Chapter 4.1.2

33.9K 662 3
                                    

Published: August 9, 2013

Dito Lang by Jed Madela ang isa sa mga theme song nitong madrama kong title... hahaha paninindigan na ba talaga 'to?  :)

********

CHAPTER 4.1.2

KATIE’s POV

            I am going nuts!  'Yung isipin ko pa lang na maka 1.5 ako sa mga subjects ko?!  Oh no!  Patayin n'yo na lang ako, please!

            “Hey, okay ka lang?”  Si Liz! 

          “Kill me now, Liz!”  Mariin akong napapikit at mas gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat ng ito.  Kahit magaling na pintor 'di kakayaning ipinta ang mukha ko.

            “Ano bang problema?”  Takang tanong pa niya.

            Ano pa nga ba?  E 'di ikinuwento ko sa kanya ang nangyari kagabi. 

            “What?  sinabi niyang dibdib lalaki ka?!”  Nagdudumilat pang tanong niya sabay ibinaba ang tingin sa dibdib ko. 

          “Huh?!”  Sa dami nang ikinuwento ko?  Iyon ang tumatak sa kanya?!  E baliw rin pala ‘tong isang ‘to e!  “Seriously?”

          “Gosh, buti na lang mas gifted ako sa’yo.”  Binalanse pa niya talaga ang dibdib niya sa harapan ko.  So pathetic!  "Bet n'ya kaya dibdib ko?"

Napaikot lang ang mga mata ko.  Ibang klase talaga 'tong si Liz!

            “'Yun lang ang reaction mo?!  Huh?!”  Dinilatan ko siya pero parang wala lang.

          “Let’s face it, Katie. 'Di mo kaya ang 1.5 na score!” 

          “You really think I am that dumb?!”

          “No, pero tamad ka at wala kang pagsisikap sa pag-aaral!  So, malabo ang 1.5 mo.”  Sigurado pang sagot niya.

            Napailing lang ako sa sinabi niya… but she’s right.  Hirap akong mag-aral.  Kulang ako sa focus.

            “I need someone to tutor me.  May kilala ka ba?”

          “Si Ricky!”

            “Baliw!  Kaya nga kailangan kong pagdaanan ‘to dahil sa Ricky na 'yan!”  Shulig din ‘tong babaeng ‘to eh.

            “Ay oo nga pala.”  Napakamot pa siya ng ulo.  Obviously, lumilipad ang utak niya.  “I knew a few good students here.  Try mo.”

          “Samahan mo ako.”

          “Fine!” 

            Hindi na talaga ako nag-aksaya ng oras at kinausap namin ang mga kakilala ni Liz.  Sinubukan ko sila isa-isa pero sumasakit ang ulo ko!  Bakit ba wala man lang pumantay sa galing n'ung pangit na 'yun?!! 

          “So?  May napili ka na?”

          “Wala!  Ang tatanga nila!”  Natutop ko lang ang noo ko.  Hopeless na yata.

            “Aish!  Ikaw na ang matalino!”  Umirap sa akin ang bruha.  “If I were you, 'wag ka na lang din magmagaling sa papa mo.  Tanggapin mo na lang ang katotohanang si Ricky lang ang pinakamagaling na pupuwedeng magturo sa’yo.”

          “No way!  Makikita mo, kakayanin ko kahit wala ang Ricky na 'yun!  Hmp!”  Fighting lang, Katie!  Fighting!

********

RICKY’s POV

            It’s been weeks simula nang huling tutor ko kay Katie.  Oh well, nakahanap na rin naman ako ng ibang part time job sa tulong na rin ng papa niya.  Pero babalik ako sa pagtututor once na hindi naabot ni Katie ang kundisyon na grades ng papa niya.  Sana naman maabot na niya ang 1.5 para hindi ko na kakailanganing bumalik pa d'un.  Haist!

            Papasok na ako ngayon sa huling subjects namin.  Mukhang tutok na tutok talaga si Katie sa pag-aaral niya.  Obviously, she hated me that much para gawin 'yun.  Oh well, mutual lang naman ang feelings namin for each other.  Pero nakakaawa ring tingnan kasi dahil parang nangangalumata na siya. Siya naman kasi itong nuknukan nang arte!  Kung mababago lang sana nang kaunti ang ugali niya baka sana tinitiyaga ko siya ngayon. 

          “Hi Ricky…”  Si Liz.  Yeah, she looks nicer than Katie.  Alam ko ring crush niya ako dahil parang pandikit kasi makatitig.  Maganda naman siya pero ewan ko ba, pati yata pagkakagusto ko sa mga babae ay nawala na simula nang maging focus ako sa mga pangarap ko sa buhay.  At ang lovelife, wala sa listahan ko.  “Help mo naman ako dito.”  Itinuro niya 'yung question sa book. 

            “Liz!”  Agad kaming napabaling nang tingin sa nagsalita.  Si Malditz.  My jealous girl!  Tsk...

          “O bakit na naman?”  Nakasimangot si Liz sa kanya.  Paano naman kasi everytime na lumalapit sa akin si Liz, palagi kaagad siya nakatawag.  Itong babae namang ito, sunod naman nang sunod kay Malditz.

            “Dito ka lang sa tabi ko, puwede?”  Bahagya ko lang siya tinapunan nang tingin pero nakairap agad.  Hopeless talaga!

            “May ipinapaturo nga ako kay Ricky!”  Maktol pa si Liz wari pero alam ko namang susunod din naman siya.

            “I said, dito ka!”  Pautos pa niyang sabi ulit.

            As expected, sumunod na nga si Liz.  Ano bang mayroon ang Malditz na 'yun at kahit mukha na siyang laruan sunod pa rin nang sunod? 

            Ibinaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa libro kahit na nga naringgan ko pa rin silang nag-uusap.

            “Are you that desperate para magdidikit sa lalaking 'yun?”  Si Katie.  I don’t know kung sinasadya ba niyang iparinig 'yun or 'di lang siya aware na malakas ang boses niya.

            “I like Ricky.  Ano bang pakialam mo d'un?!”  Sagot naman ni Liz. 

            “Hindi ang gaya niya ang bagay sa’yo, okay?”

          “E kanino siya bagay?  Sa’yo?!”

          “No!  Never!”  Malakas pang sagot ni Katie.  As if gugustuhin ko rin siya.

          “But wait, girl…”  I don’t know kung ano ang ekpresyon ng mga mukha nila.  Hindi naman ako makatingin.  “Parang ang putla mo yata today?”

          “Ako?” 

          “Yeah.  Kumain ka ba ng lunch kanina?”

          “Oo, pero wala akong gana.  Feeling ko magkakasakit ako.”  Sumimple ulit ako nang tingin sa kanila.  Maputla pa rin nga siya.  Pero bakit ba iniintindi ko pa siya?  Bahala siya sa buhay niya!

            “For sure, nasosobrahan ka na sa aral!”  Si Liz ang nagsalita at  iiling-iling.

            Kakaiba din itong si Malditz, nagkakasakit dahil nasosobrahan sa pag-aaral?  Okay a!

            Hindi naman din nagtagal ay  dumating na ang prof namin. Gusto ko rin kasing makaidlip man lang pagkatapos.  Napupuyat ako nang husto sa part time job ko.  Sa bar kasi ako nagpa-part time bilang waiter.  Maganda-ganda ang kita pero pakiramdam ko ay nade-drained din ako.  Pero kaunting tiis na lang. Mabibigyan ko rin nang magandang buhay ang pamilya ko. Kaunti na lang…

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon