Unang Kabanata

5.6K 258 83
                                    



Park Chanyeol.

"Park Chanyeol, nasaan ka?" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko, iyong prinicipal pala at nakatayo siya sa tapat ng pintuan namin.

"Mrs. Park, bakit po?" Iyong president naming napakamapapel, kababaeng tao. Sabi nila may crush sa akin kaso natuturn off ako sa mga ganitong klaseng babae. Tsaka isa lang naman ang gusto ko eh.

"Mrs. Park, bakit niyo po ako pinapatawag?" Tita ko iyong principal namin dito pero hindi ko iyon pinagkakalat at hindi ako nagtetake-advantage sa pagiging pamangkin niya.

"Ah, maari mo bang ihatid itong class attendance ng 2B sa classroom nila?" Bago pa man ako makasagot at makatanggi ay umalis na siya.

Hays, si Tita talaga. Close kasi kami at alam niyang may nagugustuhan akong estudyante sa 2B kaya kapag may kaylangan siya sa kanila, ako lagi iyong ginagawa niyang messenger. Nawawalan ng silbe yung president namin dahil sa ginagawa niya. Katabing classroom lang naman namin iyong 2B kaya rinig na rinig ko iyong ingay na nanggagaling sa room nila.

Binubully na naman siya. Pero parang invisible lahat ng tao sa paligid niya. Iyong para bang hindi niya naririnig iyong mga pasaring para sa kanya. Isang tao lang naman ang pinapansin niya dito sa schoolㅡsi Oh Sehun. Noong una hindi niya rin naman pinapansin iyon, kalaunan nagulat na lang kami na close na pala sila. Ano bang meron sa kaniya na wala sa akin para hindi niya ako pansinin? Maging bulol na rin kaya ako?

"Hi, Chanyeol!" Hindi ko alam na may nagbukas na pala ng pintuan ng classroom nila. Bukas iyong first two buttons ng uniform nitong babae na ito. Ano bang akala niya sa school namin?

"Pwede ko bang makausap president niyo?" Pero imbis na sagutin ako ay mas lumapit siya sa akin. No, mas nilapit niya sa akin iyong dibdib niya. Sa totoo lang naiilang ako, hindi ako naaakit sa ginagawa niya kaya tinulak ko na lang siya ng bahagya at diretsong pumasok sa room nila.

Natahimik naman sila dahil sa biglaang pagpasok ko. May naabutan pa akong may hawak ng eraser at nakatutok sa ulo si Baekhyunㅡna kasalukuyang nakadukdok ang ulo sa arm rest ng kanyang upuan.

"Ipagpaumanhin mo na ang pangingielam ko pero maari kang ipasuspend sa school na ito sa loob ng isang linggo dahil sa pananakit ng kapwa mo kaklase," mukhang natakot naman siya sa sinabi ko at naupo na sa upuan niya. Mabuti naman.

"Hey, Chanyeol! What brings you here?" Nginitian ko si Tiffany. Siya iyong class president ng 2B, medyo annoying pero we somehow get along kasi mabait naman siya.

"Tiffany, may pinapaabot kasi si Mrs. Park, class attendance niyo raw."

"Ay, gano'n ba? Pero hindi na kasi ako iyong president ng class namin kaya wala na akong karapatan na kunin iyan sayo. Wait lang, tawagin ko," dali-dali naman siyang naglakad sa kinaroonan ni Baekhyun.

Si Baekhyun ang bago nilang president?!

"Uy, Baek! Pwede bang pakikuha ng class attendance natin kay Chanyeol? Since ikaw yung bagong na-elect na president, isa sa mga responsibilidad mo iyon," akala ko dededmahin niya lang si Tiffany pero nagulat ako nang tumayo siya sa upuan niya at pumunta sa kinaroroonan ko.

Ako lang ba o parang kumikinang siya at bumabagal ang lahat ng mga kumikilos dito? Madalas ko siyang pinagmamasdan pero kakaiba yung aura niya ngayon. Ang ganda. Sobra.

"Uhm? Pwede ko na bang makuha?" Pinagmasdan ko muna iyong kamay niya, ang ganda talaga nito. No wonder napagdidiskitahan palagi ito ni Kai kapag sinusundan ko siya.

"A-ahh, sure," nanginginig kamay kong inabot sa kanya iyong folder na naglalaman ng class attendance nila.

"Salamat," kung pwede lang akong tumalon, ginawa ko na! Nginitian niya ako! Ni minsan hindi ko nga naisip na kakausapin niya ako dahil nga siya si Untouchable B tapos nginitian niya pa ako? Pero syempre bawal akong tumalon at magsisigaw dito kasi baka matakot sila kaya lumabas ako ng room nang pigil ang hininga at namumula ang tenga.

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon