Ika-anim na Kabanata

3.3K 184 34
                                    



Park Chanyeol.

"Ay, wala na po bang mas malaki pa dito?" Tanong ni Baekhyun doon sa landlady. Pang-limang apartment na itong pinuntahan namin. Sa unang apartment pa lang okay na ako, si Baekhyun lang iyong hindi. Naliliitan kasi siya. Talo niya pa ako. "Yeol, ang liliit kasi ng mga apartment dito eh. Gusto mo hanap pa tayo?"

"Y-Yeol?" Nakatangang tanong ko sa kanya, pinitik na lang niya ako sa noo bago nagpaalam doon sa landlady. Ayaw niya pa rin nung apartment na iyon Sa limang napuntahan naming apartment iyon na iyong pinakamaayos para sa akin eh. Para naman akong tuta na sumusunod sa kanya, may hawak kasi siyang listahan ng mga apartment na available.

"Yeol. . . Chanyeol. Nakakapagod kaya banggitin pangalan mo. Ang haba, parang sa akin. Baekhyun. . . Kaya Baek na lang itawag mo sa akin," napatigil ako sa paglalakad noong humarap siya sa akin at ngumisi, "Baek. . . Yeol. . . Diba ang cute?"

"Baek. . . Yeol. . . Diba ang cute?"

"Baek. . . Yeol. . . Diba ang cute?"

"Baek. . . Yeol. . . Diba ang cute?"

"Baek. . . Yeol. . . Diba ang cute?"

"Baek. . . Yeol. . . Diba ang cute?"

Hindi ko alam kung ano iyong cute. Kung iyong Baekyeol ba o si Baekhyun mismo. Ang cute cute niya kanina grabe. Ay teka, kaylan ba siya hindi naging cute sa mata ko?

"Hindi ba mas okay iyonh Chanbaek?" Mas masarap kasi pakinggan iyong Chanbaek kaysa Baekyeol eh. Kahit si Yoora noona mas trip iyong Chanbaek.

Napakamot siya sa ulo saglit at nagpatuloy sa paglalakad. Tignan mo! Cliffhanger! "Chanbaek ka, Baekyeol ako. Tara na nga!"

-

-

"Baek, pagod na ako. Kain na muna tayo," at napahawak ako sa tuhod ko dahil hinihingal na ako kakalakad. Nasa tenth apartment na kasi kami ngayon pero wala pa rin siyang nagugustuhan. Sabi ko lang naman sa kanya kanina samahan niya ako hindi siya na mismo mamili ng apartment eh.

"Hmm, sige. Fast food na lang tayo. Kumakain ka ba doon?" Umiling ako. May chef kasi kami sa bahay. Kahit doon sa room na tinatambayan namin sa school may nagseserve ng pagkainㅡchef nila Suho hyung. "Hala! Pwes ngayon kakain ka! Magtipid ka! 30 days kang abandonado ngayon ha!"

"Paano mo nalaman?" That made him startled pero he just shrugged at nauna na namang maglakad papunta sa isang fast food chain. Oh well. Baka kumalat na ang balita sa campus na pinalayas ako sa bahay. Pero up to that extent yung gossip? Unbelievable.

"Ako na lang oorder tutal naman first time mo dito," maglalabas na sana siya ng wallet pero pinigilan ko siya. Sabi ko ako na oorder at sabihin na lang niya sa akin iyong pwede naming kainin dito. Kasi for me considered first date na namin ito kaya I won't let him pay for our food.

Medyo natagalan ako sa pag-order kasi paulit-ulit iyong cashier sa pagpa-punch ng order ko. Ewan ko kung nagkakamali ba talaga siya or sinasadya niya para tumagal ako doon sa counter. I had to call their manager pa para maasikaso na yung order ko. Pag-upo ko sa table namin ni Baekhyun kulang na lang umabot sa lamesa yung nguso niya sa haba. Ugh! Bakit siya nagpapacute!

"What took you so long? Gutom na gutom na ako."

"Sorry po, Young Master Baekhyun. Ang tagal po kasi ng cashier. Masyado atang nabighani sa charms ko," kinurot na lang niya ako at nagsimulang kumain. Ang dami ng inorder ko kasi iyon lahat iyong sinabi ni Baekhyun na bilhin ko, no wonder ang chubby niyang tignan. Sunod-sunod iyong subo niya ng pagkain, ako naman nakatingin lang sa kanya habang iniinom ang cola ko.

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon