Chapter 15 ♥ School Clubs (Part two)

40.2K 411 20
                                    

Hindi ako makatulog. LOL. Nakokonsensya ako bakit hinati ko pa xD Oh well. Enjoy! Dapat 'Ilong' title nitong chapter 15 eh. Wahahahahahaha. Natatawa kasi ako :"> 

♥♥♥

Chapter 15 (Part two)

"Oh crap." sabi ko pagkakita ng ipinunas kong kamay sa mukha ko na may dugo. Parehas tuloy kami nyan ni Julian na nosebleed. Pambihira. 

Nasa tabi ko agad si Jace at inilabas ang panyo nya para punasan ang dumudugo kong ilong. 

"Tsk. Ang tigas kasi ng ulo mo" galit nyang saad pero makikita mo sa mga mata nya na puno ito sa pag-aalala. Inilagay nya ang isang kamay sa baba ko para iangat ang mukha ko. Tuloy tuloy pa rin sya sa pagpunas kahit ilang beses kong sinabi na ako na lang. Ayaw kasing huminto ng pagdugo ng ilong ko, medjo malakas ang pagkakatama at alam ni Jace yun. 

Tumayo sya bigla at galit na galit na hinarap ang mga nagrarambulan pa rin na mga estudyante. Kahit mga teachers na dumating ay hindi sila mapigilan. 

"Sandali lang." walang emosyon nyang sabi. Nagulat ako dahil sa mabilis na pagbabago ng boses nya. Nahawakan ko pa ang laylayan ng polo shirt nya bago sya tuluyang makalayo.

Naku lagot.

"Ah eh, joke lang pala yung sinabi kong tumulong tayo. Ayos na ako. Halika umalis na tayo." pero hindi nya ako pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad papunta roon sa mga nagkakagulong estudyante. Hinabol ko sya at tumulong sa mga teachers na magsaway sa mga estudyante sa ginagawa nila pero walang nakikinig. Hanggang sa nakita ko na lang na pati si Jace eh nakikisali na sa bugbugan na nangyayari sa paligid. Tinarget nya talaga yung nambato sa akin ng bola kaya hindi ko mapigilang maawa para roon sa grupo na alam kong hindi naman sinasadya na madamay ako.

Napahinto ang lahat matapos makita na isa isang napabagsak ni Jace ang ibang mga estudyante na ayaw magpaawat. Isang sipa at tadyak, ni hindi sya gumamit ng kamay. Sa isang maikling oras, napatumba nya ang karamihan sa karate at taek won do club na naglalaban dahil sa sariling personal na away na na-trigger dahil sa rambulan. Biglang tumahimik ang paligid dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Lahat na ng mga mata ay sa kanya na nakatuon. 

Pero hindi sya nagsalita at galit na galit na tiningnan sila isa-isa. 

"Tabi!" sabi nya nung nagsimula syang maglakad sa may direksyon ko. Sinipa pa nya ang isang estudyante na nakahiga pa rin sa sahig dahil sa pagkakabugbog. 

Pagkalapit nya sa akin ay ang biglaang pagbuhat sa akin na parang pangkasal. Kung kanina sa kanya lang nakatuon ang mga mata ng lahat ng estudyante pati mga teachers, ngayon sa aming dalawa na!

"Teka s-sandali ibaba mo ak--"

"Wag ka ng maingay kundi hahalikan kita." sa boses nya mukha talaga syang seryoso kaya dahil doon bigla akong natahimik. Katakot ko lang mahalikan sa harap ng napakaraming tao na tulad nito. Hindi na ako nagsalita hanggang sa nakarating kami sa may school clinic.

 ***

"Kunot noo na naman 'yang noo mo. Ang pangit mo polar-- Aray!" biro ko habang ginagamot ng nurse yung ilong ko.

Pagdating ko rito wala na akong ibang sinabi kundi 'aray'. Natatakot tuloy ako sa magiging kapalaran ng ilong ko. Pango na nga, mapapango pa yata. Wag naman sana. 

"Ang tigas kasi ng ulo mo. Ayan nasaktan ka tuloy." sagot nya. Iniwan na kami ng nurse pagkalagay ng pagkalagay ng band aid sa ilong ko. Hinawakan ko ito at nakaramdam ng hapdi. Huhu. Ang kawawa kong ilong. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon