Chapter 1.

12K 451 169
                                    

Chapter 1.


Callixte's POV.



"Hi, Porsche!" Napalingon kami ng mga kaibigan ko sa hallway kung saan naglalakad si Porsche. Damn it. I hate this girl!




"Hello, Arvin! Kamusta ka?" Bati ni Virgin Mary. Inabutan siya nung Arvin ng isang rosas at tinanggap niya naman ito. "Wow! Salamat, Arvin! God bless you!" Napairap nalang ako dahil sa kabaitan ni Porsche.



Binuksan ni Porsche ang bag niya at kitang kita kong puno ito ng mga bulaklak, pagkain at kung ano ano pa. This girl has lots of admirers and I don't fucking understand why!



"Wow, pare. Sobrang ganda at bait talaga ni Porsche!" Jake said.




"Yeah, I know. Feeling ko magiging santa 'yan." Nag-highfive sina Jake at si Paolo.





"Tangina 'wag niyo ngang pagusapan 'yang si Virgin mary." Napairap ako sa kawalan. Damn it. I don't even know why I hate this girl!




"Hi Porsche!" Bati ng mga kaibigan 'ko nang dumaan sa harapan namin si Virgin mary. Tss.




"Hello! Musta?" Bati ni Porsche.



Napatingin ako sakanya at nakita 'kong nag-iwas siya ng tingin and I caught her rosy cheeks getting more reddish than the usual. Tss. Kinilig na naman sa akin.




"Porsche! Pinapabigay ni.. Uhm.." May isang higher year na tumakbo papalapit kay Porsche habang may dalang boquet ng rosas.




"Uy, hala! Kanino naman 'to galing? Para sa akin ba talaga?" Nakita 'ko ang panlalaki ng mata ni Virgin mary.




"Kay Romeo Estrada, number 4 sa basketball team A. Panuorin mo daw siya later may laban sila, 7-9pm College of Architecture ang kalaban." Umalis ang lalaki pero si Virgin mary mukhang di parin makapaniwala sa nangyari.



"Hey, una na ako ha. Wag kayong magpapa-late." Kumaway siya sa mga kaibigan 'ko. Napatingin siya sa akin pero inirapan 'ko lang siya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin at naglakad na papalayo dala-dala ang boquet niya.




"Tangina mo naman dude! Bakit mo inirapan?" Natatawang tanong ni Paolo sa akin.





"Tss. Tara na nga! Yung mga babae ko sa room naghihintay na!" Nauna akong tumayo at sumunod na naman sila.



Well unfortunately, blockmate ko si Porsche for the whole sem. Badtrip nga eh. Pero siya halatang masaya. Tss. I really do hate her. Sana next year ay mag-shuffle ulit at hindi ko na siya maging blockmate.




Pagpasok ko sa room ay as usual, nakapaligid ang mga lalaki kay Porsche at ang mga babae naman ay nakapaligid narin sa arm chair 'ko. Hindi naman magaganda ang iba dito! Kakapal ng mukhang dumikit sa akin!




Dumating ang prof namin kaya bumalik ang lahat sa kani-kanilang upuan. Panay ang tingin ko kay Porsche na nagsusulat ng notes at halatang focused na focused sa pakikinig kay Prof.



Nagsulat ako sa maliit na papel, 'you're so ugly' at pinapasa ko ito nang makarating kay Porsche.





PORSCHE'S POV.


Napasimangot ako nang may magbigay sa akin ng maliit na papel. At ang nakalagay ay 'you're so ugly' Ouch naman.



"Jera, sinong nagbigay?" I asked my seatmate na nagpasa sa akin ng papel.



"Si Callixte daw, eh. Ano ba nakalagay?"




Parang nadurog ang puso 'ko. I bit my lip hard at tinago nalang ang kapirasong papel na iyon sa bag 'ko. Pinigilan 'kong lumabas ang mga luha 'ko. Bakit ba ayaw niya sa akin? Ang daming nagkakagusto sa akin pero bakit siya? At.. Wala naman akong ginawa for him to hate me. Never.. As in, never ko siyang in-approach kahit gusto ko siya.




May nagtanong lang sakin one time kung sino ang crush ko at sinagot ko lang naman with full honesty kasi hindi ko naman ugaling mag-sinungaling. Tapos nung kumalat iyon, ayun na. Ewan ko. Naging hate na ako ni Callixte at hindi ko maintindihan kung bakit.




Dismissal na at patungo ako ng locker room. Wala na masyadong tao dahil 7pm na. Sadlife, laging gabi ang uwian 'ko. Huhuhuhu.



Pagbukas ko ng locker room, hindi na ako nagulat na punong puno na naman ito ng mga letter, bulaklak at mga chocolates. Napangiti nalang ako at napailing. Pwede na akong magtayo ng garden sa sobrang dami kong natatanggap na bulaklak.




"Hoy Porsche!" Nabigla ako nang may biglang tumawag sa akin na halatang galit. Nilingon ko ang tatlong babaeng taga higher year. Sila Nadine, Clarisse at Kaila. Ofcourse I know them!




"B-bakit?" Nakaramdam ako ng matinding kaba. Oh god. Please no..





"Halika nga ditong malandi ka!" Nagulat ako nang sabunutan ako ni Nadine at tinulak sa lapag kaya napahiga ako. Shocks!



Hindi ako pumalag pero randam na randam 'ko yung kaba at takot. Nabugbog na ako.. Nabubugbog ako.. At ayoko ng maulit uli.




"Please 'wag.. Tama na.." Ang tanging nasabi 'ko.



Pinagsisipa ako nina Clarisse at Kaila habang si Nadine nakahawak ng mahigpit sa mga braso 'ko. May sumapak ng dalawang beses sa mukha ako and I felt my nose and lips bleeding. Oh my gosh.. Naranasan ko nanaman yung ganitong feeling and it hurts so bad.



I tried my best na tumayo at isinuka ko lahat ng dugo. Pinahid ko ang buong mukha 'ko ng wet wipes at naramdaman ko ang sobrang pagkirot nito.




Kinuha ko lahat ng gamit ko sa locker at umalis na. Nakasalubong ko pa si Callixte sa hallway kaya ngumiti ako sakanya pero parang sumimangot siya sa akin. Pinahid ko ang luha ko at mas binilisan ang lakad. Bakit pa ba ako umiiwas? Eh sa paningin niya panget ako. Nabugbog or not, for him i'm ugly.




"Teka, nahulog mo." Humarang siya sa nilalakaran 'ko at inabot ang isang book.




I smiled at him, "Salamat."




"What happened?" He asked kaya biglang kumalabog ang puso 'ko. Wow! Sa ilang buwan 'ko siyang nagustuhan, ngayon lang niya ako kinausap!




"Huh? Anong meron?" Painosenteng tanong 'ko. Nahalata niya kayang nabugbog ako?





Hinawi niya ang buhok 'ko at tiningala ang baba 'ko. Napasimangot siya lalo nang makita sigurong wasted ang mukha 'ko.





"A-ahh." Inalis ko ang mukha 'ko sa pagkahawak niya.




"Ano 'yan? Nakipag-away ka?" Tanong niya.




"Mukha ba akong marunong makipag-away?" I jokingly frowned at him. "Wala 'yan! Uhm, nauntog ako kanina sa locker 'ko eh. Ang sama nga ng pagkakauntog—"





Napatigil ako sa pagsasalita ng kaladkarin ako ni Callixte. Hala! Anong ginagawa niya? Ang higpit ng pagkakahawak niya sa palad 'ko habang mabilis kaming naglalakad.





"Callixte! Uy! Saan tayo pupunta?" Tanong 'ko habang nagpapatianod sakanya.




"Sa clinic. Mukha 'kang gusgusin, Porshe. Ipagamot mo 'yan. Tss."



Lihim akong napangiti. Ito ang first interaction namin... Ever. Hehe. Salamat kila Nadine at binugbog nila ako.

Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon