Prologue

297K 5.7K 629
                                    


"ALAM mo, Red, dapat naman kasi isuko mo na ang bataan mo kay Rogue. Matagal-tagal na rin naman kayo." Sabi ni Tesmarie na matalik na kaibigan ni Redora o mas kilala sa palayaw na Red. No one will dare to call her Redora dahil tiyak na maghahalo ang balat sa tinalupan. Ang bantot kasi ng pangalan niya. Hindi na niya pinagkaabalahan pang itanong sa kanyang ina kung bakit iyon ang naibigan ng mga ito na ipangalan sa kanya.

"Tesmarie, hindi pa ako handa," tugon niya sa kaibigan saka inisang lagok ang natitirang shooter niya sa baso. Kasalukuyan silang nasa isang bagong tayong bar sa Timog — The Rock ang pangalan ng bar. Niyakag siya Tesmarie sa naturang bar.

"Bente tres ka na. Pakunat na ang hymen mo. Baka hindi na makapasok diyan kapag handa ka na," natatawang sabi ni Tesmarie.

Napapailing na lang siya. Humigit kumulang na isang taon na rin silang magkasintahan ni Rogue. Minsan ay na-te-temp na rin siyang isuko ang pinakaiingatan niyang kabirhinan lalo't mahal naman niya ito, pero nanaig pa rin talaga sa kanya ang kagustuhan na ireserba ito sa unang araw ng kanyang kasal. Alam niyang mahal siya ni Rogue at handa itong maghintay. Lagi nitong sinasabi kung gaano siya nito kamahal at gan'on din naman siya sa kasintahan.

"Tumawag na ba sa 'yo si Rogue?" tanong ni Tesmarie.

"Hindi pa nga eh. Baka busy lang," tugon niya.

Dalawang linggo na mula ng magpaalam si Rogue sa kanya na tutungo ng Canada. Kailangan raw nitong puntahan ang mga magulang nito na nakabase sa Canada. Ang pagkakaalam niya ay doon rin lumaki ang kasintahan. Nagtungo sa Pilipinas para sa negosyo. Nagkakilala sila nito nang aksidente siya nitong mahagip ng sasakyan nito. Dinala siya ospital at simula n'on ay hindi na siya tinantanan. Ang bilis lang ng naging progress ng naging ligawan nila. Sinagot niya ito dahil type naman niya at talagang wala ka ng hahanapin pa sa lalaki. Bukod sa gwapo ay napakabait pa. At isa pa ay gusto na rin niyang maranasang magka-boyfriend. Ginugol niya kasi ang buong buhay niya sa pag-aaral at pagtatrabaho para naman makatulong sa pamilya.

"See. Baka naman may nahanap nang iba na kayang ibigay ang pangangailangan niya bilang isang lalaki."

"Tesmarie, puwede ba tigilan mo nga ako! Isa pa bubuhasan na kita ng alak!" Tinawanan lang siya ng kaibigan. Ang lakas talagang mang-inis ng bruha. Ito nga siya't medyo napapraning na talaga dahil mula nang umalis ito ay hindi pa talaga nagpaparamdam tapos ginagatungan pa ng kaibigan niya.

Sa gitna ng kuwentuhan nilang magkaibigan ay biglang nagkagulo. Dalawang grupo ng mga kalalakihan. Panigurado siyang dahil sa babae. Gan'on naman madalas ang pinag-aawayan ng mga kalalakihan kapag ganitong nasa bar. Selosan. O 'di kaya ay nabastos ang girlfriend. Muli niya ibinaling ang tingin sa kanyang baso na wala ng laman.

"Si Rogue 'yon 'di ba?" sabi ni Tesmarie habang nakatingin sa nagkakagulo. Mukhang pinagti-tripan na naman siya ng kaibigan. Sa bandang huli ay ibinaling pa rin niya ang ulo sa direksyong itinuturo nito. Napakunot-noo siya nang makita ang lalaki naka-leather jacket na maangas na naghahamon sa isang lalaki. Si Rogue nga.

Pero anong gagawin nito sa ganitong lugar? Kahit kailan ay hindi gusto ni Rogue ang nagpupunta sa bar. Hindi nga ito umiinom at naninigarilyo na isa sa mga nagustuhan niya sa nobyo. Samantalang ang Rogue na nakikita ng kanyang mga mata ay malayong-malayo sa Rogue na kilala niya maliban sa mukha nito. Kailan pa ito dumating? Bakit hindi man lang niya alam? Bigla ay napakaraming tanong sa kanyang isipan.

Dealing with My Ex's Twin (Published under RedRoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon