1

28.6K 621 15
                                    


Yazzy's Pov

"Okay That's all! You can all go.." Sabi ni Ma'am Arlene.

"Okay Mam." sabi namin. Eto na ang trabaho ko ngayon simula nang magbreak kami ni... I mean simula nang mangyari iyon.Wala akong balita sa kanya sa ngayon pero hindi ko na aalamin iyon dahil wala rin naman akong karapatan dahil isa lang akong past, isang ex. Aaminin ko hanggang ngayon siya parin pero hindi talaga kami pwede eh. Mayaman siya mahirap ako. Isa lang akong hamak na secretary.

"Oy! Yazz, tara na!" Sigaw sakin ng katrabaho ko na si Sara.

"Oo! Andyan na!" Sigaw ko pabalik. Nilagay ko na ang last na gamit ko sa bag ko at tumakbo na papunta sa kanya.

"Nga pala darating yung bagong may-ari nitong company." Sabi ni Sara.

"Kelan?" Tanong ko, naglalakad kami pauwi dahil magkapit-bahay lang naman kami.

"Bukas daw eh." Sabi niya habang kumakain nang chips.

"Sino kaya yun?" Tanong ko sa kanya.

"Ewan. Pero sana gwapo!" Sabi ni Sara habang pumapalakpak pa.

"Hoy! Grabe ka Sara. Ang hilingin mo yung hindi masungit." Sabi ko.

"Ay, oo nga noh?"Natatawang sabi niya.

"Haha, ikaw talaga, o sige na!Bye!"sabi ko. Nagpaalam na rin siya at pumasok sa bahay niya.

Naglinis ako nang katawan at nagpalit nang pambahay na damit pagkatapos ay natulog na.

************

Kinabukasan...

"Sh*t! Late na ako! Late na ako!" Sabi ko at dali-daling pumunta nang banyo at naligo pero syempre kelangan malinis parin kasi darating yung bagong boss namin.

Sinuot ko na yung uniform ko. White long sleeve at pantalon na brown na fit sakin.

Nag-ayos nako ng sarili at lumabas na nang dorm. Iniwan na ko ni Sara!

Pagkarating ko sa building ay nakapila na sila. Nilagay ko ang gamit ko sa table ko at dali daling tumakbo papunta sa linyang iyon.

"Late ka." Sabi sakin ni Sara.

"Na-late ako nang gising eh."sabi ko.

" Tinawagan kita ng ilang beses pero no response ka."sabi niya sakin.

"Hayaan na lang natin iyon." Sabi ko at nag-ayos nang tindig.

"Ayan na siya!!" Bulungan nung mga ka-office mate ko.

"Ayan na daw!" Bulong sakin ni Sara,kaya napailing ako.

"So, ehem! Ahm, Welcome to the Miraculous Company Mr.Thunder Dale Montes."

Ano daw?!Napaangat ako nang tingin at di nga ako nagkamali. Si Thunder. Mas lalong gumwapo at yung mukha niya parang ang sungit na tignan at parang nakakatakot ang ugali niya. Tinanguan niya lang si Ma'am Faith.

"Ahm this are your all co workers.This is Rina,the Editor in chief." Isa-isa kaming pinakilala hanggang sa makaabot sakin. Nakayuko ako ngayon at kinakabahan. This is it Yazzy, kaya mo yan!Naka move-on ka na diba? Okay ka na diba?

"And lastly, Mr.Montes she is your Secretary Ms.Yazzy Cassandra Fontes." Sabi ni Mam Faith.
Inangat ko yung tingin ko sa kanya.

"Ahm, Good morning Sir Montes." sabi ko.

"You can call me Dale. I prefer calling Dale than Thunder. Understood?" Tanong niya samin.

"Yes sir." Sagot namin. He hates calling him Thunder. Bakit kaya?

***************

My Boss Is My Ex-boyfriendWhere stories live. Discover now