1st

366K 5.2K 157
                                    

Zoe Kaila Esteban

"Zoe! yung pera na kinita mo nasaan na?" rinig kong sigaw ng nanay at kasunod nito ang kanyang mga yapak na papasok sa aking kwarto.

"Po? Ano Ma, naibayad ko na po kasi sa tution fee nila—" agad naman akong nakatanggap ng isang malakas na batok. Damang dama ko na umalog ang utak ko sa lakas ng pagkakabatok sa akin.

"Diba ang sabi ko ibibigay mo sa'kin lahat ng pera mo!? At bakit mo ba kasi pinag-aaral 'yang mga 'yan!?" Isang malakas na batok muli ang aking natanggap na halos magpalaglag sa akin dito sa kamang inuupuan ko.

"Ma, g-gusto po kasi n-nilang mag-aral." hinanda ko ang sarili ko sa isa pang hampas na matatamo ko. Halos araw-araw nalang akong nagaganito, kung hindi naman ganito, isang palo mula sa sinturon and natatanggap ko.

"Ay sus! Mabuti kung lumabas nalang sila diyan, mag-hamap buhay o mamalimos para naman may silbi sila!" Sinabunutan muna niya ako bago siya umalis ng kwarto, kahit papaano ay nasanay narin naman ako sa pananakit ng mga magulang ko sa'kin.

Araw-araw ka ba naman nilang ganunin, hindi ba't masasanay ka? Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko at lumabas ng kwarto para tignan ang tatlo ko pang kapatid, mamaya kasi sila na ang pinagbubuntungan ng inis.

"Ate Zoe! Kumain ka na po?" Bungad sa akin ng bunso naming si Jeric.

"Hindi pa, nasaan ang Ate at Kuya mo?" Tanong ko habang papunta kami sa lamesa. Inilibot ko pa ang paningin ko para hanapin si Mama at ang dalawa ko pang kapatid.

"Ate gumagawa po si Kuya Joshua ng assignment, pati rin po si Ate Melanie." sabi ni Jeric.

"Ganon ba? Tawagin mo muna sila para makakain na tayo." sabi ko, sumunod naman ito kaagad sa akin.

"Pa! Tama na po!" agad namang nakuha ng atensyon ko ang nagmamakaawang boses ni Joshua mula sa labas ng aming bahay.

Lumabas ako para tignan ang nangyayari. Nakatali ito ng lubid sa puno habang paulit ulit na hinahampas nang makapal na kahoy ni papa.

"Joshua!" agad akong humarang para sanggain ang mga palo ni Papa.

"Papa tama na!" sigaw ko. Masakit at malakas ang pagkakahampas nito sa akin na siyang mabilis na pagkapula ng parteng nalapatan.

Pinagtitinginan kami ng mga kapit-bahay namin at wala manlang magawa dahil takot din sila kay Papa.

"Umalis ka diyan, Zoe!" hindi ako umalis at tinulak si Papa. Agad kong kinalas ang pagkakabuhol ng lubid sa punong pinagtatalian nito at inakay si Joshua na punong puno na ng galos sa kanyang katawan.

"Ano bang problema niyong dalawa ni Mama at patuloy kayo sa pananakit sa'min? Hindi ba kayo naawa Papa? Huh?" sigaw ko kay papa.

"Aba't sasagot ka pa sa'kin ha!" isang masakit na sampal naman ang natamo ko, mabuti at napanatili ko ang balanse ko kundi ay matutumba kaming dalawa ni Joshua.

"Kailangang tumino 'yang kapatid mo! Sasagot sagot wala pa namang nararating!" bulyaw nito sabay dinuro duro si Joshua, naramdaman ko naman ang mahigpit na pag-yakap ni Joshua sa akin.

"Ano bang sinabi mo kasi?" Naluluha kong tanong kay Joshua.

"Aba, pinabibili ko ng alak doon? Ayaw sumunod? May ginagawa raw na assignment? Aral aral pa, sagabal lang sa oras yan at gastos pa!" sagot ni Papa at aambang hahampasin na naman si Joshua kaya hinarangan ko kaagad at niyakap.

"Bakit ikaw ba gumagastos? Kayo ba ni Mama huh? Hindi naman diba? Wala kayong ginawa kundi iyang mga bisyo niyo!" nanahimik ito pero kitang-kita mo parin ang nagliliyab na galit sa kanyang mga mata.

Guns and Obsession (Guns Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon