CHAPTER 157

3M 72.3K 73.9K
                                    

DEIB'S POV

Hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman ko.

Bakit kailangang magkasabay sabay kasi? Tsk!

Pero aaminin kong nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Mommy kay Noona.

She's the best Mom in the world.. in the whole world.

Napapayuko'ng napabuntong-hininga na lang ako dahil sa pangyayari'ng 'yon.

Sandali'ng katahimikan ang nangibabaw sa pagitan ng lahat na agad rin namang binasag ni Daddy.

"What are your plans??" salubong pa rin ang kilay na tanong ni Dad kay Randall na agad namang tumingin sa kaniya.

"I-I'll take care of them, T-Tito.. Dein and our child, I'll take care of them.." napapayuko pa ri'ng sagot ni Randall pero tumango tango lang si Daddy sa kaniya.

Hindi na nagsalita pa si Daddy at napapunas sa sarili'ng bibig at saka tumingin sa magkayakap pari'ng sina Mom at Noona.

Agad namang naitingala ni Noona ang paningin niya kay Dad at nagsalubong ang tingin nila.

Bakas pa rin ang disappointment sa mukha ni Daddy at talaga'ng nangingilid pa rin ang mga luha niya.

Umiling ng ilang beses si Daddy at saka inilahad ang dalawa'ng kamay niya kay Noona, senyales na inaantay nito'ng papayakap na lumapit si Noona sa kaniya.

"D-Daddy.." napapahikbi pa'ng usal ni Noona at saka kumalas sa pagkakayakap ni Mommy at saka patakbo'ng yumakap kay Daddy.

Mabilis siya'ng sinalubong ni Daddy ng yakap at bagaman hindi ako ang yakap yakap ni Daddy na 'yon ay nakikita ko kung gaano'ng kahigpit ang yakap nila sa isa't isa.

Napakasarap sa pakiramdam ko ang pagmasdan sila sa itsura nila ngayon.

Kanina ay akala ko palalayasin na nila ng tuluyan si Noona sa puder nila dahil makikita't mararamdaman mo talaga ang galit kay Daddy at mababasa mo naman ang hinanakit kay Mommy.

"Tsk tsk tsk.."

Bahagya ako'ng napalingon sa tagiliran ko at napatingin ako kay Chairman!

G-Galit pa rin siya..

Iiling-iling si Chairman habang nakatingin kila Dad at Noona!

Sa gawi'ng 'yon ay napasulyap rin ako kay Lolo at hindi nalalayo sa reaksyon ni Chairman ang reaksyon niya.

Bahagya ako'ng nakaramdam ng lungkot.

H-Hindi lahat ay natanggap..

Nagkalas sa pagkakayakap sina Daddy at Noona.

Pinunasan pa ni Daddy ang mga luha sa mukha ni Noona at saka hinawakan siya sa magkabilang balikat at pinagmasdan pa ang buo niya'ng mukha.

"I-I'm still mad.." tatangu-tango'ng dagdag ni Daddy. "P-Pero naiintindihan ko'ng hindi 'to ang tama'ng oras para pasamain ko ng p-pasamain ang loob mo, hindi lang makabubuti sa lagay mo.."

"D-Dad.."

"H-Hindi rin naman maganda'ng m-may sama ako ng loob sa inyo habang dinadala mo ang.. m-magiging apo ako sa s-sinapupunan mo.. Galit ako hindi dahil sa baby. Galit ako dahil hindi mo sinunod ang mga sinabi ko.. ang mga pangaral ko.. P-Pakiramdam ko ay n-nabalewala 'yong mga.." napabuntong-hininga pa si Daddy dahil muli'ng tumulo ang mga luha niya. "..paraan ko ng pagpapaalaala sa'yo.."

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon