Chapter 4.2.2

35.3K 686 1
                                    

Published: August 10, 2013

I am trying to finish this story... nape-pressure ako at ayoko ma-bv.  pero naaliw naman ako sa progress nito.  sa wakas, may plot na kong naisip para dito.  yun nga lang, ang hirap pa din isulat! haha oh well, kung di ko lang love ang KQs... enjoy!

********

CHAPTER 4.2.2

KATIE’s POV

            Ano bang nangyayari sa akin?  First time ko magkakasakit sa buong buhay ko.  Nasobrahan nga ba ako sa aral?  Pero parang wala namang pumapasok sa kukote ko!  Haist!  Kung bakit kasi maganda lang ako?!  Pero ewan ko, parang dumidilim na yata sa paligid ko.  Shit?  Nakakatulog na ba ako? Oh shit, pero hindi ko na kaya…

~~         

            “Thank you for bringing her here.  I really appreciate what you’ve done today.”  Si Papa 'yun. Gusto kong dumilat pero bakit ba parang adik lang ako?  Ang hirap dumilat…

            “Kahit sino naman po gagawin 'yun.”  That familiar voice… saan ko nga ba narinig 'yun?  Aish!  Nasaan na nga ba ako?  Ang tanda ko nasa school ako pero bakit nandito si papa?

            “Yeah maybe 'yung ibang tao but not you.  Obviously, my daughter is not good to you.”  Sabi pa ni papa.  Si Ricky bang kausap n'ya?  Oh my, may alam ba si papa?

            “Alam ko po,”  Positive! That was him…  “Hindi ko naman po puwedeng pabayaan na lang ang anak n'yo.”

            “Hmm…”  Kahit 'di ko nakikita si papa, nasisiguro kong nakangiti siya.  Pinilit ko dumilat at kahit medyo nahirapan ako ay nagawa ko naman.  I immediately met Ricky’s gaze.  Shit!  Nakakunot man ang noo niya pero bakas ang pag-aalala.  Oh my, bakit ba parang tinambol ang puso ko?  Epekto ba ng gamot ‘to?  Ibinaling ko rin kaagad ang tingin ko kay papa na gan'un din ang hitsura.  Alam kong sobrang nag-aalala din siya.

            “How are you feeling, sweetheart?”  Malambing pang tanong ni papa. 

          “N-not so good. What happened?”  Takang tanong ko pa.

          “You passed out.”  Naupo siya sa gilid ng bed at hinaplos-haplos ang ulo ko.

          “Si Liz po?” 

          “She’s on the kitchen.  Kumakain ng dinner.  Are you hungry?  Gusto mo na kumain?”

          “N-no…”  Bahagya pa akong umiling.

            “Si Ricky ang nagdala sa’yo dito.  You might want to say thank you.” 

            Ibinaling ko ulit ang tingin ko kay pangit at mataman pa nga rin siyang nakatitig sa akin.

          “Thanks.”  Tinanguan ko siya nang bahagya pero ewan ko ba, hindi ko rin kasi magawang tumingin nang diretso sa mga mata niya.  Para kasing iba ang aura niya. Hindi ko kayang ipaliwanag kung ano.

            Tumango lang siya pero iniiwas na kaagad ang tingin sa akin.

          “Kailangan ko na po umalis, señor.”  Pormal na paalam pa niya.

          “Kumain ka muna.”

          “Hindi na po.  Baka po ma-late pa ako sa trabaho.”  Umiling pa siya.  So, may work na pala siya?

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon