Chapter 66

316K 8.5K 1K
                                    

Chapter 66

Retreat

Napahilot na lang agad ako sa noo ko. Damn! Hindi niya pwedeng ligawan si Abigail!

"Akin lang si Abigail." sabi ko.

Bigla namang may humampas na unan sa mukha ko.

"Sayo? Paano?!" tanong naman ni Bobbie habang nakataas ang kanyang isang kilay.

"Baliw ka na talaga, Christan! Pag katapos mong ipamukha sa tao na hindi mo na siya mahal, ngayon aangkinin mo?!" dagdag pa niya.

"Ewan ko... Basta ang alam ko lang ngayon ay ayaw kong mapunta siya kay Calix." mapait kong sabi.

"Bakit naman? Hindi ba sabi mo noon na kung may pagkakatiwalaan kang tao na alagaan si Abigail mo, e si Calix yun?"

"Oo nga... pero hindi ganoon. Ibang usapan na yung ligaw, Bobbie." utas ko habang naiiling.

"Chris, ikakasal ka na. Let her go. Kitang kita naman na nag mu-move on na siya sayo." aniya.

"No. I won't let her go." saogt ko kay Bobbie. Siya naman ngayon ang naiiling.

Kung may panghahawakan ako, isa lang. Iyon 'yung pagmamahal ko kay Abigail.

"Are you hearing yourself? Paano 'yung pakakasalan mo ha?"

"Wala. Wala akong pake. Si Abigail lang ang gusto ko." tahasang sagot ko dito.

Oo pakakasalan ko 'yung babae na iton pero hindi ibigsabihin na kakalimutan ko na si Abigail, at mas lalong hindi ibigsabihin nun ay titigil ako sa pagmamahal ko sa kanya.

Hinding hindi mangyayari iyon.

Kahit pa sa malayo... nandito lang ako at mamahalin siya.

"Christan, nangyayari na 'yung gusto mo. You want her to move on, right? You want her to forget about you. It was all happening, pero umaarte ka ngayon na taliwas doon." ani Bobbie.

Naupo ako at napahawak ulit sa ulo ko. I just can't imagine how fucked up my life is right now.

"I don't know. Hindi ko lang kasi kaya... Parang mababaliw ako kapag napunta siya sa iba."

-

Frans Abigail's POV

Nakahanda na 'yung mga gamit ko para sa retreat. Ngayon naman ay nag aayos na ako dahil kailangan na din naming umalis ni Calix maya maya.

Napatingin ako roon sa bulaklak na binigay ni Calix sa'kin.

Wala naman sigurong mali na bigyan siya ng chance.

Naisip ko din kasi na... kung dati nahulog ako sa kanya... Hindi naman imposibleng bumalik yun hindi ba?

Biglang may kumatok sa pinto kaya binuksan ko iyon.

"Are you ready?" tanong ni Calix.

Tumango ako at binitbit na yung bag ko.

Two days din ang retreat namin. Sa Zambales iyon gaganapin. Ayaw ko sanang sumama, pero naisip ko na sayang yung incentives at saka maganda rin na ma-experience ko 'yun.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon