Chapter 49

50.5K 1K 30
                                    

Catherine Faith's POV

After a few weeks....

Ilang araw na ang lumipas.

At ngayon, birthmonth ko na! Malapit na rin ang holidays!

Sa mga araw na lumipas, gano'n pa rin ang nangyayari.

Si Jiyong, hindi na siya pumapasok sa klase dahil magtatrabaho daw muna siya habang wala ang Papa niya.

Sa mga araw din na lumipas, nagbibigay pa rin si Taeyang mga pagkain na maaasim.

Hindi ko alam kung nananadya siya eh o di kaya, nagkataon lang.

At sa mga araw na lumipas, hindi na mabilang ng kamay ko kung ilang beses kami may ginagawang milagro ni Jiyong. -___-

Maiwan lang kami sa isang kwarto o lugar, manggagapang na agad 'yong ugok.

Nandito ako ngayon sa bahay.

Sabi kasi ni Jiyong, 'wag daw akong pumasok dahil may pupuntahan kami mamaya.

At ngayon, papasok si Harin. Kaya maiiwan akong mag-isa.

"Harin! Baka ma-late ka!" sigaw ko.

"Oo ate. Wait lang." sabi niya habang nagmamadaling ilagay yung uniporme niya.

Na-late kasi kami ng gising kanina kaya ayan, nagmamadali siya.

"Ate, yung baon ko." sabi niya sakin nang matapos siya sa lahat ng ginagawa niya.

Kumuha ako ng 200 pesos sa wallet at ibinigay sa kanya.

Masyadong malaki ang 200 para sa baon niya pero gusto ko sanang bigyan ko lang siya ng kahit ano para naman pambawi sa dati naming paghihirap.

"Sige ate. Aalis nako. Bye bye!" sabi niya at nakipagbeso sakin.

Hinatid ko siya hanggang sa pinto ng unit.

"Mag-ingat ka, Harin. Text mo ko kung may problema." bilin ko.

Tumango lang siya at umalis na siya.

Naiwan na akong mag-isa unit kaya naisipan kong mag-facebook muna.

Nag-log in ako.

21 Friend Requests // 7 New Messages // 40 Notifications

Nung chineck ko 'yong friend requests, puro mga taga-NSC lang kaya in-accept ko nalang lahat.

Chineck ko naman 'yong mga messages.

Janine Buenaventura: Hoy babae! Lumayo-layo ka nga kela Kenneth! Nakakahiya ka! Nagmumukha kang yaya nila. Bitch ka!!! ./.

Ay grabe siya. Hindi na ako nag-abalang magreply at ni-seen ko na lang yung message niya.

Chineck ko rin yung iba...

Maxine Gilbert: Hey bitch! Stay the hell away from my boys! Or I will rip your clothes infront of them! You will be embarrassed!! Stay away from them!!! PLEASE! You do not belong to them!

Ano? Huhubaran niya ako sa harap nila Jiyong?

Edi hubaran niya. Mamatay sila sa inggit. BLEH.

Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon