Kabanata 3

16.5K 299 56
                                        

Kabanata 3
Mortal Enemy

----------

"Pwede ba, Jethro. Kahit konti naman layuan mo 'ko! Ang init!"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko, sa halip ay tumaas na naman ang sulok ng kanyang labi. "Masyado akong hot no?" Mayabang niya pang tanong.

"Heh!"

Hinawakan ko ang kamay ni Forseti at hinila ko siya palayo kay Jethro.

Ako na lang ang lalayo. Naiinis na talaga 'ko sa ginagawa niya, para siyang body guard na kahit saan ako pumunta ay nakasunod siya. Kulang nalang pati sa CR sumama siya.

"Hindi mo ba talaga ako tatantanan, Jethro?" Namaywang na ako habang tinitignan ko siya ng masama dahil sa pagsunod na naman niya sa'kin.

"Jethro, boyfriend ako ni EA. I can take care of her, trust me."

Nakita kong pinakatitigan ni Jethro si Forseti. "You can take care of her? Seriously? Eh wala ka ngang nagawa nung may nambastos sa kanya noon, diba?"

Hindi nakapagsalita si Forseti sa sinabi ng tito ko.

"Jet! Tara na nandun na sila." Pang-aaya naman ni Timothy na nakaakbay na naman sa babaeng kasa-kasama niya.

Napabuntong-hininga naman ako dahil sa tila namuong tensyon sa pagitan ni Forseti at Jethro, mabuti nalang dumating si Timothy.

"Sige una na kayo, sunod kami." ani Jethro.

"Alright." Nakangiti namang sabi ni Timothy hanggang sa tuluyan itong nawala sa paningin namin.

Nagulat naman ako ng bigla akong hawakan ni Jethro sa wrist ko at akmang hihilain. "Let's go." Aniya.

"Saan?"

"Basta sumama ka. I need to keep my eyes on you. Hindi ka pwedeng mawala sa paningin ko."

"Jethro, look. I'm not a child anymore. I can take care of myself. And you, acting like a very protective uncle makes me so sick. You know that?"

Itinirik niya ang mga mata niya. "Who cares. Come with me."

Sinubukan niyang hilain ako ulit at nagpumiglas naman ako sa kanya.

"Jethro, wag mo siyang pilitin. Nasasaktan si Emilia" awat ni Forseti.

Binitawan naman ni Jethro ang kamay ko. "Fine."

Akala ko sumuko na siya. Hanggang sa dinukot niya ang kanyang cellphone sa bulsa.

"Tatawagan ko nalang si kuya at sasabihin kong ayaw mong magpabantay sa'kin, dahil mas gusto mong kasama ang boyfriend mo. Hintayin mo nalang si kuya na puntahan ka dito para sunduin, huh?" Sarcastic pa siyang ngumiti sa akin at saka niya itinapat ang cellphone niya sa tenga niya.

"Hey, kuya-"

"Sige na! Sasama na ako sayo!" Pagpigil ko sa kanya.

Umangat ang gilid ng kanyang labi habang nakatingin siya sa'kin. "Ah wala naman. Okay naman si Emilia Azalea, hindi naman siya humihiwalay sa'kin. Okay, sige kuya."

Nakangisi siya ng ibalik niya ang cellphone niya sa bulsa niya.

"I hate you!" Nanggigigil kong singhal habang naniningkit ang mga mata ko sa kanya.

"Go on. Hate me now." Nagulat ako ng bigla niyang itaas ang itim na v-neck shirt niya na pinatungan ng kanyang itim na leather jacket. Bahagya kong nasilayan ang kanyang tiyan na may abs, pero hindi ko yon gaanong pinagtuonan ng pansin.

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora