Chapter 19: By chance

264K 8.6K 2.2K
                                    



Piper's Point of View


I'm so sure that there's something wrong. I don't know what it is but all I know is that I'm not happy about it. It's been what... days... weeks... since Hunter texted me. I've been trying to reach him but no luck.

And seriously... para na akong ewan na naghahabol sa kaniya.

But I can't help it. I keep on wondering if he's okay, what is he doing, what's keeping him busy. No matter how pissed I am at him right now, I'm pretty sure na isang text lang niya – isang hi lang niya – magmamadali na ako para replyan siya. It will only take me a minute to text back. Even if it took him weeks para replyan ako.

If that's what you call an idiot, then yes, I'm an idiot.


"Hindi ka ba nagsasawa?" Binitawan ko ang phone ko at tiningnan si Hailey na nakatingin naman sa laptop niya. "Hindi ka ba napapagod maghintay?"


I didn't answer. Tinanguan niya ang phone ko. She's talking about Hunter.


"Oo nga, Pipes. Ako na nahihirapan para sa 'yo," sabi naman ni Nate.


Nasa amin kasi silang dalawa ni Hailey. Si Tamara at Warren naman ay may pasok. Si Hunter... I don't know.


"Ilang linggo na siyang hindi nagpaparamdam. Naiinis ako. Minsan I'm getting tired of waiting for him to text me back. Kaya lang syempre at the end of the day, I'm certain na maghihintay pa rin ako."

"Hindi mo ba naisip na tama na? Na tigil na? Pipes, weeks. It's been weeks."

"Bakit ikaw? Hinihintay mo pa rin si Tamara. It's been years."


He let out a deep sigh, "Ako kasi may hinihintay. Hindi ako binasted ni Tammy at kahit wala kaming title, lagi kaming nandiyan para sa isa't isa. Alam kong nandiyan lang siya. Ikaw ba, alam mo kung nasaan siya? Sigurado ka bang may hinihintay ka pa?"

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. I want to say yes. I want to say na I'm sure na may hinihintay pa ako. Kaya lang I can't say it. I can't because I'm not sure anymore.

Everything is just so sudden. Bigla siyang nawala at wala man lang paalam. It's just so weird. We tried to look for him kaya lang wherever we go, wala man lang lumalabas na anino niya. Nang magtanong tanong kami sa kapit-bahay niya, they're saying that they saw Hunter na may dalang bags. Parang umalis or something.


"Nate's right, Pipes. Ako, personally, gusto ko talaga na magkabalikan kayo ni Hunter. It's like you, guys, are meant for each other. Kaya lang sa nangyayari ngayon, parang hindi na. Sinong matinong lalaki ang bigla na lang mawawala? Kung aalis siya, sana sinabihan ka man lang 'di ba?. Sana sinabi niyang babalik pa siya – babalikan ka niya. Kaya lang may narining ka ba sa kaniya? Wala naman 'di ba?"


As much as I want to disagree, she got a point.


"Pipes," tawag sa akin ni Nate, "bitaw na. Tapos na. Huwag ka nang umasa na may karugtong pa ang love story niyong dalawa."


What? Tama ba ang narinig ko. Parang kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya. Sino ba siya para sabihin na tapos na? Paano niya nalaman na wala na talaga?

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon