Since napaupo ako sa harapan nung first day sa klase kong MANACON or Management Concept, naging permanent na yung inuupuan namin. Much to my dismay, nasa harapan ako at hindi ako pwedeng maglikot. Kasi una, ikaw ang unang mapapansin. Pangalawa, kitang-kita nya kapag nangongopya ka o hindi.
Though for today, medyo iba. Wala kaming klase nor any exams. May important announcement lang si prof tapos papalabasin na rin kami kaagad. I sat intently to listen to her announcement. Naka-focus na kasi ako kaagad sa kung ano ang gagawin ko mamaya sa creative writing namin.
From my right, nakita ko si Quinn na nakangiti sa akin. At dahil sa kanya, hindi ko na matanggal yung ngiti sa labi ko ngayon. Shet, nababakla na yata ako.
"How about Corregidor?" tanong kaagad ni miss. Lahat kami eh naguluhan sa tanong nya. May isang tao sa klase namin ang nagtaas ng kamay, "Yes, Mr. Carlos?"
"Field trip po?" tanong nito.
Biglang pumalakpak ng isang beses si prof sa harapan ko kaya bigla akong nagulat, "You're right, Mr. Carlos!" sabi nito na may ngiti pa sa labi nya. "Pero 1 month pa yun. Pero I want you to look for partners na kaagad," sabi ni prof.
I tried so hard na huwag lumingon sa direksyon ni Quinn para tanungin kung pwede ba syang maging partner ko. I mean, magmumukha talaga akong patay na patay sa kanya kapag nagkataon. Siguro mas cool ako kapag mag-hihintay na lang ako ng lalapit sa akin o mag-hihintay na lang ako ng taong walang mapapartneran tapos ako na lang ang tatabi dun.
Oo nga, mas cool nga ata yun.
Nagsimula nang magkagulo yung mga tao sa klasrum. Yung iba eh nagtatayuan na tapos nagtatabihan na sa mga partners nila. Ako kaya? Eto nakaupo lang sa harapan ni miss tapos hindi nagalaw. Mukhang awkward ata.
"Hey," a voice greeted me from behind. I sighed. The voice I was hopefully waiting for wasn't the one who greeted me today.
Nonetheless, being the gentlemen that I am, lumingon ako at nginitian siya. It was Yuri Hanah, yung half-korean sa klase namin. "Hey," I greeted back.
Nakita kong medyo naningkit pa lalo mata nya. "M-may partner ka n-na?"
"Uh... W-wa--" I was cut off by another human being to my right side. Without looking from that person, naamoy ko na kaagad kung sino. It's familiar. Smells like cherry.
"Yep. Sorry, Yuri. Kapartner ko si Kurt," isang malapad na ngiti ang nakita ko sa pisngi ni Quinn sa mga oras na yun. As if she won something big and important. Maybe I was the big and important one. Feels.
Tumango na lang si Yuri tapos naghanap na ng ibang kapartner, "Ang sama mo," bulong ko kay Quinn.
Tinaasan nya ako ng kilay, "Ikaw ang masama! Hindi mo ako pinuntahan sa upuan ko," sabi nya.
Hindi ko maiwasang hindi ngumiti sa sinabi nya. That means... Gusto nya rin pala ako makapartner ni Quinn?
Kahit lalaki ako, ramdam ko din ang kilig.
Kalalaki kong tao, kinikilig ako.
Shit.
Biglang napadapo ang paningin ko sa may pintuan. Nakita ko si Chester na nakatayo sa harapan tapos silip ng silip sa loob. Nilingon ko naman si Quinn sa tabi ko, though hindi sya nakatingin sa pintuan, alam na nya na nandun si Chester.
"Okay, kapag nakahanap na kayo ng partner, class, you may go." sabi ni prof.
Agad namang tumayo si Quinn, bitbit-bitbit na nya yung bag nya, "I'll see you some time, Kurt." paalam nito sa akin. She started walking towards the door and welcomed Chester in her open arms.
Ano itong nakikita ko? Sila na ulit?
ВЫ ЧИТАЕТЕ
90 Days With Quinn (Editing)
Подростковая литератураKurt, an average college student, meets someone who unexpectedly changed him to a better person. But can he change her the way she did with him? Ito ang love life na hindi mo inaasahan.
