Simula

636K 8.4K 1.2K
                                    

"Rian!" I was running so fast. Gustong kong makahabol sa mga pinsan ko pero sobrang bilis nila. We were running in the man-made game field. Hindi ko pinansin ang pagtawag ng kapatid kong si Agatha. I immedietly targeted Alice, my cousin. I was laughing when I hit her. She's out!

Tumigil ako dahil tumigil din sila. Hinihingal na ako pero itong kapatid ko ay mabilis pa din ang takbo. Tumuloy siya at nakipagsabayan sa mga pinsan kong lalaki.

"Gath!" Sigaw ko pero natamaan siya ni Uno. Nag high-five si Uno at Dos. Ngumuso naman ang kapatid ko. She's the only lady in our family that can keep up with the boys' stamina.

I was with Uno, Dos, Tul, Agatha, Clyde, Alice, and Carl. Kami lang kasi ang available sa aming mag pipinsan.

Tumigil muna kami at pumunta kung saan nakalagay ang mga bag namin. Umupo ako at nagpunas ng pawis. Sinusulit namin ang bakasyon dahil malapit na ang pasukan. Malapit na ito pero hindi pa kami nag e-enroll. Lagi namang ganito.

Tumunog ang cellphone ni Carl kaya umalis muna siya. Inabutan ko ng tubig si Agatha.

"Gath, kailangan mo pa ng more work out." Saad ni Uno. Mabilis na bintukan ni Agatha si Uno.

"Tama si Uno, Gath. Papasok ka ng army. You should be strong and try to have muscles. Kahit ata isang barbel ay hindi mo kayang buhatin." Pinangalawahan ni Dos ang kanyang kapatid.

Kumunot ang noo ng kapatid ko. Ganyan lang naman kami pero at the end of the day, alam namin na kami kami lang ang magdadamayan.

"Anong gusto mo? Maging isa ako sa mga body builder? Papasok ako sa army hindi ako makikipag wrestling."

"Bakit ba gusto mo pumasok ng army? Delikado doon." Clyde asked with curiosity.

"Marami kasi siyang makikitang lalaki don. With abs bro!" Pamumusit pa ni Uno kaya umamba nanaman ang kapatid ko pero hindi niya ito tinuloy.

Dos smirked. Inabot niya kay Alice ang bottled water niya.

"Bakit pa? We are here. Sabihin mo lang magtataas kami ng damit para sayo. Ikaw pa! Malakas ka samin" natatawang saad ni Dos. Inis na inis naman ang kapatid ko.

"Why would I wish for your none existent abs!"

Napasapo ako sa noo ko nang magtaas ng damit si Dos. Alam naman kasi ni Gath na nawowork out ang mga to, they wouldn't be covered in a magazine kung hindi sila nakikitaan ng potential. Even I, admit that they have the looks. Girls cry over my cousins and brothers. Girls swoon at them.

"Yuck! Hindi ganon yon--"

"Let's go. Pinapauwi na tayo" saad ni Carl na kakapasok pa lang. Seryoso siya kaya napatayo kami. Kinuha ko ang bag ko at bag ni agatha. Inabot ko sakanya ito at sabay sabay kaming naglakad palabas.

"Kuya? What's wrong?" Tanong ni Tul sakanyang kapatid. Its weird na seryoso si Carl.

"Uuwi tayo ng Cebu bukas." Napaawang ang labi ko. I mean.. this is so sudden.

Ang pamilya namin ay kilala sa buong Cebu. From owning Argao for 5 decades ay nagdesisyon daw ang pamilya namin na palakihin ang lupang sinasakupan namin. Napalaki namin ang mga lupa namin hanggang sa buong cebu ay nagkalat ang aming mga investments at lupa. Pero hindi kami doon namamalagi. Si Daddy, Tito Ivor at Tito Ziel lang ang pumupunta doon palagi pero kami, we are based here in Manila.

Mom's family is more on business, we own a multibillionaire company, SSM as they call it. Dito nakabase yon kaya nandito kami.

Sa part naman ni Daddy ay hindi magkasundo si lolo at sila daddy pero para kay lola ay nakikipag compromise sila. I heard that each of them has a legendary love..

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon