Prologue

784K 9.1K 651
                                    


Prologue

Sabi niya, h'wag ko raw gayahin ang bawat sasabihin niya dahil naiirita raw siya sa panggagaya ko. Kasalanan ko ba 'yon? Sa nakaka-in love yung itsura niya kapag naiinis siya sa akin eh.

Dati isa lang ang palagi kong ginagaya—ang Papa ko. Pero nung makilala ko ulit 'tong babaeng ubod nang ingay at napakadaming alam sa buhay, nakakaloko pero imbis na mainis ako sa kaingayan niya, natutuwa pa ako.

Finally, pagkatapos nang matagal na paghahanap ko sa kanya nakita ko rin siya. Maniniwala ba kayong siya yung babaeng pinapangarap ko noong kinder pa lang ako? Hindi ako makapaniwala na kapitbahay ko lang pala siya. Kung hindi ko pa nadampot yung wallet niya na may picture niya nung bata pa siya, hindi ko pa malalaman na siya pala yung love of my life ko!

"Miss! Wallet mo!" sigaw ko, pero natigilan ako nang makita ko yung picture.

"Ay, salamat!" sigaw niya saka akmang kukunin sa akin yung wallet niya, pero kaagad kong inilayo iyon sa kanya upang pagmasdan mabuti yung larawan.

"Sandali! I-ikaw 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko na siyang tinanguan naman niya.

"Kei?" tanong ko, kumunot ang noo niya saka hinila yung wallet sa akin

"Stalker ba kita?!" naiinis na tanong niya saka tumakbo na papunta sa elevator.

Takte yung puso ko dumadagundong! Siya yun! Siya si Kei!

May mga naging girlfriend na rin naman ako, si Tine, si Ellaine, si Hana, si Jerx, si... ah basta madami na! Pero siya pa rin yung hinahanap ko!

Yung bibig niyang walang tigil ang kakatalak sa akin, yung mga mata niyang nanlilisik sa tuwing makikita ako. Iba, nakaka-in love talaga.

Hindi ako nagpapatalo kapag nag-iingay siya, dahil kapag maingay siya, maingay rin ako! Katulad na lang ngayon!

"Bwisit ka! Bakit mo nilagay sa bag ko itong brief mo?!" sigaw niya sa akin saka ibinato sa mukha ko yung brief ko. Hinila ko naman yun mula sa aking mukha at nginitian siya.

"Di ba pupunta ka sa Laguna? Para naman hindi mo ako mamiss!" pang-aasar ko sa kanya. Kapitbahay ko lang siya dahil magkatabi lang yung condo naming dalawa. Nandito ako ngayon sa condo niya at nililibot ko yung makalat niyang sala.

"Ikaw mami-miss ko?! In your dreams, Kyle Cando!" sigaw niya sa akin. Lumapit ako sa kanya at hinila ko siya sa bewang niya at inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.

"In my dreams, matagal na kitang hinalikan," bulong ko na nagpapitlag sa kanya.

Tinulak niya ako palayo, pero ayos lang dahil sanay na ako sa panunulak niya sa akin. Dalawang taon na kaya niya akong pinagtatabuyan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na isang araw magigising siya, akin na siya at mahal na niya ako.

Ngumisi ako nang makita ko na naman ang nanlilisik niyang mata.

Ilang taon na rin ang nasayang ko, kaya ngayon sisiguraduhin kong magiging akin ka, Kei.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon