Chapter 45.

11K 490 130
                                    

Chapter 45.



Tuluyan ng natapos ang lahat lahat sa amin ni Clarence. Hindi niya na ako ginulo at hindi ko nadin siya ginulo.



"Marga ano? Haircut tayo!" Maddi. And yes, nagka-ayos nadin kami. Alot can happen in 9 months, I can say. It's been 9 months since I've last seen him...



"Tara! Sa david's salon nalang ha?" I smiled.



"Sure. Treat naman ni Ate. Haha!" Anang Maddi at inokray si Ate Marielle.



Galing kaming buong pamilya sa Australia kung saan nagtatrabaho si Ate. She got promoted to her job kaya ang dami niyang extrang income and she decided na magbakasyon kami 'don. 9 months of stay in Australia makes me wanna stay there forever.



Kakabalik lang namin ng Manila at dumiretso kami sa crown to get some haircut. Nasasayangan ako sa maalsa, itim, mahaba at straight 'kong buhok pero for a change naman, magpapaiksi ako at magpapa-hair color.



Nagpost ako sa facebook account 'ko ng picture of my new hairstyle. Dinumog agad ito ng likes at comments mula sa mga kakilala ko. Ang mga nakakagulat pa, yung mga nambubully sakin noon ay kanya-kanyang breezy moves. Hahaha ang funny ah! Mga lalaki talaga, looks agad ang tinitignan.



Naghiwa-hiwalay kaming tatlo para mag shopping. Balak 'kong mag-apply na agad ng trabaho para masustentuhan 'ko na si Mama and I'm so bored! 9 months din akong tambay and I badly wanna have my own job now.



Namili ako ng mga casual dress na pwede 'kong suotin sa trabaho 'ko. Blazers, pumps and etc. bumili narin ako ng mga make up na pwede 'kong magamit.




Habang nagtetext ako ay may nakabangga sa akin. Badtrip naman! "Damn! I'm so sorry, Miss."




"It's okay.. Sorry din.." Inabot niya sa akin ang phone 'ko at napanganga ako. Oh my gosh! Si Walter! Just when I needed him for job opportunities! "Walter!"




Kumunot ang noo niya, "Uhm.. Yes? How did you know me?"




Is he joking? Di niya ba ako nakikilala? "Baliw ka!" Marahan 'kong tinulak ang dibdib niya. "Hello! Si Marga today! Yung inofferan mo ng work before—"




"Put*ng*na?!" Napatakip siya sa bibig niya and he cussed even more. "T*ng*na ang ganda mo na lalo! Grabe! Nagpa-retoke ka ba?" He laughed at nag peace sign.



"Hoy hindi ah! Grabe ka!" I laughed with him. Ang gwapo ni Walter lalo at halatang halata na suki siya sa gym.




"Coffee?" Pagaalok niya.



Nag coffee kaming dalawa sa starbucks habang nagkkwentuhan. I mentioned him na gusto 'kong magwork sa company nila.



"Mmm! Sakto! Clarence got promoted as the newest Chief Executive Officer! And we're currently looking for the new supervisor. Yung dating posisyon ni Clar... If you want. Great catch yun." He smiled.



Wow... I'm so happy for Clarence. Napromote siya! He made it! Wow... Grabe... Speechless ako dun ah.



"Kailan pwede mag apply? Oh my gosh! Game ako d'yan!" I giggled. He gave me a calling card at pinaghanda ng mga requirements so I did.



Kinabukasan ay maaga akong naghanda. Si Walter naman ang magiinterview sakin eh kaya alam 'kong matatanggap talaga ako.



Pagdating 'ko sa Montereal group of companies, I felt goosebumps. Dito kami nagtapos noon ni Clarence.. Ugh. Bakit ko pa ba naalala? I've moved on kaya dapat pag nagkita kami ay casual lang ako.




"Hindi na kita iinterview-hin. Your bio data says it all." He smiled kaya mas nabawasan ang kaba 'ko.




"So.. Tanggap na ako?"





"Yup." He smiled.





"Thank you so much! Oh my god! Thank you!" Napayakap ako kay Walter at yumakap din naman siya sa bewang 'ko. My God! Thank God I have Walter!



"Tara, pakilala na kita kay Clarence.. Baka di ka pa nakaka move on ha?" He chuckled.





"Pwede ba?" Sumimangot ako. "Tapos na tapos na ako sakanya noh."





"So... You're free? Pwede tayo lumabas minsan?" Mas lumapad ang ngiti niya.





"Hmm." I pouted. Not gonna fall for this kind of guys. Niloko na ako ng dalawang ex 'ko at hindi ko hahayaang lokohin pa ako ulit. "Oo naman!"




"God damn." He commented at pinanggilan ang baywang 'ko. Tsss. Fuckboy moves. Kung paano niya ako tratuhin, ganitong ganito ang trato noon sakin ni Clarence nung kami pa ni Bruce. Alam ko na talaga kung paano gumalaw ang mga womanizer.




Nakarating kami sa last floor. Huminga ako ng malalim at inihanda ang sarili 'ko. After 9 long months...




"Wait up, Margs. I'll call you pag papasok kana." Anang Walter at tumango lang ako sakanya.




Maya maya ay lumabas muli siya. He interwined our hands together at ang bastos ko naman kung kakawala ako kaya hinayaan 'ko lang siya. Busy si Clarence sa laptop niyo. Damn. Ang laki ng pinagbago niya! His biceps are bigger! His chest.. His hairstyle.. Oh my goodness. Mas lalo siyang naging hot! Oh my god! My ex boyfriend is oozing with hotness!





"Clar, our newest Supervisor... Honey Margarette Andes." Walter says.



Dahan-dahang tumingin sakin si Clarence. Mula sa pagka-kunot ng noo ay nanlaki ang mga mata niya at dahan-dahang napatayo.



"I'll leave you two.." Walter says. Hinalikan niya muna ang kamay 'ko bago umalis kaya pabiro 'kong sinuntok ang maskuladong braso niya.




"Uhm.. Good afternoon. Kailan po ba ako pwedeng magsimula?" I asked him casually.




Lumapit siya sa akin and hugged me tightly. Parang nadurog ang puso 'ko sa ginawa niya.. Fuck!



"You're back... I missed you.. So much." He says at mukhang ayaw ako pakawalan.



"Uh.. Sir, masyado po atang mahigpit ang yakap mo." I whimpered.




Kumalas siya sa yakap and I saw his eyes were teary. Why Clarence? Bakit ka naluha?





"How are you?" He asked at pinaupo ako sa kanyang couch. Pinaghandaan niya din ako ng coffee.




"Okay lang. Congrats pala ha. Napromote ka na." I smiled at him at ngumiti din siya.




"Yeah.. Last week lang." He says. "Ikaw? Ang.. Tagal nating di nagkita ah? S-sobrang ganda mo na."




"Yeah. Alot can happen in 9 months." I smiled at him. Kill him with kindness, Marga!




"Pinupuntahan kita lagi sa bahay niyo pero walang tao palagi. So I assumed na lumipat na kayo ng bahay.."




"We went to Australia for vacation. 9 months kami 'don. Ayun. Bakit ka pala pumupunta 'don?" I asked habang titig na titig siya sakin.



"I.." Huminga siya ng malalim at tumingin sa baba. "Just coz I wanna see you.."




"Aww. Sorry for that." I managed to say.



Nakatingin lang kami sa isa't isa. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin dahil biglang naging awkward. Ang sarap sunggaban ng halik nito! My gosh!


I've got to admit, I missed him so freaking much. Noon kampante na ako na nakalimutan ko na siya. Pero ngayong nakita ko ulit siya... Hindi na ako sure.

Alluring I: Alluring the beautiful geekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon