Soul 22: Death Punishment

30.6K 1.6K 87
                                    

"Don't doubt your decisions. You're the only one who can tell that it's right."


AVERY


Masyadong tahimik ang paligid. Zirrius hadn't regain his consciousness yet for almost six hours now. Hindi ko rin alam kung ano na ang nangyari sa pagtitipon. The walls on this underground dungeon was just too thick to hear anything. Dahil mukhang hindi pa naman magigising si Zirrius, sumanib na ako sa katawan niya.


Napangiwi ako dahil sa kumikirot na sugat sa ulo ni Zirrius. Maging ang tagiliran niya ay nagtamo rin ng sugat at mukhang marami na rin ang dugong nawala sa kanya. Masakit pa ang likod at katawan niya dahil sa sipang ibinigay sa kanya ng guwardiya. I winced on the pain. I opened my eyes. Malabo ang paningin ni Zirrius kaya ilang beses pa akong pumikit at nagmulat upang mas makakita nang maayos. The dungeon was lighted by torches attached on the walls. Pinakiramdaman ko kung may taong nag-iikot pero wala akong napansin.


Napansin ko na wala na ring malay si Kendrick. He was too loyal to follow Zirrius even when he knew that he would risk his own life. I heaved a sigh. Hindi ko muna sila pagagalingin. I have other plans but I would make sure that they would not die. Napangiwi ako dahil sa pangangalay at pananakit ng likod ni Zirrius.


King Aulius did plan this all along. Gusto niyang kontrolin ang ibang kaharian upang palawakin ang kanyang nasasakupan. It seems that Tresha, Galesha and Sumeria were now pushed on the edge. Hindi na sila malaya. Magagawa na ni King Aulius ang lahat ng gusto niya dahil madali na niyang mauutusan ang mga hari at reyna ng tatlong kaharian. Kung ganu'n, siya nga ang gumagamit ng itim na mahika. The black crescent moon came from him. Well, I didn't really care at all. Mas pinadali lang niya na kumbinsihin si Zirrius na umalis pansamantala sa Alveria.


Hindi magagawang kalabanin ni Zirrius si King Aulius kaya wala siyang magagawa kundi ang umalis upang mag-aral ng mahika. I grinned lazily. I was going to take him soon with me. Nangangalay ang kamay ko na nakaposas sa bandang likod ko. Natigilan ako nang marinig ko ang mga nagmamadaling yabag sa pasilyo. Alam kong patungo ang mga taong ito sa selda ni Zirrius. I closed my eyes and pretended to be asleep.


Hindi pa rin nagigising si Kendrick pero sa tingin ko naman ay tatagal pa siya ng ilang araw. His clothes were covered with blood and it was torn. His body was a mess. I hope they would try to examine or heal these two.


"Bigyan ninyo sila ng pagkain ngayon. Bukas ng umaga, dalhin mo si Zirrius sa Hari. Si Kendrick, mapapakinabangan pa siya. Hayaan mo muna siya rito," utos ng isang lalaki. I recognized his voice. Si Leo ang nagbigay ng utos. Ano naman kaya ang binabalak nilang gawin kay Zirrius? Well, whatever it was, I would not interfere unless Zirrius' life was at stake.


"Pilitin ninyo silang gumising upang kumain," sabi pa ni Leo bago ko narinig ang mga yabag niya palayo. Narinig ko ang maingay na rehas ng selda. Tila binubuksan nila ito. Mabilis na ibinalik ko ang katawan ni Zirrius sa kanya. Napaubo si Zirrius nang maramdaman niya ang malalakas na sipa ng guwardiya sa tagiliran niya upang gisingin siya. Napapagod na nagmulat ng mata si Zirrius. Maging si Kendrick ay hindi rin nakaligtas sa paraan ng panggigising nila. Ibinaba sa gilid nila ang plato na may lamang pagkain at inalis ang posas sa kamay nila. Halata na mas lalong nanakit ang mga katawan nila. Mas lalong dumugo ang mga sugat nila. Napangiwi sila dahil sa sakit.

SoulboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon