Chapter 6

45.1K 1.6K 449
                                    



Alas onsena ng gabi pero gising pa din ako. Hindi ako makatulog sa hindi ko malaman ang dahilan. Tumingin ako sa kamay ko. 

Ang lambot ng kamay nya.

Shit! Ano ba itong pinag iisip ko? Hays! Makatulog na nga.

Pero ilang minuto nagdaan, hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Tumingin ako sa kisame. Bakit ba ayaw mong matulog huh? Hindi mo ba alam na may pasok ka pa bukas? Pero tanghali pala schedule ko bukas kaya okay lang na mapuyat. Napahilamos ako ng mukha. Nasisiraan na ako ng ulo, kinakausap ko sarili ko. Asar!

Tinignan ko ulit ang kamay ko. Hanggang ngayon ramdam ko pa din ang kamay nya sa kamay ko. Shit, nababaliw na ako.

Tumayo ako at binuksan ang ilaw ng kwarto ko. Kinuha ko ang canvas ko at lapis. Nagsimula ako magdrawing baka sakaling antukin ako dito.

Mahigit kalhating oras bago ko natapos ang drawing ko. Tinignan ko ang kabuuan ng drawing ko. Dalawang kamay ang magkahawak at naka-intertwined ang mga daliri. Napa-face palm ako nang ma-realize ko ang isang bagay. 

Bakit ba hindi ko makalimutan yon?

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Binuksan ko ang ilaw at nagulat ako dahil nakita ko si maid na umiinom ng tubig. Mukhang pati sya nagulat.

"Bakit gising ka pa?" tanong ko sa kanya. Napakamot sya ng ulo at tumingin sa paligid. Napansin ko na hindi nya pala dala ang white board nya. "Nevermind."

Pumunta ako sa ref. at kumuha ng gatas. Naglakad ako palabas ng kusina at bumalik sa kwarto.


"Kaliwa!" nagitlang ako sa lakas ng tumawag sakin.

"Anak ng! Ano bang problema mo?!" Shit aatakihin ako sa puso nito.

"Ikaw anong problema mo? Kanina ka pa tulala dyan." tanong nito.

"Yung mukha mo ang problema ko." inirapan ko sya at tumingin sa labas ng bintana. Istorbo 'tong Fin na 'to.

"Anong problema sa magandang mukha ko?" tanong nya.

May malakas na tumawa sa gilid namin kaya napatingin kami. Ang tatlong bugok.

"Nice joke, Fin. Natawa ako ng sobra, promise." sabi ni Veron.

"Ang ganda ng joke mo, Fin." sabi ni Jade.

"Maganda talaga ako." ngiting ngiti pang sabi ni Fin.

"Don't say bad word, Fin. That's bad." iling na sabi ko. Natawa kaming apat nang magdabog palabas ng classroom si Fin. Ang pikon din ng isang 'to.

"Hindi nyo ba susundan yung isang yon? Baka magbigti na yon." sabi ni Veron.

"Sus, pupuntahan nya lang crush nyang panget." sabi ni Gia.

"Panget din naman yung ex mo." sabi ko. Hindi pa kami nagkakaayos pero ang sarap talagang asarin ni Gia eh.

"Tigilan mo ako kaliwa baka ginawa kitang kanan dyan eh."

"Sige nga gawin mo nga." pahamon ko. Ngisian ko sya nung hindi na sya makaimik "Wala ka pala eh."

"I hate you!" sabay walk out nya din.

"I love you Gia!" ang cute talagang mapikon ni Gia.

"Humanda ka, Jade. Isa satin ang isusunod ni kaliwa." sabi ni Veron. Ngumisi ako sa kanilang dalawa.

"I hate you!" natawa kaming parehas ni Veron kay Jade. Wala pa nga akong sinasabi umalis na sya tapos ginaya nya pa si Gia. Gago talaga.

"May problema ka ba kaliwa?" tumingin ako na nagtataka kay Veron. "Kanina ka pa kasi tulala at malalim ang iniisip." bumuntong hininga ako.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon