4

60.7K 1.2K 123
                                    

Chapter 4

 

Mejo matagal din kaming natahimik ni Mr.Snowman, hindi ko alam kung anong irereact ko. Ngayon ko lang naisip na lalaki pala talaga itong nasa likod ng mga costume na ito, at hindi lang yon, inlove siya sa kapatid niya.

“Pa-paano nangyari?” – nauutal na tanong ko, at kahit alam kong labag sa loob niya, napilitan pa rin siyang itype sa cellphone niya ang sagot sa tanong ko.

[Hindi ko alam. Basta mahal ko lang siya, nung una akala ko bilang kapatid lang talaga, pero nung nakita kong may napapalapit sakanya, dun ako nakaramdam ng sakit na hindi ko naman dapat maramdaman para sakanya.]

 

Kahit na hindi ko naririnig ang  boses niya, ramdam ko sa pagtatype niya ang sakit na dinadala niya.

Nagpatuloy lang siya pagtatype, napapangiti na rin ako dahil kahit papaano nag oopen siya saakin. Ewan ko peroang gaan talaga ng loob ko sakanya, para bang kilala ko na siya kahit hindi.

[Ayoko nito Abhie. Natatakot ako sa sarili ko. Kaya mas pinili ko nalang magtago sa loob ng costume na ‘to sa tuwing mararamdaman ko yung sakit, dahil kapag nahihirapan akong huminga pakiramdam ko namamanhid ang buong katawan ko.]

Parang may kung anong kumirot sa puso ko, bakit ganito. Pangalawang pagkikita palang namin ni Mr.Snowman pero pakiramdam ko sobrang halaga na niya saakin.

“Alam ba niya?” – tanong ko sakanya, umiling siya bilang sagot at nagtype ulit.

[Hindi niya alam. Wala naman akong balak ipaalam sakanya ‘to, masaya na akong nakikita siya. Sana lang wag siyang sasaktan nung lalaking sobrang lapit sakanya, kasi hindi ko kakayanin kapag nasaktan siya. At isa pa, bilang kapatid niya rin handa akong protektahan siya kahit anong mangyari, kagaya ng ipinangako ko sa Dad namin.]

Yun na ang huling itinype ni Mr.Snowman sa cellphone niya, nakatulala ako ngayon. Pwede pala yon? Maiinlove ka sa kapatid mo? Siguro sobrag bait ng kapatid niya, pero ang hirap pa ring isipin.

“Ang dami kong nalaman ngayon, hindi  ka  ba natatakot nab aka ipagkalat ko ‘to?” – pang aasar ko para naman mabago yung mood namin. Narinig kong tumawa siya ng mahina, at napangiti ako dahil don.

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon