Ikalawang Kabanata

3.7K 209 58
                                    



Park Chanyeol.

Ewan ko ba kung anong trip sa buhay ni Yoora noona at pinapapunta ako sa kumpanya namin. Bigla siyang tumawag kanina dahil emergency at urgent daw kaya kaylangan kong dumating doon as soon as possible. Nako, kung alam ko lang yayayain na naman niya akong mag-shopping.

"Good afternoon, Sir Chanyeol," nginitian ko na lang siya at sumunod dahil kanina pa raw ako hinihintay ni Yoora noona. Nasa tenth floor pa ng building iyong office niya kaya matagal-tagal rin ang masasayang kong oras bago makarating doon. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may nakabangga sa akin na hindi ko inaasahang makikita dito sa company.

"Baekhyun," tinulungan ko siyang damputin lahat ng mga dala niyang nalaglag dahil sa pagkakabunggo sa akin. "Anong ginagawa mo rito?"

"A-ah, mauna na ako," pero hindi ko na siya hinayaan this time na basta na lang akong talikuran. Sorry, Baekhyun pero nasa teritoryo kita.

"Alam mo bang anak ako ng may-ari ng lugar na tinatapakan mo ngayon?" I didn't mean to sound rude pero ayoko na kasing palagpasin itong pagkakataon na ito. Bakit ba iwas na iwas siya sa mga tao pero pagdating kay Sehun ibang side ang pinapakita niya?

Pilit niyang tinanggal iyong pagkakahawak ko sa kamay niya at matalim akong tinignan. "Alam ko, Chanyeol."

"S-sorry. Pero bakit ka ba kasi nandito?"

"Nag-aapply ako ng trabaho," napaiwas siya ng tingin sa akin.

"Trabaho? Bakit? Scholar ka naman sa school diba? Para saan? Natanggal ka ba sa pagiging scholar? Diba rank #2 ka? Paano—"

"ㅡhindi mo ako maiintidihan kasi mayaman ka!" Whoa, there. Nagulat ako, miski iyong kasama ko at iyong mga nakakakita sa amin. No one dared to shout at us, not inside our territory. "S-sorry."

"Sige na, mauna ka na sa office ni Yoora noona. Susunod ako, pakisabi na lang," patungkol ko doon sa secretary ni Yoora noona at dali-daling hinila si Baekhyun pabalik sa elevator.

-

-

Hingal na hingal kami parehas nang makarating sa parking lot ng building na ito. Hindi ko alam bakit ko hinila si Baekhyun dito pero one thing for sure is: I want to hear him out. Nakakatuwa kasi hindi siya nagpumiglas, sumunod lang siya sa akin, I mean, nagpahila lang siya sa akin. Ang lambot ng kamay niya, ang sarap hawakan buong araw.

"Hop in," utos ko at mabilis naman siyang naupo sa loob ng sasakyan ko. Pagkapasok ko sa loob, rinig na rinig ko iyong malalim na paghinga ni Baekhyun sa shotgun seat. "Now, tell me bakit ka naghahanap ng trabaho?"

"Chanyeol, paki-unlock. Bababa ako," nakayuko lang siya, hindi ko alam kung anong iniisip at itsura niya ngayon.

"Ayaw ko," ayaw ko ng maulit iyong nangyari noong nakaraan na bigla na lang silang nagwalk-out ni Sehun palayo sa akin na parang may nakakahawa akong sakit.

"Chanyeol naman," this time napatingin na siya sa akin, madilim dito pero kitang-kita ko iyong pagkinang ng mga nagbabadyang luha sa mga mata niya. "Gusto ko na umuwi. Please naman."

Pero nagmatigas ako kahit sobrang nanlalambot na ako sa pakiusap niya. Hinawakan ko iyong dalawang pisngi niya at hinaplos iyong, ang lambot ng balat niya sobra. "Please lang din, Baekhyun. Kahit ngayon lang, let your guard down. I want to help you, wala si Sehun ngayon dito. Kahit ngayon lang Baekhyun, please," I can't believe this. I am Park Chanyeol, the man of your dreams, nagmamakaawa sa isang taong hindi naman nakikita ang halaga ko. Tsk. Gusto ko ako ang maging rason sa bawat ngiti sa mukha ni Baekhyun pero hindi ko naman inaasahan na iiyak siya ngayon, dito sa harapan ko.

"Chanyeol, hindi mo kasi naiintindihan eh," binitiwan ko na iyong pisngi niya at humawak ng pagkahigpit-higpit sa manibela ng sasakyan ko.

"Paano kita maiintindihan Baekhyun kung ayaw mong magpaintindi sakin?" Napasabunot na lang ako ng buhok ko. Nakakafrustrate. Akala ko mag-oopen up na siya sa akin pero hindi pa rin pala. Isang mahinang tunog. Senyales na na-unlock na iyong pintuan ng sasakyan ko. Nakakapagod mahalin si Baekhyun. Alam ko namang ngayon pa lang kami nagsisimulang magkakilanlan pero eto ako ngayon, sumusuko na. Ano ba naman kasing laban ko sa taong ayaw naman magpaintindi sa akin diba? Ayaw ko namang ipilit iyong gusto ko. Si Baekhyun pa rin naman iyan. Iyong taong pinagpapantasiyahan ko ng dalawang taon. Ayaw kong magkaroon siya ng negative impression sa akin kaya as much as possible hindi ko na ipipilit iyong gusto ko. "Sige na, pwede ka ng lumabas. Pasensiya na sa pangungulit," pagsuko ko. Siguro masyado lang akong pagod nitong mga nakaraang araw kaya ako ganito.

Akala ko lalabas na siya pero walang Byun Baekhyun na umalis sa upuan bagkus nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Ako naman ngayon ang naguguluhan, akala ko ba gusto na niyang umalis? Ang gulo niya kaya mas lalo akong naiinis. "Baekhyun, lumabas ka na. Hindi na kita pipiliting mag-open up sa akin. Sige na," bahagya ko pa siyang tinulak pero hindi siya natinag sa eye contact namin.

"M-may sakit kasi si Mama kaya kaylangan ko ng trabaho."

"Huh? Anong sakit ng Mama mo?"

"Breast cancer. Stage 3." Bakit sa mga mabubuting tao pa katulad ni Baekhyun dumadating iyong mga ganitong problema? Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil may pag-asang maging close kami dahil dito kaso buhay ng Mama niya iyong nakasalalay.

"I'll pay for everything. Bukas na bukas dadalhin natin siya sa ospital nila Suho hyung," pagdedeklara ko without thinking twice kaya nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Mahigpit, sobra. Masakit pa nga eh.

"Hindi, Chanyeol. Ayaw ko. Maghahanap ako ng trabaho. S-stage 3 pa lang naman eh," napangisi na lang ako.

"Stage 3 pa lang? Naririnig mo ba ang sarili mo ha, Baekhyun? Makapagsalita ka parang stage 1 lang iyon ah."

"Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sayo," ouch lang iyan pa talaga naisip niya.

"Then pay for it once na magkaroon ka na ng pangbayad."

"Ayaw ko talaga, Chanyeol. Thank you na lang for considering it," nakakainis. Bakit ba tanggi siya ng tanggi?!

"Goddamnit, Byun Baekhyun!" Nagulat siya sa pagsigaw ko. Kahit ako nagulat sa ginawa ko. Nasasagad na kasi ako dito kay Baekhyun. "Don't be too hard headed. We'll bring your Mom tomorrow sa ospital sa ayaw at sa gusto mo. Now, leave my car and be home safely," ako lang ata iyong galit na nakukuha pa ring maging ganito. Hay Baekhyun, you're driving me nuts.

"O-okay," pagsuko niya at unti-unti ng kumikilos para sundin ang utos ko pero bago pa siya makaalis sa kinauupuan niya ay mabilis ko siyang hinila para mayakap. God knows how long I've been waiting for this moment to happen kaya lulubusin ko na.

"I'm sorry for shouting at you. Hindi ko iyon sinadya, believe me," naramdaman ko namang tumango si Baekhyun kaya kumalas na ako sa pagkakayakap at hinalikan siya sa noo. Forehead kisses are the sweetest, am I right? Mas lalo akong naiinlove sa kanya kapag nakikita kong ganito siya, fragile. "Take care. I'll fetch you tomorrow in your house."

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon