Ano ka ba?!" inis na tanong ko pa sa kanya.

Hindi nya ako pinansin at nginisian nya lang ako at saka sya pumasok sa loob ng bahay kaya naman sinundan ko lang sya. Mabilis syang naupo sa sofa at nagsindi ng panibagong sigarilyo, at saka ibinato sakin ang kaha..

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon