Chapter 15 ♥ School Clubs (Part one)

41.6K 414 27
                                    

Asean Dayco dear! Nakalimutan ko username mo! xD Send mo saken agad para maidedicate ko sayo 'to! Godbless always sayo and keep inspiring! And thank you for being a very very niceee admin on LTMSFanpage! Mabuhay ka! Mwuah! 

Magpapagames po pala kami for DEDICATIONS sa LTMSFANPAGE (link is on my profile) kaya sa mga hindi pa naglilike. LIKE na! :D

♥♥♥

Chapter 15

Ikatlong araw na ng pasukan. Napakabilis ng araw parang kailan lang. 

Nandito na ako sa school at pagpasok pa lang ay nagkalat na ang mga booths ng iba't-ibang clubs para sa school na 'to. May Music Department Booth na binubuo ng drama club, choir, band-- kung saan ako kasali,  at dance club. Art Department Booth na binubuo rin ng arts club-- drawing and painting. Meron ding martial arts club, math club, science club at marami pang iba na hindi mo lubos maisip. Name it and you'll have it. 

"Babes anong club ang sasalihan mo this year?" tanong sa akin ni Nathan.

Sabay na kaming naglakad nung nagkasalubong kami sa may hallway. Kanina kasama ko si Niel pero hindi ko na alam kung saan nagpunta yun. May sinaglit yata. 

"Wala siguro bukod sa band. Medjo hectic ang schedule ko ngayon at hindi ko alam kung mapagkakasya ko pa sila sa oras ko. Ikaw ba?" 

"Hindi ko rin alam eh" kibit balikat nya. May kumaway sa kanyang ibang mga kaibigang lalaki, tinatawag sya na pumunta sa kanila. "Sige babes kita tayo mamaya ah"


Aktong hahalikan na nya ako sa may pisngi tulad ng lagi nyang ginagawa ng bigla na lang sumulpot si Jace ng hindi namin namamalayan. Inilayo nya ang mukha ni Nathan palayo sa akin gamit ang hintuturo nya. 

"Hoy" inis nyang sambit. "Go find your own girlfriend." 

Tinawanan lang sya ni Nathan bago ako kinindatan "Bye babes!" 

"Tsk. Ang lokong yun." dungaw ni Jace sa kaibigan. "Next time ipaalala mo sa akin na magdala ng masking tape at ng mai-tape ko ang bibig nun."

Natawa ako dahil sa sinabi nya pati na rin sa naiinis nyang reaksyon. Nung tumingin sya sa akin tinanong nya ako ng isang nangingiti ngiti ngunit naiinis pa rin na 'What?' Pinisil ko ang matangos nyang ilong dahil kauma-umaga ay highblood na naman sya. 

"Selos ka noh?" hinawakan ko ang braso nya at saka ko isinandal dito ang ulo ko. Nagsimula na kaming maglakad at sa itsura ko ngayon mukha akong isang clingy na tao. Eh sa ang sarap nyang asarin eh. Saka minsan lang naman. Hindi nga kami masyadong PDA ni Jace pagdating sa relasyon namin. Madalas ay puro asaran lang kami sa hallway lalo na kapag nagkakasabay kami. Walang holding hands, walang gaanong yakapan. Ni hindi nga aakalain na kami sa unang tingin. 

Kunot noo nya akong tiningnan dahil sa sinabi ko. "Hindi ah. Psh. Sinong nagseselos?"

"Ikaw." tudyo ko sa kanya

"Psh. Kailan?" 

Aysus kung makatanggi naman ito wagas! Ni hindi nga nya ako matingnan sa mata eh. 

"Kinantahan mo pa nga ako ng 'Neseye ne eng lehet' eh. Remember?" Natatawa ako sa reaksyon ng mukha nya. Marahil hindi nya maalala pero ako hindi ko makakalimutan yun kahit kailan. 

"Na sayo na ang lahat? Yung kay Daniel Padilla ba yun?" tumango ako bilang sagot. "I had never sang that song before."

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon