Chapter 2.

9.1K 379 63
                                    

Chapter 2.


"Nako Porsche. Every month ka na lang nabubugbog ah. Sino na naman ba 'yan this time?" Natawa ako sa sinabi ni Nurse Kara. Suki ako dito noon kasi lagi akong nabubugbog, naiinjure and etc.




"Ewan 'ko 'din ate, eh. Pero hayaan mo na ang Diyos sa kanila." Ang tanging nasabi 'ko. Hindi 'ko naman kayang gumanti at hindi ko kailanman gagawin 'yun.



Revenge don't satisfy me. Forgiveness does.



"Stop being too angelic, Porsche. Kaya ka inaabuso eh." Seryosong sabi ni Nurse Kara.




"Hindi na, ate. Nothing serious naman sa wounds 'ko diba? Gagaling din 'yan. Chill ka lang." I smiled and lightened up her mood kasi halatang galit siya dahil nabugbog na naman ako.



"File an incident report or I will. I'm serious, Porsche. Pang-apat na bugbog na 'to. Kailan ka ba matatauhan bata 'ka? Napakabait mo masyado! Naku!"




"Ako na po ang magfi-file, Nurse. I'm sure hindi po 'yon gagawin ni Porsche." Anang Callixte. Nagkatinginan kami pero inirapan niya lang ako. Shungit.



"Yie! Dream come true mo 'to, Porsche. Napansin ka na ni Callixte!" Nakangiting sabi ni Nurse Kara sa akin. Oh my goosshhh! Nakakahiya kay Callixte!




"Ano ka ba, Ate! Nakakahiya.." I hissed. "Anyway sige na, bye bye! Ingat ka Ate! I love you!" I hugged Ate Kara and kissed her cheeks.




She just giggled and kissed my cheeks back, "Sweet mo talaga Porsche. Swerte magiging first boyfriend mo! Ingat!"




"Yuups! Bye ate!" I waved goodbye at lumabas na kami ni Callixte sa clinic. "Callixte, sige na. Bye! Ingat ka ha?" Sabi 'ko nang makarating kami malapit sa gate 1.




"Mag file muna tayo ng incident report bago ako umalis." Seryosong sabi niya.




"Hindi na kailangan. Okay naman na ako? Kawawa naman yung mga babaeng nambugbog sa akin kapag—" naputol ang sasabihin 'ko nang bigla siyang magtaas ng boses.




"Damn it, Porsche! Just do it! Don't act as if ayaw mo din where in fact sa dulo ng utak mo ay gustong gusto mo din gantihan ang mga nambugbog sa'yo! Paawa ka pa, eh!" Aniya at nauna siyang maglakad.



I sighed heavily at napilitang sumama sakanya. Lagi nalang akong nahuhusgahan kahit malinis ang intention ko. Sa totoo lang, oo gusto 'ko. Gusto 'kong mag-file ng incident report kaso baka pag nangyari 'yon, bugbugin nila ako ulit. O kaya, ma-kick out sila. At ayaw ko naman nun! Ano yun, nang dahil lang sa kaartehan ko, masisira 'ko ang future nila? 'Di 'ko maatim iyon. Di kakayanin ng konsensya 'ko.




Nakarating kami sa Dean's office. Ayaw ko talagang magsumbong. Huhuhuhu. Help!




"Ms. Kaligayahan! What happened to you?!" Napatayo si dean sa kinauupuan niya nang makita ako.




"Heheh, hi dean. Ano lang.. Natamaan ako ng bola—"





"May group of girls po na bumugbog sakanya. Sa locker room. Around 7-7:30 pm." Matigas na sabi ni Callixte.



Napanganga si dean at halatang nagulat, "Are you serious?! Nakilala mo ba sila, Porsche?"





Opo sina Nadine, Clarisse at Kaila! "Naku, hindi po eh. Sayang po. Kaya hayaan nalang po natin? Aamin din po ang mga 'yon."




"My god, Porsche. Sign this up." May pinasulat sa akin si dean na incident report at napilitan akong sulatan iyon. "What happened? Please.. Porsche, be honest. Please." Natawa ako dahil ilang beses na nag-please sa akin si Dean.




"E.. Yun nga po, nantrip lang siguro? Basta po, ano.. Yun. Sinapak nila ako." ngumiti lang ako kahit sumasakit ang lips 'ko kapag naiistretch ito. "Dean, hayaan nalang po natin. Please? Kapag po inulit nila, saka nalang po natin sila bigyan ng offense kapag naulit. Kasi po.. Baka.. Baka pag nalaman nila na nagreport po ako, baka po mas lalo nila akong abangan. Baka po this time, mas malala na yung gawin nila sa akin."



Dean sighed at napailing, "'Di ko 'to pwedeng palagpasin, Porsche. Aaksyonan namin 'to. Don't worry, Hija. You'll be safe. Okay? 'Wag 'kang magalala." Anang Dean and caressed my head. "Ang bait mo kasing bata 'ka, kaya ang dami mong haters." Natawa naman ako sa sinabi ni Dean.



Pinauwi kami ng dean after that. Nahihiya akong iapproach si Callixte dahil alam kong ayaw niya sa akin.



"Callixte!" I called out his name. Napatigil siya sa paglalakad. Naglakad ako patungo sakanya at niyakap siya mula sa likod. Naoverwhelm talaga ako sa pagsama niya sakin! Knowing that he hates me and we're not even friends pero still, sinamahan niya pa ako at inencourage na mag file ng incident report!




"Get off me, Porsche." Matigas na sabi niya.





"Ooopps." I chuckled at humiwalay sakanya. "Sorry. And thank you, sobra. Na-appreciate ko yung help mo. Salamat ulit. Ingat ka pag uwi!" Naglakad na ako palayo at hindi na siya nilingon.



Somehow, after those girls make bugbog to me, naging masaya naman ako dahil sa pinakitang attention sa akin ni Callixte. That really means alot, noh. Ilang buwan ko kaya pinagdasal na sana mapansin niya ako.



Paguwi ko sa bahay ay bumalik na naman ang lungkot 'ko. Knowing that uuwi na naman ng lasing ang daddy ko at paminsan ay sinasaktan ako. Sanay naman na ako, naimmune na nga ako sa pain. Haha!




"Porsche! Where are you?" Nagmadali akong bumaba ng hagdan at sinalubong si Daddy. He's with some hot woman.





"Dad!" Nagbeso ako sakanya at sa babaeng kasama niya.




"This your tita Rina." Pagpapakilala ni Dad.



Ngumiti ako kay Tita Rina and hugged her, "Good evening po."




"Good evening din, hija. It's nice to finally meet you!" Anang Tita Rina sa akin.




My parents are separated and has their own families now. Ako minsan nagsstay kay dad, minsan kay mom. Depends. Malayo kasi si Mommy samin.




Chinat ako ng mga friends 'ko na nabalitaan daw nila na nabugbog ako. Wow. Kumalat agad?



At dahil sa sobrang saya 'ko, naikwento 'ko sa friends 'ko about sa amin ni Callixte kanina and they are so happy for me. Syempre, tama si Nurse Kara. Dream come true ko iyong napansin ako ni Callixte.

Alluring II:  Alluring her innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon