BFF

3K 103 2
                                    

Nasa eskwelahan ngayon ang magkaibigang Karylle at Vice. Matalik na magkaibigan ang dalawa. Si Karylle ay isang simpleng babae at si Vice naman ay isang out and proud gay.

VICE: Kurba, saan next class natin?

KARYLLE: Sa fifth floor.

VICE: Ay! Akala ko sa second lang. Sayang...

KARYLLE: Bakit? Makikipagkita ka na naman kay Rence?

VICE: Eeeh... Ene be!

KARYLLE: Hala! Baklang 'to!

VICE: Inggit ka lang! Palibhasa walang jowa.


Natahimik si Karylle at nauna nalang kay Vice sa paglalakad. Naalarma naman ang huli at hinabol ang kaibigan.

VICE: Huy girl! Sorry! Di ko sina---

KARYLLE: Tara na, Vice. Malelate tayo sa klase.


Pagkatapos ng klase, magkasabay na nagpunta sa cafeteria ang dalawa para kumain ngunit wala pa ring kibuan. Kapwa na silang nakaupo at nagsimulang kumain. Na-guilty pa rin si Vice kaya nakaisip sya ng idea.

VICE: (abot ng sour candies) Kurba...

KARYLLE: (raises an eyebrow) Ano yan?

VICE: sour candies.

KARYLLE: Alam ko. Para saan?

VICE: Gusto ko kasing magSOURry. (paawang face)

KARYLLE: (pigil ng smile) Corny mo.

VICE: Pero napangiti kita?

KARYLLE: Hindi ako ngumiti ah!

VICE: Aysus! Deny pa girl. Pinigilan mo lang.

KARYLLE: Oo na.

VICE: Sorry na.

KARYLLE: Oo na, pinapatawad na kita.

VICE: (smiles) Thanks Kurba. Love you!


Nagpunta sila sa park sa tapat ng university nila. Doon nakita nila ang boyfriend ni Vice kasama ang ibang mga players. Nang matanaw ni Rence ang magkaibigan, tumakbo sya papunta dito at hinila ang dalawa papunta sa isang eskinita.

RENCE: Hi baby girl! Hi K.

VICE: Baby boy, namiss kita.


Pansamantalang iniwan ni Karylle ang magnobyo sa eskinita para bigyan ang mga ito ng privacy. Hindi nagtagal, nakita ni Karylle si Vice na tumatakbo palayo at umiiyak. Hinabol nya ang kaibigan at kinausap ito.

KARYLLE: Huy! Ba't ka umiiyak?

VICE: Wala 'to. Umuwi ka na.

KARYLLE: Hindi. Kailangan mo ng kasama ngayon, ng makakausap.

VICE: Wag na, K. Okay lang ako. Umuwi ka na sa inyo.

KARYLLE: Hindi! Halika na dito at sabay na tayo.


Hindi na nakapalag si Vice dahil nakuha na ni Karylle ang susi ng kotse nya. Sumakay nalang sya sa passenger's seat at hinayaan ang kaibigan na magmaneho.

Collectanea (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon