Chapter 33 : Duchess

68.7K 2.1K 596
                                    


[ S P A D E ' S  P O V ] 



"Fuck, saan ba nila talaga tayo dadalhin?" bulong ni Sky sa tabi ko habang inaalalayan niya ang kanyang ina sa paglalakad. Hindi tulad ng kondisyon niya noong ibinigay siya sa amin ay may malay na ito ngayon at pawala na ang bisa ng mga itinurok na droga sa kanya. Gayunpaman, nanghihina pa rin ito at hirap pang gumalaw. 



Ang sabi ng mga lalaking nakabantay sa bawat galaw at hakbang namin ngayon ay dadalhin nila kami sa harap ng konseho at ng judge. Yes, the judge. My one and only brother, Sean. Hindi ko pa rin lubos maisip na ang sanggol na madalas kong laruin noon, ang paslit na lagi kong kakulitan, ang batang naging rason ng una kong pagpatay ng maraming tao, ang lalaking tinuring kong kapatid, at ang taong isa sa mga pinakapinagkakatiwalaan ng asawa't mga anak ko ang siyang tatraydor sa amin. Ni sa panaginip ay hindi ko mailarawan na ang mismong kadugo ko pa ang judge at ang pumatay sa mga kasamahan namin. Galit ako sa kanya, oo. Sobrang galit ako sa mga ginawa niya at sobrang napopoot ako sa kung sino na siya ngayon. Kaso ... kaso ... kapatid ko pa rin siya. Kahit na ba ilang libong beses ko na siyang napatay sa utak ko, bumabalik pa rin ako sa katotohanang kapatid ko siya at magkadugo kami. Na hindi dapat kami nag-aaway at hindi dapat namin kapootan ang isa't isa. 



Napapikit na lang at napakagat na lang ako sa labi ko nang maisip ito. But if the situation calls for it, I have no choice but to kill him in order to set us free. Nitong mga araw ay inihanda ko na ang sarili ko para roon. Hindi ang pagbuo ng plano kundi ang kalooban ko. "You look a bit pale, Spade. Okay ka lang ba?" Rennei asked from my back. Napamulat tuloy akong muli ng mga mata at napasulyap sa kanya. 



I only gave her a faint smile. Matapos noon ay muli kong ibinalik ang tingin ko sa harapan. "I'm fine. Alex, wherever you are, please guide me." usal ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano kapupuntahan ng mga ito pero isa lang ang bagay na alam kong dapat na magawa ko habang nandito. Alamin ang lahat ng katotohanan at lumabas kasama ang mga kaibigan ko ng ligtas. 





"Hoy Spade William Vantress! Nasaan na 'yung manggang hilaw ko?! Ang kupad kupad mo naman! Just what the hell of a man are you!?" malakas at matinig na sigaw ni Alex mula sa kwarto namin. Rinig na rinig ang sigaw niya hanggang dito sa may kusina. Bakit ako nasa kusina? Heto at hindi na nga ako magkandaugaga sa mga kung anu-anong mga pagkain na nirerequest ng babaeng iyon. Halos isang linggo na nga akong walang matinong tulog dahil kapag may araw, wala namang gustong kainin pero kung kailan tahimik na ang lahat at tulog na kami ay doon lang manggigising na gusto niya ito, gusto niya iyan. 



For Pete's sake, I'm not a waiter, slave, or something! Kaso walang akong magagawa. Inanakan ko eh. Tangina. At kung iniisip niyo na ako lang mag-isa rito sa kusina, pwes hindi. Kasama ko ang mga ugok na sina Sky, Marc, at Dash. Puro mga buntis din ang asawa. Sumakto pa talaga ang paglilihi nilang apat na magkakaibigan sa araw ng bisita nila rito sa amin. 



"Oo na! Eto na! Paakyat na!" sabay sabay naming sagot habang nanginginig na ang mga kamay namin dahil hindi na namin alam kung ano ang una naming aasikasuhin. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon