Chapter 62

306K 8.2K 1K
                                    

Chapter 62

Boracay Blues

What the hell? Bakit ba siya ganyan? Ano naman sa kanya kung mag bathing suit ako?!

"Christan, hindi mo ako girlfriend. Bakit hindi mo kay Bobbie ipasuot yan?"

Aalma na sana siya pero biglang dumating si Calix.

"What's happening here?" tanong nito.

Hawak ko pa rin 'yung shirt na inabot ni Apxfel kaya sinuksok ko na lang agad sa bag ko iyon bago pa makita ni Calix.

"Wala... Umm ano, ready ka na?" pah segue ko.

Tumango siya.

"Ayusin ko lang saglit 'yung dadalhin ko." anito.

Maya maya ay lumabas na rin si Bobbie mula sa CR. Naka one piece siya tapos ay naka tapis sa baba.

Tinignan ko 'yung reaksyon ni Apxfel, kung ipipilit din niya kay Bobbie na mag suot ng shirt pero hindi, e. Wala. Nag ngitian lang sila.

Bakit sa'kin ganoon siya?!

Halos parehas lang naman kami ng suot nitong si Bobbie, e! Two piece nga lang ang akin tapos whole body ang tapis.

Nag kibit balikat na lang ako. Bahala sila.

Pag kalabas ng hotel, grabe. I was mesmerized! Sobrang ganda talaga rito sa Boracay.

Mas kitang kita ko 'yung buhangin ngayon. Parang pulboron! Tapos ang linaw linaw ng tubig sa dagat! Ang ganda.

Nagdesisyon kami na mag breakfast muna. Doon kami sa isang restaurant na nakita namin habang naglalakad lakad.

Wala ngang usap-usap habang nagsisikain kami, e. Hindi ko alam kung awkward ba o talagang mga gutom lang.

Pumunta na kami malapit sa may pangpang pagkatapos kumain.

"Tara! Swimming na!"pag anyaya sa'kin ni Calix.

Hindi ko alam pero napa sulyap na lang ako kay Apxfel. At kitang kita ko 'yung sama ng tingin niya.

"Umm... sige una ka na muna, Cal. Susunod na rin ako." tugon ko.

Tumango si Calix tapos ay tumakbo na siya at nagtampisaw.

Napatigil na lang ako roon sa aking pwesto.

Bakit ba hindi pa ako sumama kay Calix? Ano bang pumipigil sa'kin?!

"Chris, tara na?" narinig ko naman ang pag anyaya ni Bobbie kay Apxfel.

"Maya na." maikling sagot ni kumag. Tila tamad na tamad kung sumagot.

"Okay." sabi ni Bobbie tapos ay nag tampisaw na din.

Naiwan kami ni Apxfel dito. Paano?!!

Naglagay na lang ulit ako ng sunblock kahit na naglagay na ako nun doon sa hotel. Kasi naman 'tong si Apxfel. Bakit ba siya nakatingin ng ganyan?

"Abigail! Tara na. Ang sarap!" sigaw naman ni Calix. Medyo malayo layo na rin kasi siya.

Tumayo na ako sa pagkaka upo at tinanggal ang tapis ko.

It revealed my two piece swim suit.

Wala namang masama dito diba? Halos lahat nga ng nakikita kong nag si swimming dito ay naka swim suit!

Napatingin ako kay Apxfel..z and his eyes we're fuming mad.

Hindi ko alam, pero agad agad kong inabot ang bag ko at hinanap yung t-shirt na inabot niya kanina.

I hurriedly wear it. Damn!

Humarap ako at tumingin sakanya. I was surprise from his sudden smile while looking at me.

Bakit ba siya umaarte ng ganito? At bakit naman ako nag papadala?

I shook my head.

Tumakbo na lang ako ng mabilis sa kinaroroonan nila Calix.

-

Christan Apxfel's POV

Sinuot niya 'yung t-shirt.

Buti na lang. Kung hindi ay baka mabaliw ako, ano! Hindi ko yata kaya na makitang pinagtitinginan siya ng ibang mga lalaki. Ayoko.

Her bikini is so damn fine. Her body is freaking fire!

Lahat ng lalaki titignan siya... malamang sa malamang. And I would never let that happen!

Napa-unat na lang ako ng braso.

Naalala ko bigla 'yung mabilisang impake at pag book ng flight namin ni Bobbie.

Isang oras lang yata ang pagitan ng flight namin sa flight nila Abigail.

Alam kong may kakilala si Zimmer na may-ari ng isang hotel dito sa Bora. Kaya tinawagan ko siya agad bago pa kami makasakay sa eroplano.

Sabi ko ay i-convice niya si Abigail na doon mag check in. Tapos sabi ko ron na i-reserve niya kami ng apat na kwarto. Ang bilin ko pa ay siguraduhin niya na tabi 'yung kwarto namin ni Abigail, tapos yung kay Calix... ilayo!

Kaso bad timing. Halos puno na pala 'yung hotel. Pero okay lang, mas malapit pa kami ni Abigail dahil iisang kwarto lang kami. Panalo pa rin ako.

"Chris!" tawag ni Bobbie habang nag lalakad palapit sa'kin. "Ayaw mo mag swimming?" tanong niya.

Hindi ako nakasagot kasi bigla akong may nakitang lalaki na wagas kung makatitig kay Abigail.

Tarantado ba siya?! Naka t-shirt na't sa lahat yung tao!

Nilapitan ko yung lalaki.

"Pare ayusin mo yang titig mo ah!" sabi ko.

"What's your problem?!" tankng naman niya. Pa inosente pa ang gago!

"Tarantado ka, e. Pinag nanasaan mo 'yung girlfriend ko!"

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iton. Ah basta!

"Girlfriend? Well then... ang hot niya. I would be dang happy to fuck-"

Bago pa matapos nung lalaking iyon ang sasabihin niya sinapak ko na siya.

"Umayos kang gago ka. Kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso!" sigaw ko. Iisa pa sana ako ng sapak ng inawat na ako ni Bobbie.

"Christan, ano ba! Stop it. Ano bang ginagawa mo?"

"Narining mo ba yung sinabi nung lalaking yon?! He's... never mind." sabi ko tapos ay nag lakad na lang palayo.

Shit. I'm losing it!

Nalilimutan ko na 'yung objective ko kung bakit ako nandito.

"Chris, you have to chill. Ang paranoid mo na, e!" ani Bobbie habang sinusundan ako.

Huminto ako at tinitigan siya.

"I'm not."

"Yes, you are! Kagabi pa!"

Hindi ako paranoid. I'm just protecting what's mine.

Teka mali. What once was mine... Damn.

"Pumayag ako sa pagpunta natin dito sa Boracay at sakyan lahat ng 'to kasi ang sabi mo, huli na. Ang sabi mo, last na." saad niya.

Bumuntong hininga ako.

"Don't worry. This is the last straw, Bobbie. It will all ends tonight."

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon