Chapter 7

355K 4.1K 101
                                    

Chapter 7

KEI'S P.O.V


Ayaw pa rin huminto ng luha ko kahit pa ilang minuto na ang lumipas magmula nang makapasok na kami ni Tom dito sa unit ko. This is so unbelievable. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na umiyak ako nang dahil sa isang lalaki. Kahit na sa dalawang past relationships ko ay never akong umiyak.

Inabutan ako ni Tom ng tubig at tissue, pero yung tissue lang kinuha ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil nakukuha ko ngayong umiyak sa harapan ni Tom.

"Are you in love with him?" wala sa sariling tanong niya sa akin. Pilit kong iniwasan ang mga mata niya dahil ayokong makita ang pagsusumamo niya sa akin.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at hinimas niya ang likod ko.

"Stop crying. Hindi bagay sayo ang umiiyak," pag-aalo niya sa akin.

"Hindi ko mapigilan," nafu-frustrate na sambit ko. Alam kong wala akong karapatang mag-iiiyak ngayon dahil wala naman kaming relasyon ni Kyle. Pero bakit pakiramdam ko ay para akong inagawan?

"Please, Kei, itigil mo na 'yang kaiiyak mo," may halo nang pagbabanta ang boses ni Tom.

"Umuwi ka na, Tom," pakiusap ko.

Tumayo siya sa harapan ko at huminga ng malalim. Mariin niya ring ipinikit ang mga mata niya. "I'm here, Kei. Will you please stop crying na parang siya lang ang lalaki sa mundo? I'm willing to wait at handa kong gawin ang lahat mapa-sa akin ka lang! Pero bakit sa kanya ka nagkakaganyan? Nakita niyang dalawang mata mo kanina kung paano makipaghalikan sa iba yung lalaki na 'yon."

Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Galit siya sa akin dahil sa inaasta ko.

Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan niya ang kamay ko. Maya-maya pa ay itinaas niya ang baba ko upang magtagpo ang mata naming dalawa. Bakas sa mga mata niya ang kalungkutan at pakiusap.

"Give me a chance, Kei. Bigyan mo ng pagkakataon tayong dalawa."

Hindi ako makasagot sa hinihiling niya. Pakiramdam ko naninigas ako ngayon sa kinauupuan ko. Paano siya? Paano si Kyle? Shit, iniisip ko siya kung kailan alam kong wala na. Ganun na lang 'yon? Pagkatapos niyang sabihin na mahal niya ako mawawala na lang siya? Akala ko ba gagawin niya ang lahat makuha niya lang ako?

Napakatanga ko, dahil ako naman ang nagpalayo sa kanya. Kaya wala akong karapatang magreklamo sa kung ano man ang inaasta niya ngayon.

Sa tagal kong nakatulala laking gulat ko nang maramdaman ko na lang na magkalapat na ang labi naming dalawa ni Tom.


KYLE P.O.V

Malalim ang aking paghinga. Aminin ko man o hindi pero sobrang bigat ng pakiramdam ko. Pinapalayo na niya ako sa kanya. Kita ko sa mga mata niya na ayaw niya sa akin at malaking abala lamang ako sa buhay niya.

Pinilit ko namang iwasan siya, pero parang lulubog ang puso ko dahil sa pagpapanggap ko na wala na akong pakialam sa kanya.

"You're in love, huh? May pahalikhalik ka pang nalalaman sa akin, gago ka." Narinig kong ngisi ni Tine sabay ibinagsak ang kanyang katawan sa sofa.

Ex-girlfriend ko si Tine at sa mga naging girlfriend ko, siya lang ang naging kaibigan ko ulit. Siguro dahil parehas kaming nagkakaintindihan at saka isa pa, nangako ako sa kanya na pipigilan ko ang engagement na ipinipilit sa kanya ng pamilya niya.

"I am not in the mood para makipag-asaran sayo," singhal ko at saka umupo rin sa sofa at binuksan ang TV. Inilipat-lipat ko ang channel n'on dahil lutang na lutang ang isip ko.

"Grabe ha? Ito ba ang kapalit sa panggugulo mo ngayon sa engagement party ko? Ang pagselosin ang kapitbahay mo?" halakhak niya. Bumaling ako sa kanya.

"Happy?" mapait na singhal ko na mas lalong nagpangisi kay Tine.

"Of course. Sa wakas, may kapalit na ako," pagyayabang niya.

Ngumisi ako. Kung tutuusin ay naging maayos naman ang relasyon naming dalawa ni Tine. Yun nga lang ay pareho kaming mas naging masaya nang magpasya kaming maging magkaibigan na lamang.

"Is she your first love? Yung childhood crush mo," usisa niya at para bang nae-excite kung magkukwento man ako.

"Yeah," matipid na sagot ko.

"Hmm, paano ba yan? Mukhang may boyfriend na siya." Punong puno ng galak ang pang-aasar sa akin ni Tine. Sa totoo lang ay nilalamon na ako ng selos ko. Hindi ako mapakali ngayong magkasama si Kei at yung Tom na 'yon sa unit niya.

"Tapos na ang palabas natin, quits na tayong dalawa ha? Aalis na ako dahil magba-bar kami ng barkada," aniya saka excited na tumayo mula sa sofa. Palabas na sana siya ng unit ko pero natigilan siya kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Ano kayang ginagawa nila ngayon doon sa kabilang unit? Naku, mukhang mauunahan ka ngayon ah," pang-aalaska ni Tine sa akin kaya naman mabilis kong ibinato sa kanya ang remote pero kaagad siyang nakalabas.

Para akong gago ngayon na panay ang lakad dito sa tapat ng unit niya. Nag-iisip ako kung pipindutin ko ba ang doorbell o hindi. Panay ang pagmumura ko ngayon sa isip ko dahil hindi ako makapagdesisyon. Nagsisisi ako dahil kaagad akong sumuko sa kanya.

"Shit," bulalas ko saka lumapit na ako doon sa doorbell, pero napahinto ako nang mapansin kong medyo nakaawang ang pintuan. Marahan kong itinulak iyon at halos hindi ko matanggap ang nakita ko.
Siya ang pinagseselos ko, pero bakit parang sa akin bumalik ang mga pinaplano ko kanina?



Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon