MPML Book 2 (8)

4K 95 7
                                    

Pagkatapos ng klase ni Medusa, nilapitan ko sya bago sya makalabas ng classroom.

"Ma'am, ako na magbubuhat ng gamit nyo." Nginitian ko pa sya gamit yung killer smile ko na kinahuhumalingan ng lahat except sya na kasalukuyang nakataas ang mga kilay.

"No, thanks Mr. Salvatore. I can carry my stuff." Dinaanan nya lang ako pero hinarangan ko ulit sya bago sya makalabas ng classroom.

"Get out of my way Mr. Salvatore." Wala pa nga akong sinasabi eh.

"Ma'am naman ang sungit masyado, tatanong ko lang naman yung tungkol sa sinabi nyo kanina na about dun sa mga magpapatutor dahil mahina sa Math?"

Tiningnan nya ko ng maigi bago sya nagsalita ulit.

"And what about it?"

Napakamot ulo ako. Ang ikli ng sagot nya, hindi ako prepared dun.

"Uhh, tanong ko lang Ma'am kung sino yung tutor? Kayo po ba?" Nakangiti ako sakanya na parang bata habang pinagdadasal kong sana sya talaga yung tutor na sinasabi nya kanina sa klase, dahil kung sya nga hindi na ako magdadalawang isip na magpatutor agad sakanya!

Parang date din yun kasama sya araw araw! At sa office pa nya na kaming dalawa lang, ayos!

"Mr. Salvatore, I know what you're thinking and It's not going to happen. Move."

Hindi na sya nagexcuse sakin at pinatabi nya ko sa gilid para makadaan sya palabas ng classroom. Tsk, mission failed.

Nagsilapitan naman sakin sila Steven at pinahahampas yung likod ko.

"Hahaha! Hindi ka na naman nakaporma kay Medusa bro! Hahaha! Sabi sayo ibang chicks nalang eh, marami naman dyan pipili ka nalang Prof pa." Sabi ni Steven habang inaabot sakin yung bag ko.

"Ok lang sana kung si Ms. Lina, e hindi si Medusa pa. Yung nangungunang Prof na akala mo araw araw may dalaw HAHAHA!" Dagdag pa ni Mitch.

"Gago pre antay nyo lang, magiging akin din yan si Ma'am." Sabi ko naman ng makalabas na kami ng classroom at bumaba sa hagdan.

*SNORT*

Habang nagtatawanan kami napatingin naman ako kay Ria na kasama pala namin at nangangasar pa.

"Problema mo?" Tanong ko sakanya habang nakasinghal.

"Tingin mo talaga papatulan ka ni Medusa?" Sagot pa nya habang nakangisi.

"Hindi tingin, ALAM KO talagang papatulan ako nyan. Konting lambing ko lang dyan bibigay na yan si Ma'am sakin, sus! Ako pa ba?"

Tinawanan nya lang ako sabay nilagpasan kaming nya kaming maglakad.

"Hoy! San ka pupunta?"

"Uuwi na, bakit kailangan mo pa ba ako?"

Nagisip ako. Wala na nga palang klase ngayon dahil vacant kami pag wednesday.

"Hmm.. pano mo gagawin yung assignment ko sa Math kung hindi mo kinukuha yung notebook ko?"

Nakita ko syang umirap sabay baba nya ulit ng hagdan.

"Hoy! Hindi mo ko narinig?!" Sigaw ko sakanya sa hagdanan.

"Narinig kita! Napakaulyanin mo kinuha ko na yung notebook mo kanina hindi mo natatandaan?"

Oh kinuha na pala nya, hindi ko matandaan.

"Uhhh.."

"Ewan ko sayo." Yun na huling sinabi nya at bumaba na talaga sya sa hagdan.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon