6

56.2K 1K 65
                                    

Chapter 6

Monday na! At ang una kong pinuntahan pagkatapos ng flag ceremony namin ay ang library! Gusto ko na kasing makita si Mr.Snowman! Pero nagulat ako ng makita kong may lalaking nakatalikod at hawak hawak yung costume ng snowman!

“Mi..Mr.Snowman?” – para akong tanga dahil nanginginig ang boses ko.. Dahan dahan siyang humarap.

“STAN?!!” – sigaw ko! Oo si Stan ang nasa harapan ko ngayon! Kumunot ang noo niya!

“Oh? Bat parang nakakita ka ng multo?” – natatawang tanong niya.. Itinuro ko yung costume na hawak hawak niya!

“I-ikaw si Mr.Snowman?!!” – sigaw ko! Dahilan para marinig ko ang suway ng library namin! Napatakip ako ng bibig..

“Huh? Oo pano mo nalaman?” – nalilitong sagot niya, huh? Edi ibig sabihin inlove si Stan sa kapatid niya!

Hinila ko siya palabas ng library!

Pagkababa na pagkababa namin binitawan ko na siya! Mejo nagusot pa yung uniform niya dahil sa uniform ko siya hinila!

“Edi ibig sabihin inlove ka sa kapatid mo?!!” – sigaw ko sakanya, kumunot nanaman ang noo niya!

“Ano?! Baliw ka ba Abhie?.. Anong droga ang tinira mo? H’wag mo akong bibigyan!” – sigaw niya saakin habang tumatawa.

“EH IKAW NGA KASI SI MR.SNOWMAN!!” – sigaw ko! Ano ba naeexcite ako na hindi ko maintindihan!

“Oo nga ako nga si Mr.Snowman! Ano naman?! Aasarin mo rin ba ako?!!” -  sigaw niya!

Napalingon ako ng may tumawag kay Stan, si Tita A!

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon