Panimula

7.3K 299 39
                                    



Siya si Park Chanyeol, kinababaliwan ng lahat sa campus nila. Cliché ba? Sino ba naman kasing hindi? Jack of all trades ata iyan. Noong nagsabog ng talents and looks galing sa itaas, gising na gising siya. Matalino, mayaman, makisig, sporty, tapos magaling pa sa iba't-ibang instruments katulad ng gitara, piano, at drums. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, may kulang sa buhay niya. Hindi ikaw, wag kang assuming. Sa kabila ng pagiging almost perfect guy, hindi niya makamit yung nag-iisang tao na gusto niyaㅡsi Byun Baekhyun.

Siya naman si Byun Baekhyun, hindi nerd, hindi rin sisiga-siga sa campus. Hindi gaanong kagwapuhan pero karamihan ng babae sa campus nila ay insecure sa kanya. Bakit kamo? Hindi lang kasi babae ang nahuhumaling sa kanya, pati na rin mga kalalakihan. He's pure, mas mahinhin pa siya kumilos sa ibang babae sa paligid niya, iyong tipong gugustuhin mo siyang alagaan at protektahan. Matalino si Baekhyun, kung marangya ang kanilang pamumuhay ay maagaw niya ang rank #1 kay Park Chanyeol. Oo, isa sa mga basehan sa paaralang pinapasukan nila ay ang katayuan sa buhay. Wala sa bokabularyo ni Baekhyun ang magkaroon ng girlfriend, lalo na ng boyfriend! Ang gusto niya lang ay makatapos ng pag-aaral at maiahon sa hirap ang pamilya niya.

Paano kung isang araw magkaroon ng detour lahat ng plano niya sa buhay? Will the Untouchable B remains untouchable? Or hahayaan niyang pasukin ng isang Park Chanyeol ang simple at tahimik niyang buhay?

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon