Chapter 3

421K 5.6K 309
                                    

Chapter 3

KEI'S P.O.V

Pagkagising ko wala na siya sa tabi ko, pero rinig na rinig ko yung tawanan nila sa baba. Pumasok muna ako sa CR ng kwarto para maghilamos at magtooth brush. Sinuklay ko na rin ang buhok ko bago ako bumaba.

"Hahaha! Eh kakaiba ka rin palang bata ka!" tuwang tuwang sigaw ni Mama habang hinahampas ang braso ni Kyle.

"Hindi naman, Ma!" sagot ni Kyle at talagang pinanindigan na niyang Mama ang tawag niya sa Mama ko?

Napalingon silang lahat sa pwesto ko.

"Oh anak, gising ka na pala! Kumain ka na sa kusina. Napapasarap ang kwentuhan namin nitong boyfriend mo," masayang sabi ni Mama.

Nginitian naman ako ni Kyle. Hindi ko siya matignan nang diretso dahil sa nangyari kagabi. Yung mga sinabi niya sa akin at tumatak sa isip ko yung paghalik niya sa leeg ko, pakiramdam ko hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin yung halik niya.

Tumayo si Mama at Kyle.

"Halika na, kakain na," sabi ni Mama sabay hawak sa kamay ko at hinila ako papuntang kusina. Sumunod naman si Kyle sa amin.

Hinila ni Kyle yung upuan at maingat akong pinaupo. Si Mama naman pinaghain pa ako kahit kaya ko naman. Ganyan kasi si Mama tuwing umuuwi ako dito. Nakakalungkot lang dahil babalik na kami ng Manila mamaya at may trabaho na naman ako.

"May hika pala dati 'yang boyfriend mo!" sigaw ni Mama habang sumasandok ng kanin.

Umupo naman sa harapan ko si Kyle at nakatingin lang siya sa akin. Humarap na si Mama at inilapag ang kanin at ulam sa mesa.

"Kanina kasi sinumpong si Robi ng hika niya, alam ni Kyle ang gagawin. Ang sabi pa niya kaya raw nawala ang hika niya dahil sinanay niya ang katawan niya ng ehersisyo araw-araw. Aaba kanina nga nag-jogging siya diyan sa labas, pinagtitinginan siya ng mga dalagita. Sumigaw nga ako, ang sabi ko asawa mo yan!" Napapikit ako sa sinabi ni Mama. Kahapon lamang ay boyfriend ko daw si Kyle? Ngayon naman ay asawa na?

"MA!" suway ko kay Mama.

"Bakit ba? Ang lalandi ng mga kababaihan jan kanina, o siya maiwan ko nga muna kayo jan may aayusin lang ako sa likod ng bahay," paalam ni Mama. Kumain na lang ako ng hindi tinitignan si Kyle, pero ramdam kong nakatuon yung mga mata niya sa akin.

Magkakasunod na subo ng pagkain ang ginawa ko pero napaubo ako nang may maramdaman akong gumagapan sa binti ko. Agad akong uminom ng tubig. Tinignan ko siya at ngiting-ngiti naman siya sa akin. Alam kong paa niya yung gumagapang sa binti ko!

"Ano ba, Kyle? Kumakain ako!" bulyaw ko sa kanya.

"Bakit hindi mo ako matignan ng diretso?" May halo na naman ng pang-aasar ang boses ni Kyle.

"Wala ka na dun!" Pag iwas ko saka tumungo na ulit ako at kumain, pero naramdaman ko na naman yung paa niya sa binti ko. Hindi ko na sana papansinin 'yon pero nagulat ako ng umabot sa taas ng hita ko ang paa niya.

Maliit lang pati ang mesang kinakainan ko ngayon dito sa kusina, hindi katulad dun sa mismong dining area namin mahaba ang lamesa.

Tinignan ko siya ng masama. Nakatingin lang siya sa akin at sobrang seryoso ng mukha niya. Pero yung mga mata niya nang-aasar. Yung para bang sinasabi ng mga mata niya na hindi siya mapipigilan sa ginagawa niya.

"I-isa Kyle..."

Halos ibulong ko na lang 'yon dahil dahan-dahan niya na namang ibinaba ang paa niya sa binti ko. Pakiramdam ko nag-iinit yung mukha ko sa ginagawa niya.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon