HGG [38]

142K 2.3K 228
                                    

Chapter 38

Janine's POV

"Musta mga date niyo, fre?" tumbad sa amin nila Lindsey nang pumasok sila ni Ruth sa bahay.

Nandito kami at nakaupo sa sala namin. Kakatapos lang kasi namin sa 'so-called' date namin.

"Okay lang" wala sa sariling sambit ni Riley. Lahat kami ay napatingin sa kanya na abot tenga ang mga ngiti.

"O-oh baket?" bigla niyang tanong nung napansin niyang nakatingin kami sa kanya.

"Magkwenta ka babae! Eto! Sinasarili ang kilig! Madaya!" sigaw ni bes sa kanya.

Bigla naman siyang nagtago sa likod ng unan. Na halatang namumula. "Hoy babae. Tenga mo namumula" sabi ko.

Napansin ko naman ang plastic bag na hawak-hawak niya. Hinablot ko ito mula sa kamay niya at tinignan ang laman.

"Omo! Bakit may blue na teddybear dito?" sabi ko. Nagtinginan naman silang lahat sa akin.

"Teka! Diba ganyan yung design ng teddybear na nakita natin kanina sa mall?" sabi ni Lindsey at pinagmasdan ng mabuti yung teddybear.

"It's a couple bear. Aww..how sweet. Siguro nasa kanya yung pink?" sabat ni Paris na mas lalo namang ikinamula ni Riley.

"How about your date naman Paris?" tanong ko at sa kanya naman natuon ang pansin namin lahat.

"Oh. Uhm..simpleng dinner date lang naman. Hehe" sabi ni Paris sabay thumbs-up.

"Sayo Crisha?" tanong ko naman kay Crisha na busy sa pagbabasa ng libro.

"Binilhan niya ako" sagot naman niya sabay taas nung libro. Aww.. nag-date sila sa bookstore.

"Wala man lang bang magtatanong tungkol sa dat--"

Naputol ang sasabihin ni bes nang biglang nagsalita si Lindsey. "Ikaw First! Kanina ka pa tanong ng tanong dyan pero hindi ka pa nagkwekwento! Anyare sa date? Pinagpalit ka?"

"Walang nangyare. Naglakad-lakad lang kami sa park" sabi ko na parang walang espesyal ang nangyari sa akin kanina.

"Yung totoo? Wala nga? Gasgas pala yang si King eh! Psh." sabi ni Lindsey.

"Hoy mga babae! Yung date k--"

"Tara. Tulog na tayo?" Pagpuputol na naman ni Lindsey sa lintanya ni bes.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon