Chapter 56

303K 8.1K 1.7K
                                    

Chapter 56

Complicated

"Surprise!" sigaw ni Calix na talagang ikinagulat ko.

Nakita ko na naka ayos ng maganda ang dining table. Mayroon din na mga pagkain doon, iyon pa 'yung mga favorite naming pagkain na dalawa.

Napangiti ako nang hindi namamalayan.

"Para saan 'to?" I asked.

Wala kasi akong ideya kung bakit may biglang special dinner. Wala naman sa amin ang may birthday, e.

"For you." maikling sagot ni Calix.

"Ha?" takang tanong ko.

"I just want to make you smile." he said.

Muli akong napangiti sa kanyang sinabi.

It is surprising how I am learning to smile genuinely and sincerely again... How I am slowly forgetting all the pain...

And the only one who makes it possible, is this guy in front of me. My best friend.

Naupo na kami at nagsimula ng kumain.

"Kaya pala ayaw mo pang umuwi tayo agad ha." sabi ko kay Cal.

Kaya pala ayaw niyang umuwi pa kanina dahil may ganito siyang pakulo. Akala ko ay gusto niya talagang mag review! Pasaway na 'to!

Natawa siya at bahagyang tumango.

"Inaantay ko kasi yung text ni Manang. Sabi ko text niya ako pag ready na ang lahat."

"Talagang kinuntiyaba mo pa si Manang ha!" bulyaw ko.

Mas natawa pa ako nung lumapit si Manang sa amin.

"Nako Ma'am ang kulit kulit po niyan. Umaga pa lang tanong na ng tanong kung handa na daw ba."

Pagkatapos naming kumain ng dinner, napag desisyunan namin ni Calix na tumambay muna sa terrace at kumain ng ice cream.

Ang sarap talaga nitong Cookies n' cream!

Ine-enjoy ko 'yung ice cream ko ng bigla akong napatingin sa langit.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong napa-isip.

"Alam mo Cal, ang swerte ng ibang tao ano? Kasi pwede nilang mahalin itong taong mahal nila." sabi ko rito.

"Lahat naman tayo pwedeng mahalin ang taong mahal natin, e. Kaya nga lang may mga consequences." sagot ni Calix.

Napatingin agad ako sa kanya.

"Kagaya ng pag hindi ka mahal ng taong mahal mo... Pwede mo naman siyang mahalin, wag ka nga lang mag e-expect ng kahit na anong kapalit. Para hindi ka masaktan." dagdag pa nito.

Napatingin ulit ako sa langit. Ang complicated talaga ng salitang 'love'.

Paubos na ang ice cream ko nang may humagit nanaman sa isipan ko.

"Cal... required ba talagang masaktan pag nagmamahal?"

Natawa ito at ginulo ang buhok ko.

"Wala namang taong excempted sa sakit." aniya.

Natahimik naman ako. Oo nga naman...

"Kapag ang tao ay hindi na nasasaktan, hindi ibigsabihin nun ay hindi na siya nagmamahal." saad ni Cal.

"Ano kung ganoon?" tanong ko.

"Pag ang tao hindi na nasasaktan... baka patay na siya."

Mahina kong pinalo 'yung braso niya.

"Cal," tawag ko rito. "Thank you."

"Para saan?" tanong niya.

"Sa lahat."

Ngumiti lang ito at inakbayan ako.

"Thank you din, Abigail." sabi naman niya.

"Para saan?" nagtatakang tanong ko naman kay Calix.

"Para dito..." sabi nito sabay kinagat yung natitirang ice cream ko. Waaaaah!

Tumakbo siya agad ng mabilis.

"Patay ka sa'kin!" sigaw ko at saka hinabol siya.

-

Sa wakas ay tapos na rin ang Prelims. Medyo mahirap ang exams sa ibang major subjects ngunit kaya naman.

Next week pa lalabas 'yung grades namin sa Prelim kaya hindi pa ako masyadong kinakabahan ngayon.

Simula na rin ng Midterm ngayong araw. Napagusapan din ng barkada na maagang papasok para mapag planuhan 'yung surprise birthday para kay Zimmer. Iyong huling beses kasi naming napag usapan 'yun e nung sa coffee shop pa.

Nandoon na sa lobby si Paui pati na rin si Dominic at si Zoey. Nang makita namin sila ay agad na rin kaming lumapit ni Calix roon.

Sabi nila na sa Canteen na lang daw kami mag usap-usap para makapag almusal na rin.

Tumayo na kami at naglakad nang biglang narining ko ang boses ni Apxfel.

"Guys!" tawag nito.

Agad naman akong napahinto at lumingon. Si Dominic naman ay lumapit sa kanya.

"Bro!" bati nito tapo ay nag fist bump sila.

"Si Zim?" tanong ni Apxfel.

"Wala. Diba nga sabi ko sayo, pag uusapan natin 'yung tungkol sa surprise party ngayong umaga. Sabi mo naman ay may gagawin ka." ani Dom.

"Tapos na, nag asikaso lang ng enrollment. Sige sasama kami." sabi ni Apxfel.

I was kinda stunned.

Enrollment? Kami? Ano raw?

"Chris!" sigaw ng isang babae.

Napatingin agad ako roon at nakita kong tumatakbo siya palapit kay Apxfel.

"Okay na. Ang sabi sa'kin ng Dean, pwede na ako pumasok bukas." sabi nung babae kay Apxfel.

Agad akong nagtaka. Sino ba siya?

"Who is she?" tanong ni Dominic kay Apxfel.

"Ahh, guys... I want you all to meet Bobbie." pag papakilala ni Apxfel.

Nakita ko iyong ngiti niya habang pinapakilala sa amin 'yung babae.

My forehead instantly creased.

"Bobbie?" tanong pa ulit ni Dominic na tila ba naguguluhan. Ganoon din naman ako.

"Yes, Bobbie... My fiancee."

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon