Chapter 6.3.3

31.6K 604 11
                                    

Published: August 18, 2013

CHAPTER 6.3.3

KATIE's POV

Umakyat si pangit sa 2nd floor kaya sumunod na rin ako kaagad.  Pagkakita ko pa lang sa hagdan nila, nag-alangan na kaagad ako tumapak.  Luma na iyon at makitid pa.  Bawat tapak ko pa ay umiingit 'yun na akala mo mababali sa gitna. Parang any moment ay pupulutin na lang ako sa sahig.  Hindi ko yata kayang tumagal dito, promise!

            Nang tuluyan na kaming makapanik sa 2nd floor na sobrang open, as in open! ay tsaka siya dumial sa phone niya.  Ang bintana kasi ay sinaunang panahon rin na inuusad lang sa magkabilang gilid para pumasok ang hangin.  At kahit na ang lalayo ng kapit-bahay ay wala ka pa ring privacy sa hitsura ng bahay nila.  Paniguradong kita lahat mula sa labas.  Todo bukas lahat ng bintana sa apat na sulok ng bahay nila.  Wala man lang ding kwarto.  As in open space lang.

            “Hello po, sir.”  Na-contact rin niya si papa!  “Gusto po kayong makausap ng anak ninyo.”  Hindi niya kaagad iniabot ang cellphone sa akin.   I don’t know kung ano ang sinasabi ni papa.  Panay lang ang ‘opo’ niya.  Naglakad pa siya palapit sa bintana at iwas ang tingin sa akin.  After a while pa niya iniabot ang cellphone niya na ang pangit, kasing pangit niya!

            “Hello papa!”  Biglang nanginig ako at nag-alala para sa kay papa.  “How are you?  Are you okay?”

            {I’m okay, sweetheart. Ikaw?  Kayo ni Ricky?}

          “We’re okay, don’t worry about us.”  Agad na tumulo ang luha ko at namiss ko siya kaagad.  Kahit pa may mga times na malayo ang loob ko kay Papa dahil sa paghihiwalay nila ni mama, he’s still the best father for me.  “Kailan mo ako susunduin?  I can’t take this place!”

          {You need to stay there for a while.  It’s not safe to go home.}

          “Bakit pa?  Ano ba talagang nangyari?”

          {Nakalaya na ang uncle Jeremy mo.}

            “Po?”  Yeah, uncle Jeremy.  Siya ang nag-iisang kapatid ni papa.  Pero dahil masyadong makasarili ang uncle ko, hindi na nakuntento sa yaman niya at hinaluan niya nang kalokohan ang business nila ni papa.  Ginamit niya ang company para makapagpuslit ng drugs.  So, when papa finds out, ipinakulong niya si uncle para daw mabigyan ng lesson.  At dahil d'un, sobrang nagalit sa kanya si uncle Jeremy. He threatened us na kapag nakalaya daw siya, babawiin niya lahat nang mayroon si papa.  “A-ano pong nangyari?  Ano 'yung pumutok kagabi?  Nasaktan ka ba?”

          {N-no…}  Malungkot ang boses  niya.  {'Yung isang bodyguard ko tinamaan, but he’s okay.}

          “Nahuli po ba si uncle?”

          {Nakatakas siya.  May mga back-up.}  Malalim lang siyang napabuntong-hininga.

            “Can I please come home?  I am gonna die here!”  Maktol ko pa sabay tingin sa nakasimangot na si pangit.

            {No, you can’t sweetie…}

          “Pero papa, kahit sa ibang lugar na lang!  May mga resthouse tayo, right?  Kahit doon na lang!”

          {No one will ever take care of you.  Besides, alam ng uncle Jeremy mo ang mga 'yun. It won’t be safe.  At least with Ricky, hindi siya kilala ng uncle mo.}

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon