Cuarenta Y Cuatro

131K 2.6K 99
                                    

Cuarenta Y Cuatro

Aura

"We need to talk." Bahagya akong nagulat ng marinig ko ang isang baritonong boses sa aking likuran. Hinarap ko ito at nakita ang isang Lucas Saavedra na seryosong nakatayo sa may pinto ng locker room namin.

Kumunot ang noo ko. "Tungkol po saan?"

Ano nanaman ang kailangan ng lalaking 'to? Hay. Ayaw pa rin ako nitong tigilan hanggang ngayon. Ilang beses ko naman na siya sinabihan na itigil ang ginagawa niyang panliligaw. Magsasayang lang siya ng oras at pagod dahil wala talaga siyang mapapala sa akin. Nararamdaman ko sa puso ko na nagkakagusto na ako sa isang tao at hindi si Luke iyon.

Naglakad ito papunta sa kinatatayuan ko. Napalunok ako ng ilang beses dahil nakakatakot ang mga tingin niya sakin.

"I know that you have a boyfriend already." Aniya na para bang nandidiri sa mga salitang lumabas sa kanyang bibig.

Pero teka.. Boyfriend? Anong pinagsasasabi nito? Sa pagkakatanda ko ay single pa ako. Hindi ko pa naman sinasagot si Theo. Ay! Assumera ka talaga!

"Ano po?? B-Boyfriend?" Naguguluhang tanong ko.

Bigla itong tumawa na para bang di makapaniwala sa sinagot ko. "Yes. Boyfriend. Don't you dare deny it. Kaya ba ayaw mo sakin? Is that the reason why you can't love me back?!"

Huh ano daw?! Love agad? Grabe! Di ba pwedeng like muna? Jusko naman.

"A-Aray!!" Napa aray ako ng bigla niyang marahas na hawakan ang braso ko.

Masakit. Literal na masakit. Sumosobra na talaga siya!

Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko. "B-Bitawan mo ako, Luke! Masakit!"

Nanlalabo na rin ang mga mata ko. Ayokong umiyak pero natatakot ako sa taong kaharap ko ngayon. Idagdag mo pa ang masakit na pagkakahawak niya.

Imbes na bitawan niya ay mas lalong dumiin ang pagkakahawak niya sakin.

"Why, huh? Why did you choose that son of a bitch?! Mas nagbibigay ba siya ng pera?! May pera din naman ako a! O baka naman dahil magaling at napapasaya ka niya sa kama? You know what, I can do better than him—." Hindi na natuloy ni Luke ang sasabihin niya dahil malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Mabuti na lang at libre ang isang kamay ko.

Nanginginig ako ngayon dahil sa inis at galit! Anong karapatan niya para sabihin ang mga bagay na iyan?

"Gusto mong malaman ang sagot?! Oo! Siya ang pinili ko dahil hindi siya kagaya mo! Kabaligtaran ka niya kaya ko siya nagustuhan! At wala kang karapatan na sabihin ang mga bagay na 'yan dahil hindi mo alam kung anong meron sa amin. Sorry, ha? Ilang beses ko na rin naman ikaw sinabihan na tigilan mo na ako dahil wala kang mapapala sakin pero pilit ka pa rin ng pilit! Eto tandaan mo Luke, hinding hindi ko matuturuan ang puso ko na magkagusto sa isang gaya mo." Walang preno kong sabi.

Wala na akong pakielam kung natapakan ko ang ego niya! E sa 'yon ang totoo! Tsaka sobra naman ang mga sinabi niya sakin!

Mas lalong nandilim ang mga mata nito. Hinatak niya ako papunta sa kanya. Bigla akong kinilabutan at nakaramdam ng sobrang takot sa mga huling sinabi nito bago siya lumabas.

"Eto naman ang tandaan mo, Aura. Aagawin kita sa kanya. I will do everything to make you mine. Kung kinakailangan kong burahin siya dito sa mundo, gagawin ko basta mapunta ka lang sa akin."

Tagapagsalaysay

Galit na galit na bumalik si Luke sa kanyang opisina. Marahas niya tinanggal ang kanyang necktie. Agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone at tinawagan si Scarlett.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon