Chapter 60

317K 8.4K 1.7K
                                    

Chapter 60

A Get Away

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!"

Sigaw ni Apxfel. And it's like the world suddenly stopped. I am looking at him furiously as well. Ano ba 'to Apxfel? Ano nanaman ba 'to?!

I don't understand him at all.

Pumagitna si Calix sa'min.

"Don't talk to her like that, kung ayaw mong mag kabasagan ng mukha dito!" Calix exclaimed.

"Stop! Stop it guys. This is a party, we are supposed to have fun." Pag pigil ni Zimmer sa dalawa na mukhang mag sasapakan na.

"I'm sorry, Zimmer, Paui. Aalis na kami." Sabi ni Calix at hinatak na ako palabas.

Walang dalang kotse si Calix dahil isinakay lang kami nila Zimmer kanina sa van nila. Kaya pag labas namin, kailangan pa na mag lakad sa harapan ng subdivision para maka kuha ng taxi.

Habang nag lalakad, hindi kami nag papansinan ni Calix. Hindi ko alam. Pareho lang siguro kaming nawalan ng samud sa lahat.

Hanggang pag uwi ay wala kaming kibuan. Papasok na sana ako sa kwarto ko pero bigla na lang akong tumakbo at yinakap si Calix patalikod. Papasok na din kasi siya sa kwarto niya.

"I don't know what to do anymore." Mahina kong sabi dito.

Humarap naman si Calix at hinawakan ang dalawang braso ko.

"Ang gulo gulo. Hindi na mawala yung sakit ng nararamdaman ko. Pagod na ko. Pagod na pagod na 'to." Sabi ko sabay duro sa puso ko.

Calix hugged me tight.

"I want to get away, Cal. Let's get away." Biglang saad ko dito.

"Get away?" Tanong naman niya.

"A vacation. Yung malayo. Kahit ilang araw lang, para makahinga lang." Sagot ko sakanya.

"Okay." Walang anu-anong sabi niya, kaya naman napatitig ako sakanya.

"We still have classes. Paano yun?" Tanong ko sakanya.

"I guess It's okay if we take a 2 or 3 days vacation. Mag handa na lang tayo ng excuse letter para maipasa bukas." Saad ni Calix.

"Anong dadahilan natin? Hindi naman pwede na sabihing mag babakasyon tayo."

"Ako na ang bahala." He said and ruffled my hair.

"Wait.. saan naman tayo pupunta?" Sunod na tanong ko.

"Do you want to go to Aklan?" Tanong naman niya sa'kin.

"Aklan? Boracay?"

Tumango si Calix at agad akong napangiti.

"Seryoso?"

Tumango ulit siya. Second time ko pa lang makakapunta sa Boracay pag nag kataon. Yung unang beses e bata nung pa ako.

"Sige! Sobrang gusto ko." Sabi ko. Pero agad naman akong napa isip kasi diba, eroplano ang sasakyan papunta doon.

"Paano pala yun.. diba kailangan pa nating mag book ng flight?"

"Abi.. para saan pa at naging Pereira ako?"

Natawa naman agad ako sa sinabi niya. Oo nga naman pala. Ang Daddy niya ang isa sa mga co-owner ng isa sa pinaka sikat na airline sa bansa.

Sayang lang at hiwalay na sila ni Tita Sharlene. Hindi masyadong close si Calix sa Daddy niya pero isang tawag lang nitong si Cal, nandyan na agad si Tito para sakanya.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon