Chapter 48

54K 1K 46
                                    

Sandara Elizabeth's POV

Asan na ba si Bommie?

Huhuhuhu wala akong kasama dito!

Nasa school kasi ako at wala nang klase.

"Dara!!"

Lumingon ako sa sumigaw.

Yown oh! Buti nalang dumating si Bommie!

"Oh bakit ka mag-isa dito?" tanong niya nang makalapit siya sa akin.

"Wala kasi si Faith eh. Kaya hinihintay kita para may kasama ako!" masaya kong sabi sa kanya.

"Err? May kasama kasi ako ngayon eh. Ibibigay ko lang sana sayo 'to." sabi niya at inabot yung notebook ko na hiniram niya dati.

:(

"Sino kasama mo?" tanong ko.

"Mga classmates ko lang. May gagawin kasi kami para sa group presentation namin." sabi niya.

Awts :(

Magsasalita pa sana ako nang dumating na yung mga kaibigan niya ata.

"Bommie! Halika na!"

"Sige. Bye Dara!" nakangiti niyang paalam.

Nginitian ko nalang siya.

Napaupo nalang ako sa bench at nagmasid-masid.

Naramdaman ko ang pag-uga ng bench--- in short, may tumabi sakin. Pero hindi na ako nag-abalang tignan kung sino iyon.




"Dara, ngayon ko na sisimulan 'yong panliligaw ko kay Faith."





Ay pusa!

Nagulat ako nang may bumulong sa akin.

Aish! Si Taeyang na naman!

"Hindi mo talaga ako titigilan eh noh?" naiirita kong sabi sa kanya.

"Ngayon pa ba ako titigil? Kung kailan sinabi mo na tutulungan mo ko. Dali, ano yung mga paborito ni Faith?" tanong niya.

Dito ko na pala sisimulan ang plano ko! /evil laugh/

"Paborito ni Faith? Ikaw na bahala. Kahit ano naman tatanggapin nun.... basta galing sa puso. Suggest ko lang ah, bigay mo yung hindi mga sweets."

In fact, gusto ni Faith ang sweets. Sure ako na bibigyan niya si Faith ng mga candies like nung gummy worms, etc. Eh ayaw na ayaw ni Faith sa maaasim na pagkain. Ayaw na ayaw niya sa suka. Nababadtrip siya kapag nakakaamoy o nakakakain siya ng maasim.

Sinabi niya sakin lahat ng mga ayaw at gusto niya nung nasa getting-to-know-each-other stage kami.

"Noted. Ano pa?" inosente niyang tanong.

Napapangiti nalang ako kasi nagpipigil ako ng tawa.

"Hindi ko na alam eh. Basta anything romantic nalang. Yun na yun!"

Ayaw niya ng gano'n. Ayaw na ayaw niya non. Mas gusto niya pang pagkain nalang or wag na kasi aanhin niya daw ang roses or teddy bears?

"Talaga? Sige. Salamat." sabi niya ng nakangiti.

"Naku Taeyang, pasensya ka na ah. Kailangan ko nang umalis." sabi ko at kunwaring nagmamadali.

"Sige." sabi niya at umalis na ako.

Oo guys, sinasabotahe ko si Taeyang.

Bahala siya sa buhay niya.

Masama na kung masama, gusto ko lang naman na wala ng epal kay Faith at Jiyong.

Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon