Chapter 52.

10.8K 440 70
                                    

Chapter 52.

"Ame! Look at my drawing!" Napangiti ako to see my baby boy na winawagayway sa ere ang drawing niya.



Sinundo ko siya kasi sa Brentville. And yes, nursery na ang anak 'ko. He's already 4 years old and growing healthy. Na-adapt niya yung asthma ko but it's alright. Pwede naman daw mawala 'yon kapag inalagaan siya ng maayos.




"Wow naman baby Callixte.. 10 over 10! Ang galing galing mo! Pakiss nga si Ame!" Pinaulanan ko ng halik ang mukha ni Callixte. Habang lumalaki siya ay nagiging kamukha niya na si Clarence. His tall nose, his eyes, yung shape ng mukha and even the mole beside his lips.



Siguro kapag nakita ni Clarence si Callixte, malalaman niya agad na anak niya ito.




"Ame? Do you love me?" Napangiti ako when Callixte pouted. Damn boy! Kamukhang kamukha ni Clarence!



"Sobra, baby 'ko. Sobra." I caressed his fat cheeks na namana niya sa akin.




"If that's so, let's buy krushers from KFC! Ame please!?" Nag praying hand gesture pa ang anak 'ko habang naka pout.



"Hmm. At dahil naka perfect ka.. Let's go babyyyy!"




Binuhat ko siya at naglakad kami sa KFC sa tapat ng Brentville. 'Don na kami kumain ng lunch at ng nirequest niyang krushers.




"Ame, when are you going to go back to your work at Montereal's?" Naikwento ko kasi kay Callixte kung saan ako nagtatrabaho noon. Pero syempre, hindi niya alam na ang may-ari non ay ang ama niya.




"Baby, Ame is going to apply for another company. Hindi na doon." I smiled at him and pinunasan ang dumi sa labi niya.




"But why, Ame?"




Hindi ako nakasagot agad. Pinanganak na matanong itong si Callixte kaya lagi akong nauubusan ng palusot. Jusko!




"Mababa ang sweldo 'don eh." I lied. Pero ang totoo ay yun ang kompanya na pinaka-mataas mag sweldo.  "Pero baby.. Kahit anong trabaho, papasukin ko para sa'yo. Okay?"




Naglakad kami ni Callixte pauwi since ang apartment namin ay walking distance lang sa Brentville. Bumukod kami kay Mama dahil nahihiya na ako. Andun na si Ate at Maddi kasama ang mga anak nila kaya nakakahiya nadin kay Mama na marami ang aalagaan niya. Gusto ko din ma-solo ang anak ko kaya mas pinili kong bumukod nalang. Pero every weekends ay 'dun kami nagsstay sa bahay.



Pagdating sa apartment ay pinaliguan at pinanuod ko ng TV si Callixte habang ako ay naglilinis. Ang sarap nga ng ganitong buhay eh, yung wala kang ibang iintindihin kundi ang anak mo.



Tumawag sa akin si Jen na pupunta daw sila dito sa apartment kaya naghanda ako ng makakain nila. Palagi akong binibisita ng mga kaibigan ko dito kaya okay nadin ako.



"Wow. Single mother na single mother ang porma mo ngayon Marga ah!" Natatawang bungad sa akin ni Shan.



"Ganon na ba ako ka-losyang?" I pouted. Kahit alam ko ang totoo.




"Ay nako, Honey. Kung ako sa'yo wag kang magpa-losyang! Magpaganda ka! Naku!" Dexa naman.




"Kapag kayo nagka-anak, hindi niyo na maiisip 'yan." Nakasimangot kong sabi sakanila.





"Talaga?" Si Jen ang unang nag-react. Napatingin kaming tatlo sakanya.



"Buntis kaba, Jen? Nananaba ka ah." Natatawang sabi 'ko.



Napanganga ako nang tumango siya. Oh my gosh! Finally! Si Dexa at Shan nalang ang walang anak sa amin!



"Sino ang ama?" Shan laughed.




"S-si.. Cleo Montereal." She bit her lip habang nakatingin sa akin.




"What the hell!?! Kuya ni Clarence?!" Napatakip ako sa bibig 'ko. Si Kuya Cleo!? Oh my gosh? "Kailan pa sila naghiwalay ng asawa niya?"



"Y-yeah.. Eh, diba. 'Don ako nagtatrabaho sa company nila ni Clinton." She said. "Nanlalaki 'yong ex wife niya."




"Hoy Jen! Baka sinabi mong si Clarence ang ama ni Callixte ha?! Wag na wag ka lang talagang madudulas!" Shit. I'm so dead kapag nalaman ni Clarence iyon!




"Anyway, 'wag kang mabibigla sa sasabihin ko ha?" Ngumiti si Jen bigla pero ako kinabahan naman ako.. "Hiwalay na si Heira at Clarence. Approved na yung annulment paper nila. Ewan ko kung anong nangyari basta ang alam ko si Clarence ang nakipaghiwalay. Don't worry magtatanong ako kay Cleo."



Napanganga ako sa nabalitaan 'ko. What the heck? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero right now... Ewan ko... Kung bakit nagdidiwang ang puso 'ko.



"Omg! Marga, makipagbalikan kana!" Shan hissed.



"Huy! Ano ba! Marinig ka ni Callixte!" Nilingon ko ang anak 'kong busy manuod ng TV.



"Just in: Clarence Montereal and Heira Avenida, kumpirmadong hiwalay na!" Napalingon ako sa TV. Oh my gosh! Pinapanuod ni Callixte ang ama niya!



"Ame! Si idol oh!" Sigaw ni Callixte. Tinabihan ko siya sa sofa habang pinapanuod ang interview ni Clarence. Oh my gosh! "Ame? Bad ba si Idol?"



"No, baby.. Idol is not bad." I said habang tulala sa TV.



"Uhm, yeah. It's official. We're over." Ang tanging sabi ni Clarence at hinabol-habol na siya ng media.



Sa loob ng halos limang taon, palaging sa TV ko lang nakikita si Clarence. And it's ironic because my son idolizes him.. Hindi siya artista, mayroon lang commercial ang company nilang magkakapatid. Idol siya ni Callixte kasi napapanuod niya sa commercial kung gaano kayaman si Clarence. Callixte also adores Clarence's cars na laging featured sa TV.



"Ame.. Idol is so successful. I wanna be like him someday." Anang Callixte.



Nagkatinginan kami ng mga kaibigan 'ko at sabay sabay na nagbuntong hininga. Naawa sila sa anak ko kasi di pa niya kilala ang ama niya. I mean.. Napapanuod niya sa TV pero he doesn't know na yung idol niya, is his father.



Bumalik ako sa table para pagusapan ang trabaho na inalok sa akin ni Jen. Sales manager kasi siya sa isang clothing line and she's looking for her substitute dahil nga buntis siya and her obgyne advised her to rest dahil muntik na pala malaglag ang anak niya.



"So, kailan ako magsstart?" I asked.




"Anytime. Anyway, you can bring Callixte sa work mo. May playground sa tabi ng clothing line na iyon AND hindi pwedeng lumabas ang kids kapag hindi pa sinunsundo ng parents. So it's safe."



Um-oo ako sa alok ni Jen. Si Cleo daw ang CEO nung building na iyon kaya medyo kinabahan ako. I'll do my best to hide Callixte from the Montereals.

Alluring I: Alluring the beautiful geekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon