EPILOGUE

7.4K 133 33
                                    


18 YEARS LATER...

**

May crush ako at Professor ko sya sa Mathematics, kahit kailan hindi ako umabsent sa mga klase nya. Umabsent na ko sa ibang subject wag lang talaga sa oras ng klase nya. She never noticed me, sino ba naman ako diba?

Estudyante nya lang naman ako. Kilala sya sa buong campus bilang "Math Goddess" dahil sya ang Head ng Math Department pero mas kilala sya bilang "MEDUSA".

Yun ang tawag sakanya ng mga estudyante dito dahil hindi lang sya masungit kundi numero uno syang nangunguna sa listahan ng mga terror Professor dito. Ang kwento ng ibang instructors, estudyante daw sya dati dito. Sobrang talino, palaging panlaban sa mga quiz bee lalo na yung Mathletes noon. Sabi rin ng iba, masayahin naman daw sya noon pero kumalat sa campus na may relasyon sila ng Prof nya at naghiwalay sila. Walang may alam kung bakit sila naghiwalay, baka nga dahil naiissue sila. Nakikita ko pa nga mga litrato nya nung Mathlete sa bulletin board, nakangiti sya sa mga pictures na yun pero ngayon ni isang beses ata walang nakakakita sakanyang nakangiti sya. Palaging walang expression yung mukha nya, pero kahit ganun crush na crush ko parin sya. Ewan ko ba kung bakit, ang ganda nya kasi eh. Kahit masungit yan at palagi nya akong napapansin dahil hindi ako nakikinig sa klase nya, alam ko namang crush lang ako nyan ni Ma'am Charlotte e. Ayaw nya lang umamin, tiwala lang Marcus aamin din sayo si Ms. Briones.

"I've been discussing for a half an hour, and what are you doing?"

Nakakunot na yung noo nya, HAYY kahit mukha syang dragon magalit crush ko parin sya. Ang pula ng labi, tangos ng ilong, at parang ang sarap halikan ng mga labi nya parang ang lambot lambot.

"Um..notebook Ma'am? Dinodrawing ko po kasi kayo Ma'am, ang ganda nyo po kasi. Pwede po bang wag kayong masyadong magulo para maayos yung pagkakadrawing ko sainyo?"

She blushed. Huli ka balbon! Hahaha kahit itago ni Ma'am na masungit sya ganito ganyan, alam ko parin na mabait sya deep inside.

"Didn't told you to stop flirting with me? Gusto mo bang ibagsak kita dahil puro drawing lang ginagawa mo sa klase ko?"

Tumayo ako at hinarap sya. Malakas loob ko dahil isa ako sa heartrob ng campus ngayon, at oo mayabang ako kaya nga binanggit ko sainyong heartrob ako e HAHA!

"Ms. Briones, ibabagsak nyo pa po ba ako kung ang laman ng utak at notebook ko e puro mukha ninyo?"

Tinaasan nya ko ng kilay sabay..

*PAK!*

"Diciplinary office NOW. I'm calling your parents."

Isang bagay na ayaw ko sakanya? Ang hilig nya kong batukan, nakakainis lang dahil ako ng ako lang palagi yung binabatukan nya. Sabi na talaga crush ako nito ni Ma'am e. Pakipot lang yan Marcus, lambingin mo kase.

Ganito lang scenario namin araw araw, pagkatapos ng klase nya magcucutting na 'ko. Wala na kong pake sa ibang subjects, sya lang talaga pinapasukan ko dito.

Ang loyal ko diba? Pero sya, nakakaselos sya SOBRA. May mga co-Professor sya na sila Mr. Rajishima at Mr. Madrigal. Sabi nila mga estudyante palang sila, magkakaibigan na talaga silang tatlo. Yang dalawang yan ang palagi kong pinagseselosan kay Ma'am, sila lang kasi nakakapagpatawa kay Ma'am tapos pag hindi na nya kasama yung dalawa, masungit na ulit sya. Ganyan yan si Ma'am, PMS palagi pagdating sa akin.

Sabi pa nila, halimbawa daw si Ms. Medusa ng taong nagbago dahil nasaktan. Cheerful, masayahin, makulit, at palaging nakangiti. Ganyan sya kung idescribe ni Sir. Hunt noon, pero ngayon daw nagbago na sya. Wala daw nakakalam kung bakit nawala yung masayahing Charlotte noon. Pero mabait daw talaga sya, nagawa nya nga daw ibigay noon yung napanalunan nya sa Mathletes na 10 new computers sa ibang school. Ngayon, parang ayaw maniwala ng ilang estudyante sa ugali nyang mabait DAW si Medusa, nagbago lang talaga dahil baka nabroken sya sa Professor nya noon. No one knows what did really happened to their Student-Professor relationship. Kahit ako nacucurious ako kung ano ba talaga nangyari sakanila, bakit hindi sila nagkatuluyan e maaga namang nakagraduate si Ms. Briones?

Nasa diciplinary office na kami at makalipas ng 30 mins na tinawagan nya mga magulang ko, nandito na sila agad agad. DAMN.

"Marcus, ano na naman ginawa mo?" That's my Dad.

"Napatawag na kami sa ibang subject mo, pati ba naman sa Math instructor mo?" And that's my Mom.

*Door opens*

"Good afternoon, Mr. and Mrs. Salvatore. Thank you for coming." Bati ni Ms. Briones sakanila sabay upo nya sa desk.

"Ms. Briones, ano na naman bang ginawa ng anak namin?" Tanong ni Dad. Tss.

"He's not taking notes in my class, he's physically present but mentally absent. Mr. Yuji, your son is always like this in my class. At hindi lang yun, puro sya drawing."

Tamo 'to si Ma'am, grabe magsumbong. Sarap halikan para manahimik e.

"Kayo naman Ma'am laman ng notebooks ko ah? Diba sabi nyo gawin kayong role model? Ayan, laman na kayo ng notebooks ko, masama po ba yun?" Sabat ko. I even smirked at her.

"Marcus!" My Dad yelled.

"I'm really sorry, Ms. Briones. I will fix this but in the meantime, do you have in mind on what we should do to punish him?"

Magkatitigan lang sila ni Ms. Briones pero tumayo lang sya sa harap ng mga magulang ko.

"He doesn't need to be punished, Mr. Yuji. What your son needs is decipline."

"Decipline? Did he--"

"Flirt with me, Yes. AGAIN. Everyday your son is flirting with me."

"MARCUS!" Sigaw naman sakin ni Mama.

*Facepalm*

"I'm really sorry, Ms. Briones." Tumayo si Papa para harapin sya.

"It's okay, Mr. Yuji. I hope you will talk to your son." Nagkatitigan pa sila pero bumitaw na agad ng tingin si Ms. Briones kay Dad at lumabas na sya ng pinto.

See? Ganyan yan si Ma'am palaging pinapatawag yung parents ko. Sabi pa ng iba, estudyante ni Dad si Ms. Briones noon nung hindi pa nagqquit si Dad bilang Professor dito. Kaya naman hindi nawawala yung pagdududa ko na baka si Dad yung Professor na tinutukoy ng lahat na naging karelasyon ni Ms. Briones noon tuwing nagkakatitigan sila.

Ibang iba kasi yung titigan nila tuwing nagkikita sila dahil palagi silang napapatawag sa kalokohan ko. Alam nyo yung titigan na parang naguusap yung mga mata nila? Ganun palage. Pati nga 'tong tatay ko malapit ko ng pagselosan. Pero hindi ko susukuan yan si Ms. Briones. Kahit na alam kong may past ba sila o wala ng Daddy ko, wala akong pakialam.

I will make her mine someday.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon