CHAPTER 146

3.6M 86K 156K
                                    

MAX'S POV

Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago pa man ako tuluyang lumapit sa kama ni Sensui..

Kinakain ako ng kaba sa dibdib ko..

Gusto kong umatras..

Pero eto na 'to e..

Wala kang magagawa dahil mahal mo sya..

Sana lang ay wag nya akong ipagtabuyan tulad nung ginawa nya nung nakaraan..

Isang buntong-hininga pa muli at saka ako lumapit sa kanya..

Napakabigat ng hiningang pinakawalan ko nung huminto ako sa harap ng kama nya..

Bahagya syang nakadapa at nakatalikod sya sa akin..

Dahan dahan akong naupo sa bandang likuran nya at saka tinitigan ang mala-anghel nyang mukha.. Bahagya pa akong napangiti nung titigan ko yun..

Parang bata..

Kitang kita ko ang paggalaw ng labi at ilong nya kapag humihinga sya..

Makapal ang pilik-mata nya.. Singkit ang mga mata.. Makinis ang balat.. Mapula ang labi.. Matangos ang ilong.. Ultimong Adam's Apple nya ay anggwapong tignan sa kanya..

Hindi ko lalo maiwasang hindi mapangiti.. At hindi ko napigilan ang sarili kong hamplosin ang napakakinis na balat na yun..

Hinayaan ko lang ang sarili kong haplos-haplusin yun at habang nakangiti..

"A-Aalis ako ng mga ilang araw.." mariing bulong ko habang patuloy pa rin ang paghaplos sa malambot na pisngi nya. "A-Alam ko namang kahit hindi ko sabihin ay hihintayin mo ko.."

Napabuntong-hininga pa ako..

Naalala ko yung itsura nya kanina habang kasama namin si Coach..

Tsk..

Gusto kong pagalitan ang sarili ko kung bakit ko ginawa yun..

Parang gusto kong manapak ng tao kapag nakikita kong nasasaktan sya..

At hindi ko na napigilan ang sarili ko sa mga sumunod na nangyari..

"Mahal na mahal kita, Deib.." mahinang usal ko sa bandang tenga nya at saka ko sya hinalikan sa pisngi..

Muli pa akong napangiti nung makita ko ang mukha nya at saka ko sya tinalikuran at lumabas..

Pagkababa ko ay agad akong sinalubong ni Mrs. Enrile na abot tenga na naman ang ngiti..

"A-Anong nangyari, Maxi?? N-Nagkausap ba kayo ni Deib??" excited pang tanong nya kaya naman napangiti na lang ako.

"Hindi ho.. Hindi ko na sya ginising.."

"Aish.. Bakit naman hindi, iha??"

"Mukhang mahimbing na mahimbing ang tulog nya e.. Napapalunok pa.." nakangising sagot ko pa.

"G-Ganon ba?? Ano kayang ginawa nung bata'ng yun at pagod na pagod..??" napapabuntong-hininga pang tanong nya kunwari sa sarili at saka muling humarap sakin. "Hindi bale.. babalik ka pa naman, right??" nakangiti na muling tanong nya.

"Oo naman, Tita.. Bale, may pupuntahan lang ako kaya mga ilang araw ko syang hindi makikita.."

"G-Ganon ba?? K-Kung ganon ay mas maganda nga sana kung magkakausap muna kayong dalawa, di ba??"

"Ayos lang ho yun.. makakausap ko naman sya pagbalik ko.."

"G-Ganon ba?" parang nanghihinayang pang tanong nya kaya naman bahagyang natawa pa ako.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon